Nakabihis na ako dito sa loob ng aking condo unit at hinihintay ko na lang ang aking gwapong asawa. Dalawang araw na mula ng makabalik kami galing Boracay, at ngayon ay papasok na ulit si Austin sa kumpanya at ako naman ay pipirma ng termination ng aking kontrata. Ito ang kapalit ng pagpapakasal ko kay Austin, ayaw niya na magtrabaho pa ako bilang modelo ng kanilang kumpanya. Well okay lang naman sa akin kung gusto niya na tutukan siya. P'wes yun mismo ang gagawin ko. At masaya ako sa ginagawa ko para sa kanya, aminin ko man at sa hindi alam kong mahal ko na siya, at tama nga si Lhen maganda siguro nakalimutan ko na ang lahat para sa pagsasama namin ni Austin. "Ready?" Seryosong tanong ni Austin sa akin ng pagbuksan ko siya ng pinto. Hiwalay pa rin ang gamit naming dalawa pero dito na nat