Panganib

1835 Words
Elia’s POV  Bigla kong naisip ang nakasalubong ko kanina na si Terrence. Puta, hindi kaya siya ang nangloob sa apartment ko? Tama, mukhang siya nga! Dali-dali akong lumabas sa apartment ko para sugurin siya. Wala nang katok-katok ay dali-dali akong pumasok sa loob ng apartment niya. “Hoy, Terrence!” sigaw ko agad sa loob ng apartment niya. Wala siya, pero nakarinig ako ng lagaslas ng tubig sa banyo niya. Mukhang naliligo siya. Papunta na dapat ako sa banayo nang pagdaan ko sa lamesa niya ay nakita kong naroon lahat ng pera ko. Maging ang isang pirasong kamote cue na kinuha niya ay narito rin. Magnanakaw na, patay-gutom pa! Dali-dali kong kinuha ang mga pera at muling binulsa. Pagkatapos ay saka ko siya sinugod sa loob ng banyo niya. Tela lang ang pangharang niya roon kaya agad ko siyang nakita. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nakaupo siya sa toilet bowl. Nakabukaka siya roon habang pinaglalaruan ang naninigas at ang malaki niyang ari. Nakangisi siya sa akin nang makita niya ako. “Sabi na eh, pupuntahan mo rin ako para magpatikim,” panunukso niya agad. Akala mo kung sinong yummy, eh ang itim-itim naman ng singit. Pati itlog at katawan ng ari niya ang itim din. “Magnanakaw! Tang-ina ka, pati kapitbahay tinatalo mo. Pwe!” bulyaw ko sa kaniya. “Puta ka pala eh!” asik niya. Tatayo dapat siya para sana sugurin ako pero agad akong humawak ng kutsilyo na nakita ko sa may gilid at saka tinutok sa kaniya. “Sige, lumapit ka sa akin, hindi ako magdadalawang-isip na putulin ‘yang kaligayahan mo para magtino ka na!” pananakot ko sa kaniya. Nahinto tuloy siya sa pagtayo, naupo ulit siya sa toilet bowl at dahan-dahan na lang ulit nilaro ang ari niya. Bago pa ako makaalis ay nasaksihan ko pa kung paano siya nilabasan. Tumalsik sa buong tiyan niya ang semilyang lumabas sa kaniya kaya ang takot na naramdaman niya nang tutukan ko siya ng kutsilyo ay napalitan ng ngisi dahil alam niyang nakatingin ako sa ari niyang nilalabasan na ngayon. Putang-inang lalaki ‘to, ang dami labasan. Kawawa ang magagalaw niya dahil tiyak na mabubuntis. Sinara ko na ulit ang harang niyon at saka na ako nagtatakbo palabas doon. Pawis na pawis ako nang makabalik sa loob ng apartment ko. Gigil na gigil ako sa Terrence na ‘yun. Naiiyak na lang tuloy ako habang nakaupo rito sa sofa ko. Ganoon pa man ay masaya pa rin ako na nabawi ko ang mga pera ko sa kaniya. Sa susunod, talagang kahit sa labas lang ako bibili saglit, magla-lock na ako ng pinto. Sa mga oras na ito, gusto kong tawagan si Mama. Gusto ko nang magsabi sa kaniya ng mga problema ko. Gusto ko ng kausap, dahil pakiramdam ko nang mawala si Jared, parang nag-iisa na lang ako ngayon. Ngunit alam ko rin na hindi puwede dahil hindi rin talaga puwedeng malaman ni Mama ang mga pinaggagawa ko. Baka maging siya ay itakwil na rin ako. Baka sa susunod na buwan, hindi na niya ako padadalhan ng pera. Alam kong kulang na kulang pa rin itong perang mayroon ako. Hindi ito aabot ng isang buwan at kung araw-araw naman akong magbenta ng banana cue at kamote cue, kasasawaan naman ng mga kapitbahay ko ‘yun. Ang hirap, sobra. Ganito pala ang pakiramdam ng mga magulang na pilit naghahanapbuhay para lang may makuha silang pangkain sa mga anak nila. Ngayong nakakaranas na ako ng hirap, mas lalo tuloy akong nakukunsensya sa ginawa kong kasalanan sa Mama ko. At ito, itong mga nangyayari, parte pa rin ng karma ko, lalo na ‘yung