Prologue

1979 Words
LABIS-LABIS ang sakit at lungkot na nararamdaman ngayon ni Jacky habang nakasakay siya sa eroplano papuntang Norte. Panay ang pagpunas niya ng kaniyang luha, hindi niya pa rin magawang tanggapin ang naging desisyon ng kaniyang ama. Hindi pa ba sapat lahat ng isinakripisyo ko para sa kanila na ngayon maski ang pagpapakasal ay sila pa rin ang magdedesisyon para sa 'kin? aniya sa kaniyang isip. Mahal niya ang kaniyang kinikilalang magulang, itinuturing niyang utang na loob rito ang lahat ng kaniyang mga narating kaya hindi niya magawang tumanggi sa lahat ng kagustuhan nito. Mula noong amponin siya ng mag-asawang Navarosa ay wala na siyang ibang ginawa kundi ang pasayahin ang mga ito sa pagiging masunuring anak, kahit pa labag sa kaniyang kalooban ang ibang mga pinapagawa ng mga ito sa kaniya. "Hindi na tama 'yon, Jacky," sabi ng kaibigan niyang si Vicky no'ng masabi niya rito ang kagustuhan ng kaniyang ama na ipakasal siya sa anak ng mayaman nitong business partner. "Uso pa ba ang marriage for convenience ngayon? Diyos ko, 'dai ha! Baka mamaya abugbog ka lang do'n sa mapapangasawa mo, di mo man kilala 'yon!" "Hindi ko alam, Vicky." Napapailing na lamang si Jacky. "Lahat naman yata ay ibinibigay ko at ginagawa ko para lang maging mabuting anak... alam mo naman siguro kung gaano kalaki ang naging sakripisyo ko para lang mapatunayan ko sa kanilang mahal ko sila at tinatanaw ko nang malaking utang na loob ang pagkupkop nila sa 'kin 'di ba?" "Nandoon man tayo, 'dai," sabi nito sa matigas na lenggwahe na pinaghalong bisaya na lenggwahe nila sa Cebu at tagalog na s'yang nakagisnan na ni Jacky dahil nag-aral siya ng ilang taon sa Maynila noon. "Oo nga, 'dai, pinalaki ka man nila nang maayos, mayaman pa. Pero hindi man fair 'yong lagi na lang sila ang sinusunod mo. Piliin mo man din ang sarili mo, wala man ding masama doon, 'dai." Napamasahe na lamang si Jacky sa kaniyang problema. Sa buong buhay niya iisang lalaki lang naman ang minahal niya at pinangarap na pakasalan, ngunit dahil sa pagmamahal niya sa kaniyang pamilya, hindi niya nagawang ipaglaban ito kahit mahal na mahal niya pa. "Pero, anyway, 'dai, wag na lang natin pag-usapan 'yon. Siguro dapat natin isipin ang solusyon para hindi ka ipakasal nang tuluyan doon sa mayaman na business partner ng Daddy mo," wika ni Vicky. "Ay ako man din, 'dai, kung alam kong di ka masaya sa kasal mo, di man din ako susuporta uy. Ako pa sisigaw ng itigil ang kasal doon!" Natawa si Jacky sa biro ng kaniyang kaibigan, kahit papaano gumagaan talaga ang pakiramdam niya sa kaibigan niyang ito. Hindi niya tuloy maiwasang maisip si Jenny na matalik niya ring kaibigan doon sa Maynila. "Um-indian ka na lang sa araw ng kasal mo, 'dai, o magdala ka ng sarili mong groom. Di ba mayaman din naman 'yong ex mo, 'dai? Iyon na lang, mahal mo pa." Mapakla na lamang na natawa si Jacky. "Hindi naman 'yong estado ng buhay nila ang inayawan ni Dad sa kaniya, Vicky." "Ay naku, 'dai, baka kulang lang din sa ligaw 'yang daddy mo, 'dai. Bakit ka magpapakasal sa—ay! Ay! May naisip na ako, 'dai! May naisip na ako!" Napalayo siya nang bahagya sa kaibigan niya nang paghahampasin siya nito. "Aray! Ang bigat nang kamay mo angsakit mong manghampas!" nakangiwing reklamo niya sa kaibigan. "Ano ba 'yon?" "Magpabuntis ka!" malakas ang loob na suhestiyon nito, napapalakpak pa ito na para bang napakaganda ng naisip nitong solusyon. "Magpabuntis ka, 'dai! Tingnan natin kung pakasalan ka pa no'ng business partner ng daddy mo kapag buntis ka na sa iba! Naku, 'dai, siguradong backout na 'yon agad, 'dai! Ekis, no way, quit the wedding, runaway groom ang eksena, 'dai!" "Tsk, baliw," tangi na lamang nasabi ni Jacky tyaka mahinang natawa. Ngayon ay nakikita niya ang sarili niyang papunta sa Maynila, nais niyang makita ang kaibigang si Jenny upang personal itong imbitahin para sa kasal niya sa darating na Sabado. Mabuti na lamang at pinayagan siya ng kaniyang Daddy na sunduin niya ang kaniyang