“SHARE your experience ika nga. Pero bakit ayaw mong i-share iyong experience mo as private nurse ni Xavier.” kulit ni Ana kay Faith habang inaayos niya ang gamit. Tapos na kasi ang duty ni Faith sa kilalang ospital sa Maynila kung saan siya nagta-trabaho. “Ano naman ang i-share ko sa’yo? Eh, wala naman?” sabi niya sa kaibigan ng sulyapan niya ito. Napansin niya ang pagtulis ng nguso nito. “Kwento.” wika ni Ana. “Impossible namang wala kang ma-i-ku-kwento sa’kin eh, mahigit isang linggo kayong nagkasama ni Xavier bilang private nurse niya.” dagdag na wika nito. “So, kwento na.” ani Ana sabay bunggo sa balikat niya. Ayokong magkwento kasi ayokong alalahanin pa iyong mga nangyari sa’min ni Xavier roon. Kasi sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari ay buma