ginagawa ni Terrence sa akin. Napabuga ako ng hangin. Hanggang kailan ko kaya ito gagawin? Nag-uumpisa pa lang kasi ako pero parang gusto ko na agad sumuko. Ang hirap ng ganito. Sa takot na baka balikan ako ni Terrrence, nag-lock ako ng pinto. Pagkatapos ay nagluto ng ako ng yema candy. Sinalang ko na ang malaking kawali sa kalan at pinainit ko muna ito. Nang uminit na iyon ay naglagay na ako ng mantika. Nang kumulo na ‘yun ay nilagay ko na ang gatas, hindi puwedeng ‘di ito hahaluing mabuti, hindi rin puwedeng tigilan ng halo dahil maninikit ‘yun sa kawali at baka masunog din, sayang naman ang perang pinambili ko rito. Nang maging malapot na siya, nilagay ko na ang mani na dinurog ko gamit ang sangkalan. Madali lang gumawa nito, hindi ako nahirapan. Mas mahihirapan nga lang ako mamaya kapag nagbalot na. Hindi rin puwedeng mabagal sa pagbabalot dahil mabilis tumigas ang yema kapag nahahanginan o napapahinga ito. Halos alas tres na ng hapon nang matapos ako sa pagbabalot ng yema candy. Ang dami kong nagawa at halos ang laki rin ng tubo sa yema candy na ginawa ko. Thank God, hindi na ako binalikan ni Terrence kaya nang alas kuwatro na ng hapon, naligo ulit ako at saka na ako nag-alok ng yema candy sa labas. Natuto na ako, nag-lock na ako ng pinto ng apartment ko pag-alis ko para hindi na ako mapasok. Sa ibaba ay halos dinumog agad ang yema candy ko. Wala kasing masyadong tindahan dito, sa kanto pa ang bilihan. Isa pa, ayaw din kasi ng landlady na may mag-open ng sari-sari store dito sa building niya, papalayasin daw niya kapag may gumawa niyon. Paglalako naman ang ginagawa ko kaya hindi naman siguro ako makakagalitan. Ang babait talaga ng mga tao dito sa ibaba, akalain mo ‘yun, na-timing-an na may nag-birthday na ale dito sa first floor. Binigyan ako ng pancit at puto, nalibre tuloy ako ng merienda. Bilang regalo, binigyan ko tuloy siya ng sampung pirasong yema candy, ayaw pa nga niyang tanggapin dahil wala raw akong tutubuin, pinilit ko na lang dahil nahihiya rin akong umalis na wala manlang bigay. Mabuti at tinanggap din niya sa huli. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim nang makaubos ako ng yema candy. Hindi muna ako tumuloy sa apartment ko. Pumara ako ng tricycle para tumungo sa palengke. Tinatamad akong magluto ng ulam kaya bibili na lang ako ng lutong ulam. Pagdating sa palengke ay bumaba ako sa sikat na bilihan ng lutong ulam. Masarap dito sa lutong ulam ni Aling Belen at saka alam kong malinis siya gagawa. Bumili ako ng adobong manok at saka pinakbet na rin. Sinulit ko na ang pamasaheng papunta rito, naglakad na rin kasi ako papunta sa wet market. Bumili naman ako ng ingredients para sa ititinda ko namang pulburan para bukas. Papunta na ako sa sakayan ng tricycle nang mag-ring ang cell phone ko. Dali-dali kong dinukot ‘yun sa bulsa ko at saka sinagot ang tumatawag pala na si Mama. “Oh, Mama?” Hindi siya agad sumagot. Boses ng lalaki ang narinig ko sa kabilang linya. “Babawi ako, huwag ka nang magalit. Kahit dalawang round ang hilingin mo mamayang gabi, okay lang sa akin,” dinig kong sabi ng lalaki sa background. Tila tungkol sa s*x ang tinutukoy ng lalaking kasama niya. “Psshh, huwag ka munang magulo riyan at kausap ko ang anak ko,” pabulong naman na sabi ni Mama. Hindi niya natakpan ang mic ng cell phone niya kaya rinig ko pa rin siya. Puta, nanlalalaki na ata ang ina ko ah? Si Mama talaga, hindi na bagay sa edad niyang ganoon