bestfriend sa Norte. Ngunit totoong masama pa rin ang loob niya sa kaniyang kinikilalang ama dahil labag talaga sa kaniyang kalooban ang magpakasal sa lalaking hindi niya naman mahal. It's been years since she left the north with heavy hearts, umalis siya noon na humahagulhol at namamaga ang mga mata, ngayon ay mabigat pa rin ang loob niyang babalik sa lugar. Kamusta na kaya siya ngayon? Did he moved on? Masaya na ba siya? Mahal niya pa kaya ako? Tuluyan na ba siyang naging isang ganap na doktor? Andami niyang tanong sa sarili niya. Mula noong umuwi siya sa Cebu ay wala na siyang naging balita rito—maliban na lang doon sa Physician Licensure Examination Result na nabalitaan niyang nag-top one ito. Dati pa man, matalino at magaling na talaga 'yon sa larangan ng medisina, kaya hindi na siya nagulat. Siguro ngayon ay patapos na ito sa residency training, ilang taon na ba mula nong nagtapos nang masakit ang relasyon nilang dalawa? Baka nga natapos na sa fellowship program ito ngayon at isa na talagang ganap na pediatrician gaya ng gusto nitong mangyari noon. Nang sa wakas ay makalapag ang kaniyang eroplanong sinasakyan at makalabas siya sa airport, sinalubong siya agad ng kaibigan niyang si Jenny. "Hi, Jacky!" masayang bati nito. "Grabe! I missed you so much! Gumanda ka nang gumanda! Iba ba ang hangin doon sa Cebu?" Nagtawanan silang dalawa, iba rin talaga magbiro itong bestfriend niya, walang preno din, kaya siguradong makakasundo ito ni Vicky na bestfriend niya naman doon sa Cebu. "Kaloka ka! Ikaw nga 'tong mas gumanda eh. Look at you, you look stunning, susundo lang sa airport para ka nang a-attend ng party!" biro niya. "Kilay mo pa on fleek na on fleek." "Ay, aba! Syempre. Nandito ka na rin lang, mag-celebrate tayo! Pumunta tayo sa... Barista! Oo, Barista, hahanap tayo ng fafa do'n." Napakunot-noo si Jacky. Mukhang hindi na naman magandang ideya itong naisip ng kaibigan niya. "Barista? Ano ba 'yon? Restaurant?" Ngumiwi agad ang kaibigan niya. "Ay swimming pool, swimming pool 'yon! Barista nga eh, malamang bar! c*m laude ka pa naman, Diyos ko!" Napakamot na lamang si Jacky sa kaniyang ulo, hindi pa nga siya nakaka-move on sa pagod niya sa biyahe, pero itong kaibigan niya ay mukhang lalasingin na siya. "Maraming nagsasabi na maraming mga green flag na natatagpuan do'n, Girl." "Green flag? Lasinggero tapos green flag? Ewan ko sa 'yo, Jenny. Mabuti pa umuwi na tayo nang makapagpahinga ako." Sumimangot ang kaibigan niya. "Killjoy ka talaga. Sige, edi kami na lang ang magkikita ni Arphaxad Blake Seeholzer doon... or—oh may or, Bakla! Makikita ko si Doctor Arphiodex Blade Seeholzer!" Saglit na natigilan si Jacky nang muling marinig ang buong pangalan ng lalaking itinitibok ng kaniyang puso, wala man lang nagbago sa reaksiyon ng puso niya, para paring nagwawala sa sobrang bilis. Dahan-dahan siyang napatingin sa kaniyang kaibigan nang seryoso. "Nandoon siya?" "Hmm... siguro... Sila lang naman kasi ang may-ari ng Barista, itinayo niya siguro mga one month matapos kang bumalik sa Cebu." "Itinuloy niya?" mahina niyang tanong sa kaniyang sarili nang maalala ang nakaraan. "Itinuloy ang alin?" natatawang tanong ni Jenny tyaka siya nito nang-aasar na tiningnan. "Ay! Mukhang may naaamoy akong hindi pa nakapag-move on ah. Umamin ka nga!" Nag-iwas si Jacky ng tingin. "Hindi naman gano'n kadaling mag-move on lalo na kung mahal mo pa." "Ay grabe ka!" biglang tili ng kaibigan, naglingunan tuloy ang mga tao sa kanila kaniya agad niyang sinaway ang kaibigan niya. "Tara na, sa Barista tayo dumiretso, babae ka! Baka ando'n si Fafa mong Arphiodex. Oh maghimatay-himatayan ka d'yan at isusugod kita sa kaniya!" "Ewan ko sa 'yo." Sumakay sila sa sasakyan na dala ni Jenny, isang maleta lang naman ang dala niyang gamit dahil wala naman siyang planong magtagal dito sa Manila, susunduin niya lang talaga ang kaibigan niya, pero hindi pa nito alam ang dahilan kung bakit niya ito susunduin, hindi niya rin kasi talaga gustong ipamalita na