Unedited. NAPATINGIN si Faith kay Xavier ng marinig niya ang pagtunog ng cellphone nito na nakalapag sa ibabaw ng mesa. Nasa sala silang dalawa ng binata. Abala siya sa paglalaro ng candy crush sa kanyang cellphone samantalang nakatutok naman ang atensiyon ni Xavier sa laptop nitong nakapatong sa hita nito. Kahit na nasa bakasyon ito ay trabaho pa rin ang nasa isip nito. Iiling na lang si Faith. Mayamaya ay inalis ni Xavier ang atensiyon nito sa laptop at sumulyap sa kanya. Hindi niya napigilan ang pagtaas ng isang kilay ng magsalita ito. "Hand me my phone, " utos ni Xavier sa kanya. Napatingin naman si Faith sa cellphone nitong tumutunog na nakalapag sa mesa na nasa harap nito. Seriously? Inuutusan siya nitong kunin niya ang cellphone nito at iabot niya iyon rito? Tamad ba ito o hindi