ang ginagawa niya, lumalandi pa. Nakakainis. “Sino ‘yun? May lalaki ka na bang kinakasama sa bahay, Mama?” galit ko tuloy na tanong sa kaniya. “Umuwi ka next week, sabado at linggo, wala ka namang pasok niyon ‘di ba? Kailangan ko nang magbabantay sa bahay, may lalakarin akong mahalagang papel,” sabi niya at hindi manlang sinagot ang tanong ko. “Bye na at busy na rin ako,” dagdag pa niya at saka pinatay ang linya niya. Busy sa pakikipaglandian. Nakakaloka naman si Mama. Boring na boring na siguro siya, miss na miss na ring maikama siya kaya humahanap na ng lalaking ikakama siya. Bahala nga siya, kung saan siya masaya, support na lang ako. Pagkabulsa ko ulit sa cell phone ko, nagulat na lang ako nang biglang sumulpot sa harap ko si Terrence kasama ang dalawang lalaki. “Mamili ka, ibibigay mo sa akin ‘yang lutong ulam na binili mo o ikaw ang kakainin ko mamayang?” tanong niya ng pabulong kaya natakot ako. “Bastos ka talaga eh, ‘no!” sigaw ko. Sinadya kong sumigaw para makahingi ng tulong sa mga taong malapit dito. Maya maya, may isang tricycle driver na hinintuan kami. “Hoy, mga kumag. Tigilan ninyo nga ‘yung babae!” sita sa kanila ng tricycle driver na malaki ang katawan. Sa takot nila Terrence, napangisi na lang ito at saka tumakbo. “Salamat po,” sabi ko sa tricycle driver. Dahil doon ay sa kaniya na ako sumakay. “Siraulo talaga ang Terrence na ‘yun. Kung ‘di mo sisitahin at sisigawan, ‘di titigil ‘yun,” sabi ng tricycle driver habang nakasakay na ako sa kaniya. Mabuti na lang talaga at mayroong mga mababait na tao na handang tumulong sa kapwa nila. Kung wala siguro itong si manong ay baka nakuha ni Terrence ang ulam na binili ko. Habang nasa biyahe kami pauwi sa bahay ay dinadaldal niya ako. Kinukuwento niya sa akin ‘yung anak niyang babae. Malapit na raw itong maka-graduate. Nainggit tuloy ako dahil dapat ganoon na rin ako. Nakakatuwa rin dahil bigla kong na-miss ang papa ko dahil sa kaniya. Hanggang sa malibang ako. Hindi ko namamalayang iba na pala ang daan na tinatahak namin. Sa pagkakalibang ko sa kakatingin sa kaniya habang kausap siya, hindi ko napagtantong liblib na pala itong dinadaanan namin. “T-teka, manong… m-mali ho ata itong daan na tinatahak natin,” sabi ko sa kaniya habang tinutubuan na ng kaba. “Hindi, tama ito. Shortcut ba, ganoon,” sagot niya habang nakikita kong iba na ang timpla ng mukha at ngiti niya. “Manong, hindi eh. Walang shortcut dito papunta sa street namin. Ibalik niyo na po ako sa labasan nitong liblib,” sabi ko sa kaniya habang nagrereklamo. “Sakto, dito na pala tayo,” sabi niya at saka hininto ang tricycle niya. Pagtingin ko sa labas, sobrang dilim at halos walang kabahay-bahay. Nilayo niya ako sa mga matao at ngayon ko lang unti-unting nakuha na may masama siyang balak. Paghinto niya ay agad siyang bumaba sa tricycle, ganoon din ako. Habang papalapit siya sa akin, tinatanggal na niya ang sinturon ng pantalon niya. “Manong, huwag. Subukan ninyo po akong hawakan o galawin, hindi ho talaga ako magdadalawang-isip na sumigaw!” pananakot ko sa kaniya. “Kahit sumigaw ka, walang makakarinig sa ‘yo dahil walang bahay o tao dito,” sabi niya habang unti-unti na akong umaatras sa kaniya. Nakaiwas nga ako kay Terrence na walangya, dito naman ako napunta sa mas walangya pa pala. Lord, help me, please. Natatakot ako dito. Part pa rin po ba ito ng karma ko? Please, po, tama na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD