WAVES OF DISTRESS EPISODE 16 APPROVED AMARA GEORGINA’S POINT OF VIEW. Hinatid ako ni Tobias sa aming bahay nang mag-uwian na kami. Ngayon sana iyong plano ni Tobias na magpapakilala siya sa Papa ko bilang aking boyfriend pero hindi pa nakakauwi si Papa galing trabaho kaya sinabi ko na lang kay Tobias na sa sabado na lang para free kaming lahat dahil day-off din iyon ni Papa ko. Kailangan ko rin muna siyang makausap bago pumunta rito si Tobias dahil ayokong magulat namin si Papa at baka atakihin pa siya sa puso. Dadahan-dahanin ko na lang pagsabi mamaya kay Papa para hindi siya magulat. Habang hindi pa nakakauwi si Papa ay napagpasyahan ko na munang mag linis dito sa buong bahay namin kahit malinis naman ang paligid at wala namang kalat. Nag saing na rin ako at nag hugas ng mga plato p