"Ayos kalang?" Tanong sakin ni Clyde habang papasok ng bahay namin.
"Bakit ba nandito ka?" Walang ganang tanong ko sakanya habang nakadukdok lang sa isang gilid.
"Ano kaba nabalitaan ko ang nangyari?!" Sagot niya habang nakangiti. Pero wala ako sa mood ngayon para makipag chismisan sakanya. Di ko alam ngayon gagawin ko. Feeling ko sa mga araw na dumaan mababaliw nako. Ayokong magaya sakin si Kaizer na walang kumpletong pamilya. Ayoko.
"Clyde, wag ngayon please." Mahinang sabi ko sakanya habang nauupo siya sa tabi ko. "Ano kaba pinadala ko dito ng mama ni Jericho para daw madamayan kita at sabihin sayo na sana maayos niyong dalawa yung problema niyo. Tapos paaalisin mo lang ako?"
Ayoko ng kausap kasi alam kong tutulo yung luha ko. Nakakahiya pero sa sobrang lungkot ko niyakap ko siya ng mahigpit at humagulgol sa balikat niya.
"Miss na miss ko na siya. Di ko alam ang gagawin ko." Iyak ko pa sakanya habang nakayakap pa din.
"Si Kaizer kamusta?" Nag aalala niya namang tanong.
"Na kay Mama siya habang mag ka away pa kami kasi wala pakong lakas para harapin yung anak ko." Paliwanag ko sakanya habang pinupunasan ko ang mga luha ko.
"Si Jasmine nanaman pala ang naging dahilan." Naiinis niyang sabi sakin. Kaya naman napaalis na ko sa yakap at muling bumalik sa pag kakaupo.
"Napaka laking hangal niyang pinsan ko na yan. Para maniwala sa babaeng minsan ng sumira ng pamilya niyo." Dagdag niya pa habang nakapamewang.
"Salamat. Dahil sayo medyo gumagaan pakiramdam ko." Bulong ko nalang habang pilit siyang nginingitian.
"Isang linggo na din mula nung umalis siya. Ano plano?" Tanong niya naman sakin. Pero wala blanko lang ang isip ko lalo na’t hindi naman niya ko kinakausap.
"Di ko alam." Nalilitong sabi ko nalang sakanya.
JERICHO POV
"Jericho? Asawa mo parin 'yon. Di pwedeng basta basta mo nalang silang iwan ng anak mo." Sigaw sakin ni Mama habang pumapasok sa kwarto ko.
Kahit naka headset ako rinig ko parin siya. Nitong nag daang araw di ko rin alam ang gagawin. Pero puno yung puso ko ng galit at pag ka suklam sakanya.
"Jericho! Nakikinig kaba?!" Galit na sabi ni Mama sabay tanggal niya ng headset sa tenga ko.
"Hindi." Matipid na sabi ko sabay lagay ulit ng headset sa tenga ko.
"Jericho! Anak at asawa mo 'yon!" Biglang sulpot na sigaw ni Papa habang si Mama umiiyak sa balikat niya.
Di ko alam pero napuno nako. Napatayo ako at nasigawan ko sila. "Anong anak! Di ko anak ‘yon! Patay na ang anak ko! Ni hindi ko nga alam kung sino ama nung bata na 'yon eh!" Nabiglang sigaw ko sakanila.
"Jericho!" Sigaw ni Papa. Pero hindi ko na sila tinignan pa sa mata.
"Tama na! Para sa makabubuti. Aalis nalang ako!" Asar na sabi ko. Pag katapos ay madali kong kinuha ang gamit ko at lumayas na agad.
Rinig ko ang pag iyak ni Mama at ang sinabi ni Papa. "Ano ba yang sinasabi ng anak mo?" Tanong niya kay Mama.
Pag bukas ko ng pinto nakasalubong ko naman ang nakakairitang babae.
"Hon mag usap tayo." Iyak na sabi niya habang nakaharang sa pinto.
"Ayoko. Umalis ka sa harap ko."
"Please naman Hon mag usap naman tayo. Makinig ka sakin. Sabihin mo kung ano ang problema." Umiiyak na sabi niya. Nanlalambot ako pag nakikita siyang umiiyak kaya naman pumikit ako saglit at nilampasan siya. Sumakay ako sa kotse at hinabol niya ko. Nag makaawa siya at nakita ko pang nadapa siya sa pag habol.
Nasasaktan din naman ako pero hindi ko alam galit ang nangingibabaw ngayon sakin.
Patay na ang anak ko. Hindi ko anak ang Kaizer na'yon.