Prologue
Naghahabol ako ng hininga habang patuloy na tumatakbo dito sa may madilim na bangketa. Hanggang ngayon, hinahabol pa rin ako ng tatlong lalaki na inaway ko sa bar kanina. Paano ba naman kasi, nakita kong binabastos nila ‘yung babae. Sa totoo lang, hindi naman ako dapat magpakabayani kanina, hindi ‘yun ang pinunta ko roon kung ‘di ang mga tauhan ko na kanina ko pa hinihintay doon. Ngayong gabi nila kasi ibibigay sa akin ang lahat-lahat nang kinita namin nang nakaraang linggo sa ginawa naming malibag na trabaho.
Sa totoo lang, hindi dapat ako tumatakbo dahil aminado akong tumaba ako ngayon dahil sa pagkain ko ng mga masasarap na pagkain nitong mga nagdaang buwan. Alam kong hihingalin ako, pero kung ‘di kasi ako tatakbo, baka abutan ako ng mga bala ng baril nitong mga mokong na sumusunod sa akin. Nang makakita ako ng isang taguan na mga gulay, doon ako pumasok at nagtago kahit pa ang baho roon.
Hindi ko mapigil ang mga malalalim na paghinga ko na siyang dulot nang mabilis kong pagtakbo, ganoon pa man ay pilit kong pinapakalma ang sarili ko para hindi nila ako marinig. Parang gripo tuloy ang mga pawis na tumutulo ngayon sa ulo at katawan ko. Parang na rin akong malalagutan ng hininga dahil sa bilis nang pagtakbo ko kanina. Nang marinig kong nakalagpas na ang mga takbo nila sa kinaroroonan ko ay alam kong safe na ako. Nakakasura lang talaga at hindi ko nadala ang mga baril at four-finger ring ko. Kung tutuusin, suwerte pa sila at hindi ako. Kasi kung dala-dala ko ang mga sandata ko, hindi na sila sisikatan ng araw bukas.
Tumayo na ako at saka ko na iniba ang daanan ko. Tinawagan ko na lang din ang mga bata ko na sa ibang araw na lang kami magkita-kita at napaaway kasi ako.
Sa harap ng simbahan ang lusot ng daan na nakita ko. Masyadong malalim na ang gabi kaya wala ng mga tao rito. Nang papunta na ako sa paradahan ng sasakyan ko, nakarinig ako ng umiiyak na babae. Natakot pa ako ng una dahil bali-balita rito sa simbahan na ito na may pagala-gala nga raw na white lady dito. Baka ‘yun na ang naririnig kong umiiyak ngayon.
Pero nang magsalita ito bigla ay doon ko napagtanto na hindi multo ang umiiyak na ‘yun.
“Jared, bakit nagkaganoon? Sino ang gagong nakabaril sa ‘yo? Napakasaklap naman nito. Nawala ka na nga, nawala pa ang mga pera natin!” sumisigaw siya at panay ang iyak. Sa tingin ko ay iniwan ito ng boyfriend niya.
Nakita ko siya sa may bench, gulo-gulo ang buhok at parang lasing dahil namumula ang mukha niya. Malinaw ko siyang nakita dahil nakatapat siya mismo sa maliwanag na poste.
“Miss, ayos ka lang?” tanong ko na sa kaniya. Napatingala siya sa akin. Papungay-pungay ang mga mata niya nang tignan ako.
“Naku po, hindi po ako okay, Tito. Tulungan niyo po ako, please,” sabi pa niya kaya nagulat ako. Tito talaga? Mukha ba akong tito na eh, sa tingin ko nga ay parang limang taon lang ang tanda ko sa kaniya. Tumaba lang ako, nagmukha na agad akong tito. Kaasar. Mukhang kailangan ko na nga sigurong mag-gym. Kaya naman pala hindi na ako masyadong nakakaakit ng babae dahil ganoon na pala ang tingin nila sa akin.
Tumayo ito at pagewang-gewang na lumapit sa akin. Nang muntik na siyang madapa ay sinalubong ko na siya. Mabuti at nasalo ko siya kaya hindi siya nabuwal sa lupaan.
“Sabihin mo, anong maitutulong ko sa iyo?” tanong ko sa kaniya.
Ay, naku, heto na naman ako sa pagiging hero ko na dapat ay hindi ko na ginagawa dahil minsan, ako pa ang napapahamak. Pero kasi sa itsura nitong babae, mukhang miserable ang buhay niya. Gulo-gulo ang buhok niya at halos mukha ng multo dahil sa nagkalat na makeup sa mukha niya. Ganoon pa man ay kung hindi siya mukhang miserable ang itsura, masasabi kong maganda naman siya at sexy pa. Ang kinis-kinis nga eh.
“Tito, namatay ang boyfriend ko. Namatay ito nang nakaraang linggo. Nasa kaniya ang lahat ng pera ko: pambayad sa apartment ko, sa tubig, kuryente at pati na rin sa pangkain ko. Hiniram niya kasi ‘yun para isugal, pinahiram ko naman dahil palagi kasi siyang nananalo, madalas, dumudoble pa ang pera ko kapag hinihiram niya, pero sa hindi inaasahang pangyayari, bigla siyang natamaan ng ligaw na baril sa sabungan na pinagsusugalan niya. Ang masaklap pa, patay na nga ito, ninakawan pa siya ng pera at ng cell phone. Tapos cell phone ko rin po ‘yung naiwala niya. Walang natira ni kahit singko sa kaniya kaya heto, nagpakalasing ako, tumungga ako ng isang bote ng alak dahil hindi ko alam kung paano na ang mangyayari sa akin nito,” mahaba niyang kuwento habang nakatitig sa mukha ko.
“Eh, wala ka bang pamilya o magulang?” tanong ko.
“Mayroon, ang masama nga ay kabibigay lang ng mama ko ng perang hiniram ng boyfriend ko. Kapag nalaman niya ‘yun, malalaman na rin niyang hindi talaga ako nag-aaral dito, malalagot ako lalo,” sabi pa niya kaya napasapo ako sa ulo ko.
“Eh, patay nga diyan,” sagot ko.
“Tito, ganito na lang. Mukha ka namang guwapo at malinis. Kakapalan ko na ang mukha ko. Saka, hindi ako ganito, ha. Ngayon lang ito. Puwede bang bigyan mo ako ng pera, kapalit ay ang alam mo na,” sabi niya kaya bigla akong nasamid.
“K-kapalit ng ano?” maang-maangan ko pa kahit alam ko naman ang ibig niyang sabihin.
“S-s*x po tayo, tito,” sagot niya at saka kinuha ang dalawang kamay ko para idakma sa dalawa niyang malulusog na dibdib. Sa laki at lambot niyon ay parang naakit niya ako bigla.
Lalaki ako at babae na ang lumalapit sa akin kaya hindi na ako nakatanggi. Mabuti at may dala-dala akong sampung libong piso sa bulsa ko. Ang limang libong piso siguro ay sapat na para mapaligaya ko ang sarili ko.
Dinala ko siya sa sasakyan ko. Ang sabi niya, mag-hotel na lang kami kaya sinunod ko na. Mahiya-hiya pa nga ako dahil nagtingin ang ilan sa mga taong nakakakita sa amin pagdating namin sa hotel na napuntahan namin. Ang gara pa ng itsura ng kasama ko kaya napapayuko na lang tuloy ako.
Nang makakakuha na ako ng room ay dali-dali ko na siyang hinila sa elevator para maiwasan na ang mga taong nakatingin sa amin. Pagbukas ng elevator, hinanap ko na rin ang room 43. Madali ko naman itong nahanap kaya pagbukas ko niyon ay hinila ko na siya agad doon.
“Sa shower tayo, medyo iba na kasi ang amoy mo at ganoon din ako dahil nagtatakbo ako kanina. Mabuti pa ay habang naliligo tayo ay saka tayo mag-s*x,” sabi ko. Tango lang siya nang tango. Halatang bangag pa rin sa alak.
Nang gabing ‘yun, hindi pa man kami pumapasok sa banyo ay galit na galit na agad ang kargada ko dahil sa ginawa niyang paglagay niya ng mga kamay ko sa dibdib niya kanina. Gusto kong dilaan ang malalaki niyang dibdib. Pakiramdam ko rin tuloy ay makakakain na ulit ako ng sariwang puwerta ng babae. Hindi ko kasi magawa ‘yun sa matandang biyuda na kinakasama ko ngayon sa probinsya, hindi naman sa nandidiri ako pero parang ganoon na rin dahil talagang malayo na kasi ang agwat ng edad namin. Pero ngayon, iba, halatang sariwa at bata itong nakuha ko. At parang magkalapit lang din talaga ang edad ko sa kaniya kaya susulitin ko ang ibibigay kong limang libong piso sa kaniya. Patay siya sa akin, isang linggo pa naman na akong hindi nakakaranas ng s*x dahil busy din ako.