Parang wala lang ang pagkakasabi ni Nadia dito. Pero, batid ko kung anong nakatagong mensahe sa sinabi niyang ito. Nangungulila na siya sa akin. Nanuyo bigla ang bibig ko habang inaalala ko ang mahaba niyang mga binti at ang delikado niyang paraan para yakapin ako ng mahigpit para magkadikit kaming dalawa. Pero, kinailangan ko siyang tanggihan matapos ko labanan ang matinding nararamdaman ko. “I can’t. I’ve just been accepted by Stamen Group, haven’t I? I have to start work immediately. I won’t have time to visit you.” “Paano kung ako na lang ang bumalik sa school para makita kita?” mungkahi ni Nadia. “Hindi, hindi puwede.” “Bakit? Ayaw mo ba akong makita?” malungkot ang boses ni Nadia. “Gusto kitang makita, pero hindi pa nagsisimula ang klase, kaya wala kang matutuluyan.” “Puwede