ikakasal na siya, kahit nga excitement ay wala siyang maramdaman para sa nalalapit niyang kasal. "May mga pagkain naman sila doon sa Barista, doon na lang din tayo kumain." "Okay," wala sa sariling sabi niya. Kabadong-kabado siya sa isipin na maaring makita niyang muli ang lalaking sobrang tagal niya ring hindi nakita, pero sa loob-loob niya, nasasabik na rin siyanh makita ito. She's anxious as time goes by, habang pakiramdam niya'y palapit na palapit na sila sa Barista ay pabilis naman nang pabilis ang t***k ng puso niya at hindi siya mapakali. Ilang sandali pa ay sa wakas huminto rin ang sasakyan. Sinilip niya ang kung ano'ng nasa labas. "Barista," basa niya. Hindi naman gano'n kalaki ang bar, ngunit nasa labas pa lang siya, alam niya nang may ibubuga rin ito. "Mauna ka na lang pumasok doon. Hahanap lang ako ng parking space, andaming sasakyan eh. Palagi talagang marami ang tao dito," sabi ni Jenny sa kaniya. Tumango naman siya at ngumiti. Bumaba na ng sasakyan, palingon-lingon pa siya sa paligid habang dahan-dahan siyang lumalapit sa entrance. Nang makapasok siya ay agad sumalubong sa kaniya ang tugtog at napaingay na paligid dahil napakaraming tao. Nang mapansin niya ang mga kababaihan sa paligid, napayuko siya upang tingnan ang kaniyang suot. Dahil nga galing pa sa biyahe, ang suot niya ay pantalon at jacket na maong, para siyang naliligaw lalo na't palingon-lingon pa rin siya sa paligid sa hindi malamang dahilan. "Oh! What the—" Nanlaki ang mga mata ni Jacky nang biglang may nagtulak sa kaniya, mabuti na lang at agad siyang nakabalanse. "Sorry, Miss!" Ngumiti lamang siya nang pilit at tumango. Niyakap niya ang kaniyang sarili habang nililingon niya ang entrance, hinihintay niya kung kailan papasok ang kaibigan niya. Tuloy ang obserbasyon niya sa paligid, ngunit napako ang tingin niya sa bar island bigla nang dumapo ang tingin niya doon. "Pio..." mahinang sambit niya kasabay ng lalong pagbilis ng t***k ng puso niya. Kasalukuyan itong nakaupo sa highchair at seryoso na nakatingin sa tinitimplang inumin ng bartender. "No! Hindi pwede, Jacky! H-Hindi na kayo pwedeng magkita—" "Jacky?" Napapikit siya nang mariin. "Jacky! Ikaw nga!" Hindi niya nagawang umalis dahil may tumawag sa kaniya na pag-lingon niya ay kaklase niya pala noong college. "Hoy! Long time no see! Di mo na ba ako nakikilala?" natatawang tanong nito. Namumukhaan niya ngunit nakalimutan niya na ang pangalan, nasa isa o dalawang subject niya lang yata ito naging kaklase noon. "Hi! Long time no see!" balik niya. "K-Kamusta?" Gusto niya nang umalis bago pa siya makita ng lalaking pilit niyang nilalayuan ngunit hindi niya magawa dahil dito sa kaklase niyang nakikipag-usap pa sa kaniya. "Okay lang. Sinong kasama mo? Halika, shot ka muna." Umiling si Jacky. "Ah, hindi na, paalis na rin ako eh." "Gano'n ba? Sayang naman," sabi nito, hindi niya na talaga maalala ang pangalan. "Oh sige, meron pa naman sigurong next time eh. Ingat ka." Nakahinga si Jacky nang maluwag nang umalis ang kaniyang dating kaklase. Nilingon ni Jacky ang dating pwesto no'ng lalaking iniiwasan niya, ngunit gano'n na lang ang paghahanap niya nang wala na ito sa pwesto. "Saan na nagpunta 'yon?" Umatras na lamang siya, tyaka humarap sa kaniyang likuran, ngunit natigilan siya nang isang matipunong dibdib ang sumalubong sa kaniya. Nanuot sa kaniyang ilong ang pamilyar na pabango nitong panlalaking-panlalaki, dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin, at para na siyang mamamatay sa bilis ng t***k ng puso niya nang magtama ang paningin nilang dalawa. Napasinghap siya nang bigla siyang kabigin nito sa bewang at hinila siya nito lalo palapit. "P-Pio—" "Glad you still remember my name, Baby," he said in his deep baritone voice that sent shivers to her spine. Napalunok nang sunod-sunod si Jacky dahil parang natutuyo na ang kaniyang lalamunan. "You used to moan that name, why are you running away from me now, hmm?"

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD