Elia’s POV “Madaling araw na, Elia. Mabuti pa’y matulog ka na,” sabi ni Migo nang tapikin ako habang nakaupo rito sa tabi ng kabaong ni mama alas kuwatro na kasi ng umaga. “Kakainom ko lang ng kape, hindi pa naman ako inaantok,”sagot ko sa kaniya at saka muling binaling ang tingin sa kabaong. Ang dami pang tao kahit mag-uumaga na. May mga nagsusugal kasi. Sa dami ng sugarol dito sa street namin halos maubos na ata ang pagkaing kakapamili lang kanina sa palengke. Pero ayos lang dahil pera naman ni Migo ang mga ginastos. Saka, bawat lamesa raw ay may iniipon silang pera para ata sa abuloy. Tong ata ang tawag doon. “Ikaw, mukhang inaantok ka na kaya ikaw ang matulog na,” sabi ko naman sa kaniya. Narinig ko na napangisi siya nang sabihin ko ‘yun. Tinignan ko tuloy siya. Pagtingin ko, nakan