Elia’s POV Pagpasok ko sa gate ng school namin ay may nakita akong kumpulan ng mga student sa may stage. Karamihan sa kanila ay tumitili at nagpapalakpakan. May mga sinisigawa silang mga pangalan. May ilang minuto pa naman bago mag-alas dos ng hapon, kaya pumunta ako roon para tignan kung ano ang pinagkakaguluhan nila. Sa stage, nakita ko ang tatlong babae na halata namang mayayaman dahil sa porma at tindig nila. Ang gagara nilang pumorma. Parang mga artista. ‘Yung mga suot nila, halatang walang kagaya. Sa tingin ko ay mga mga sarili silang designer. Ang mga bag nila halatang lilibuhin ang presyo. Ang mga makeup naman nila sa mukha ay parang may mga sarili silang makeup artist. Lahat ng tungkol sa kanila para ang expensive. Kahit nasa malayo ka, halatang maaamoy mong ang babango nila. P