Matapos ko makita kung gaano katindi ang nerbyos ni Carl, gusto ko siyang tuksuhin. Matapos ko itong pagisipan, napabuntong hininga ako ng malalim at matagal. Natakot sa pagbuntong hininga ko si Carl. Namutla siya at nanlumo, “Tapos na, tapos na, tapos na ang buhay ko…” “Oo, tapos na ang buhay mo. Kaya pagtrabahuhan mo ang utang mo.” Dahan dahan kong sagot. Nawalan na ng pag-asa si Carl pero matapos marinig ang mga sinabi ko, itinaas niya ang ulo niya at nagtatakang nagtanong, “Brother-in-law, what do you mean? Hindi na ako dapat mamatay?” “Oo, hindi na, but I am miserable,” sagot ko ng may hinanakit. “Hindi na ko dapat mamatay?” tuwang tuwa si Carl. Tumayo siya mula sa pagkakaluhod niya sa sahig. Matapos siyang matuwa, may naalala siya at nagtanong, “Bayaw, bakit ka napabuntong hin