Chapter 1

1036 Words
"Mich pinatawag ka daw po ni chairman Breslow" napakunot ang noo ko sa sinabi ng aking P.A na si Jean. "Bakit daw?" tanong ko rito. "Hindi ko po alam eh, puntahan mo na lang po." kibit balikat na saad nito. "Ganon ba? Sige puntahan ko muna siya" inayos ko ang aking sarili bago pumunta sa opisina ni Marcus. Sinugurado kong magandan at ka akit akit ako sa paningin niya. "Hi, pinatawag daw ako ni Mr. Breslow?" tanong ko kay Airen na Secretary ni Marcus. "Ah opo miss Mich, pasok na lang po kayo sa loob" ngumiti ito pero halata namang peke ang ngiti. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok sa loob ng opisina ni Marcus. "Hi, pinatawag mo daw ako? May kailangan ka?" ngumiti ako dito ng kaakit akit na ngiti. "Nothing. But I have a surprise for you, here, open it, I know you'll like it." may kinuha itong kahon sa ilalim ng mesa. Lumapit ako sa kanya at binuksan ang kahon. Ganon na lang ang panlalaki ng aking mata ng makita ang isang louis vuitton bag na bagong labas, ito rin ang sinabi ko sa kanya na pag iiponan ko para mabili. "Is it for me?" "Yes, did you like it?" "No, because I love it. Oh Marcus, thank you so much, you just don't know how happy I am because of this." yumakap ako dito mula sa likod nito, nakaupo kasi ito sa swivel chair nito. "I'm glad you liked my surprise" aniya na tinapik tapik ang aking braso na nakayakap sa leeg nito. "Sa condo ka na mag dinner. What do you want to eat? let me cook for you" tanong ko dito at hinalikan ito sa pisngi. "I'm sorry honey, but I can't come later. Dating kasi ng panganay kong anak ngayon galing U.S. But I promise I'll make up for you one of these days." "Ganon ba?" Saad ko na pinalungkot ang aking boses. Nakakainis din kasi talaga ang asawa nito, lagi na lang niyaya si Marcus kung saan saan mag travel. Nawalan na tuloy ito ng panahon sa akin. Hindi naman ako pwede magreklamo dahil magagalit lang si Marcus mag nagkataon. "Hey, don't be sad, ok, babawi ako sayo, I promise." nag pout siya dito. " Lagi mo na lang sinabi na babawi ka sa akin, pero hindi rin nangyayari" umiikot ang mata na saad ko. Hindi naman ito nag salita. "alis na ako, baka mag umpisa na rin ang pictorial ko." kinuha ko ang bag at binalik sa box at lumabas na ng office nito. "Wow, mukhang may pasalubong na naman sayo si sir Marcus, iba talaga ang kamandag mo ano." Pag uuyam sa kanya ni Airen. "Ano sabi mo?" Huminto ako sa harap nito. "Oh bakit ka nagagalit? hindi ba't totoo naman, na ginagamit mo yang ganda at katawan mo para maakit mo si sir Marcus." naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi nito. "Kung walang magandang lalabas diyan sa bibig mong mabahong hininga pakiusap lang wag kana mag salita." saad ko at kinuha ang box at tumalikod dito. Wala akong panahon ngayon para makipag away sa pangit at mukhang hitong pag mumukhang tulad niya. "Aba't ang kapal din talaga ng mukha ng isang gold digger na tulad mo ano? Ang tapang mo porket alam mong kakampihan ka. Palibhasa kabit." dahil sa sobrang inis ko na dito ay hinawakan ko ang braso nito, sinusigurado kong babaon ang mahahabang koko ko dito. "Gusto mo ba talaga malaman kung gaano kakapal ang mukha ko at kung gaano ako kalakas kay Marcus?" bulong ko dito. "kayang kaya kitang ipatanggal ora mismo. Kaya kung ako sayo ititikom ko yang bibig mo." ani ko at binitawan ang braso nito. Nakita ko ang takot sa mukha nito habang hawak ang braso nitong may bakas ng aking koko. "And oh, by the way, you said I'm beautiful and sexy right? So find someone who's the level of your ugliness and go to fight with them." Pag kasabi ko noon ay tinalikuran ko na ito. "That's what you deserve, b***h" bulong ko at pumasok na ng elevator. Pagdating ko sa studio, kung saan kami mag so-shoot ay naka ready na ang lahat para sa gagawin naming summer suit pictorial. "Kamusta ang pag uusap niyo ni Mr. Breslow?" salubong sa kanya ni jean "Ayan, para diyan sa surprise niya." ani ko kay Jean at binigay dito ang box. "Ano to?" "Buksan mo para malaman mo" "Oh, my god Mich, ito yong bag na gusto mo hindi ba? Iba din talaga yang sugar daddy mo ano? alam na alam kung ano ang mga gusto mo." nakangiting sabi niyo. "Pwede ba Jean pakihinaan yang bibig mo at baka makarinig sayo." saway ko dito. "Sorry di ko lang mapigilan, nakakainggit ka talagang bruha ka." natatawa na sabi ni Jean sa akin habang naiiling ako sa kanya. "Oy mag start na daw kayo, andon na din ang susuotin mong summer swimwear sa dressing room mo naka ayos na yon kaya dali na mag bihis kana." saad ni Jean sa akin. Kaya tumayo na ako at pumunta sa aking dressing room. Naayosan na ako kanina ng make up artist niya kaya nagbibihis na lang ako. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Ang ganda ng hubog ng aking katawan bagay na bagay sa akin ang suot kong kulay pulang two piece swimsuits. "For sure naglalaway na naman ang partner ko para sa pictorial na ito," nakangising sabi ko. "Lalo ko kayong palalawayin, para tuluyan na kayong maulol sa akin." ani ko na mas binabaan pa ang suot na bikini bra, at halos kitang kita na ang kalahating susu ko at ang kalahati naman ang natatakpan. Nang makontento na sa aking hitsura ay lumabas na ako, hindi nakaligtas sa akin ang pag singhap ng aming photographer na si Alvin. Nang tingnan ko ang aking partner na si Jayson ay nakanganga ito sa akin, kaya tumingin ako dito na kagat ang aking ibabang labi. "Hoy bruha, wag mong sabihin na ina akit mo ang Jayson na yan Mich? Kukurotin talaga kita sa singit." bulong ni Jean sa akin. "Minsan kailangan din natin mag landi Jean, para di inaagiw ang ating mahiwagang perlas." kumindat ako dito at lumapit na kay Jayson.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD