CHAPTER 04.2:
CONTINUETION
“W-Why? Is there something wrong?” Inirapan ko siya dahil sa pagma-maang-maangan niya.
“Paano kung nawalan na ako ng mata nga’yon? Maibabalik mo 'yon? Paano kung nasugatan mo ang mukha ko? May magagawa ka ba?”
“Let go of me,” seryosong sabi niya.
Napakunot ang noo ko dahil parang wala lang sa kaniya ang ginawa niya. Napansin ko naman ang pagngisi niya na mas ikinainis ko.
“My name is Thristan from Team C and –”
“Hindi ko tinatanong at hindi ako interesado sa' yo!”
Ngumisi lang siya at umalis na. Huminga na lang ako ng malalim at hinawakan ang pisngi ko. Hanggang nga'yon gulat pa rin ako sa ginawa niya.
Ano kayang klaseng nilalang siya at gano’n kabilis siya kung gumalaw.
“Sofi, halika na dito anong ginagawa mo d’yan? Ba’t nasa gitna ka?”
“Puntahan mo siya Bianca, bilis na. Pinagtitinginan na siya ng lahat oh..”
“N-Nahihiya ako, ikaw na lang Kylla.”
Ramdam ko pa rin ang panginginig ng kamay ko. Gusto kong sapakin kung sino man 'yon. Delikado ang ginawa niya kanina at p’wede nga talaga akong mawalan ng isang mata.
“E-excuse me..” May narinig akong tumikhim kaya lumingon ako sa likuran ko.
Hinanda ko pa ang aking sarili at kung sakaling siya man 'yon ay susubukan kong suntukin siya.
“B-Bakit?” tanong ko dahil hindi ko naman kilala ang nasa harapan ko ngayon.
“Uhm.. magsisimula na ang announcement. G-gusto mo doon tayo sa likuran?”
Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya at bigla niya na lang akong hinila.
“T-Teka..”
“Nandito na tayo,” masayang sabi niya.
Nang makita kong nasa akin ang lahat ng tingin ng mga nandito ay bigla na lang akong tumago sa likuran niya.
Shit! A-anong nangyari?
“Hehe, huwag ka ng tumago sa likod ko. Tingnan mo nagsimula na rin magsalita si Sir Eman.”
“Christ, tingnan mo ang cute niya.”
Narinig ko ang mga tawanan ng mga nasa tabi namin dito kaya yumuko ako ng husto.
“Haha, huwag niyo naman siyang asarin. Pero sobrang nakakatawa ka talaga.. kanina ka pa tinatawag ni Sir tapos hindi ka kumikibo, ang cute mo nga–”
Mahina pa silang nagtawanan ulit. Pero mukha naman silang mabait kaya hindi ko mapigilang kurutin sa tagiliran ang humila sa akin kanina.
“A-aray,” sigaw niya kaya nagsitinginan naman ang iba.
“Salamat pero babalik na ako–”
“Dito ka muna, mapapansin ka kaagad ni Chan-chan kung aalis ka. Sige, lagot ka si ma’am Katty na ang magsasalita,” paliwanag at may halong pananakot niya.
Hindi ko naman kilala ang mga pangalang sinsabi niya. Tumahimik na lang ako at pinagmasdan ang lahat. Nga’yon ko lang napansin na nasa kaniya-kaniyang grupo ang lahat. Hinanap ko kung nasaan sila Kylla pero hindi ko sila makita.
Lumingon-lingon ako at doon nakita ko si Liam. Binilang ko ang mga pagitang grupo mula sa kaniya. So, ibig sabihin nasa Team D ako nga’yon. Natatanaw ko rito si Liam kaya hindi na muna ako babalik sa grupo ko. Ang sarap rin sa pakiramdam na nasa Team D ako. Ang lapit ko sa Team A kung nasaan si Liam at kasali ako sa top 10. Sana hindi na muna matapos ang oras na ito.
Naalimpungatan ako ng sikuhan ako ng kung sino.
“Huh? B-Bakit?” tanong ko sa kaniya.
“P’wede ka ng bumalik sa grupo mo,” sagot niya at ngumiti na naman.
Kanina pa siya nakangiti, ang sarap tuloy tahiin ang bibig niya.
“Ano nga pala ang pangalan mo at sa anong team ka? Ako si Christian.”
Hindi ko lang siya pinansin at pinagmasdan na lang ang ibang estudyante na umaalis. P’wede na nga talaga akong umalis pero teka si Liam. Asan na kaya siya?
“Bakit ayaw mo ko pansinin?”
“Huh?” Napansin kong nakanguso siya at parang malungkot.
May ginawa ba ako sa kaniya? Para siyang bata pero alam ko naman na same lang kami ng edad. Lahat kami nasa senior high (grade 12) at alam ko ang mga nasa 11 ay naghahanda na rin sila para sa kanilang audition.
“S-sige, una na ako sa 'yo. Nice to meet you cutie!” Tinaas ko ang isang kilay ko sa sinabi niya. Hinanap ko siya pero umalis na nga siya.
“Sofi! Nandito ka lang pala! Halika na!” Nagulat ako sa pagsulpot ni Kylla. Hindi niya kasama si Bianca.
“T-Teka, dahan-dahan lang Kyl–”
“Bilisan mo na kasi late na tayo,” natatarantang sagot niya.
“N-Nasaan ba si Bianca? At saan tayo pupunta? May paso–”
“Kanina ka pa namin hinahanap at hindi ko alam kung naghihintay pa ba si Bianca.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Ewan ko sa 'yo, huwag ka na magtanong pa! Malamang si Bianca na ang unang mag- pre-present para sa Team natin.”
A-ano raw? So, totoo nga na nga’yon na magsisimula.
“Bilisan mo na nga d’yan!” naiinis na sigaw ni Kylla sa akin. Nagmadali naman ako sa paglalakad at inunahan na siya. Pareho naman kaming tumigil ng may makasalubong kaming isang guro. Muntikan ko pa siyang mabangga mabuti na lang at naka preno ako. Si Kylla kasi nagmamadali.
“Both of you should go to your classroom!” Umalis kaagad si ma’am ng matapos sabihin iyon.
Wala na rin ang ibang mga estudyante rito.
“Tara na sa room,” may halong inis na sabi ni Kylla.
“P-Paano si B-Bianca?”
“Hindi ko alam kung nag-start na ba pero doon na lang natin siya hintayin sa classroom. Bilis na, Sofi huwag na madaming reklamo d’yan!”
Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa. