Elia’s POV Effective ‘yung gamot na pinainom sa akin ni Migo. Nawala na ang hang-over ko. Ngayon ay nasa biyahe na ulit kami. Hindi ko alam kung saan naman kami patungo. Habang patingin-tingin ako sa paligid, hindi ko mapigilang mapahipo sa hiwa ko sa ibaba. Ewan ko ba, pero pakiramdam ko ay nabanat ang loob ko kagabi. Parang nakipag-s*x, ganoon ang pakiramdam. Pero alam ko namang walang nangyari sa amin ni Migo. Isa pa, may damit ako pagkagising ko kaya imposible talagang may mangyari sa amin. Siguro baka nga magkakaroon lang ako ng dalaw kaya ganito. “Uy, may mga pinya oh. Bili tayo, Migo. Gusto kong mag-uwi ng pinya sa bahay,” sabi ko sa kaniya kaya agad namang hininto ni Migo ang sasakyan niya. Paghinto namin sa nagtitinda ng pinya ay binuksan ko ang binatana ko. “Pinya po, madam?”