CHAPTER 16: Sarah's Boyfriend
“Pag sinaktan ka at pinagbuhatan ng kamay dapat lumaban ka. Iyon ang turo ko sa ‘yo ‘wag mo kalimutan iyon. Sabi ko naman sa 'yo malaki ang pagkakaiba ng Pilar University sa school na pinapasukan mo noon,” mahabang lintaya niya.
2 years ago. Si Sarah na matalik kong kaibigan ay magaling sa pag ma-martial arts. Noon pa man ay naranasan ko na rin ang apihin ng iba pero lagi siyang nandyan sa tabi ko at willing s’yang turuan ako kahit yung mga basic lang para kahit papano raw ay kaya kong ipagtanggol ang sarili ko.
“Bessy, sa Monday magkita tayo sa Cafeteria during lunch time.” Napatingin agad ako kay Sarah nang bigla ‘to magsalita.
“Okay best!”
Pagkatapos namin mag-usap, ni libre n’ya ako sa Mano-mano restaurant. Pagkatapos hinatid n’ya na ako sa boarding house at hindi na kami masyadong nakapag-usap talaga dahil nagmamadali siya may date raw kasi sila ng boyfriend n’ya.
Today is Monday, nag breakfast ako pagkatapos naligo na then ginawa ko na ang daily routine ko. Medyo maaga pa naman 7:00 o’clock. Kaya nag f*******: muna ako. Pagkalipas ng 30 minutes umalis na ako pumunta na ako sa school. Malapit lang naman ‘tong boarding house sa school. Nagmasid-masid muna ako sa kapaligiran at pumunta sa garden. Nakita ko ang mga estudyante ang elegant nila tignan samantala ako napaka simple at walang make-up.
Bakit ko ba kinukumpara ang sarili ko sa kanila? Hindi ko na lang pinansin ang mga nakikita ko at dumeretso na lang sa classroom.
3 hours ang major subject namin nakaka-stress. Mag lu-lunch na kaya pumunta na ako sa cafeteria gaya ng sabi ni Sarah sa akin. When I got there nakita ko si Sarah at nakita n’ya din ako nag wave naman agad ito para madali ko s’ya makita. ‘Di sana ako lalapit kasi may kasama itong apat na boys at ang gwa-gwapo nila. Kumaway ako kay Sarah at a-alis na pero agad itong tumayo at hinabol ako.
“Natalie! Wait! Bakit ka aalis? Huwag kang mahiya mga friends ko sila, ipapakilala kita sa kanila.”
“Wag na Sarah! Nakakahiya, bukas na lang tayo magkita.” Pahiwatig ko na may halong kaba at hiya.
“Ano ka ba, hali ka na!”
Hinila n’ya ako papasok sa loob ng cafetereia at hawak-hawak ang kamay ko. Dahan-dahan ko inangat ang ulo ko at nakatingin sila sa’kin. Na shock ako, they are the most popular and handsome sa Pilar university. Sila’y napaka talented at varsity sa school.
“Guys! Meet my best friend…Natalie,” pagpapakilala ni Sarah at nag smile naman sila sa’kin.
“Bessy, this is Justine Ong.” Naka smile at sinenyasan ako ni Sarah, alam n’ya kasing crush ko si Justine.
“Hi Natalie, Nice to meet you.” Tumayo si Justine at nakipag shake hand sa’kin.
Ang g’wapo n’ya at ang lambot ng kamay. Ngumiti pa ito ang cute n’ya, rosy lips at nakakatunaw na tingin ang singkit n’yang mata. Matangkad s’ya at maputi.
“H-hello.. Nice to meet you too,” Kinakabahan kong sagot sa kaniya.
Kinalabit ako sa tagilaran ni Sarah at doon ko namalayan na ‘di ko pa nabibitawan ang kamay ni Justine. Agad ko naman ito binitawan at napagtanto ang katangahan ko.
“This is Mark Francisco and my boyfriend. Also this are Jason Padua and Dave Ramos.”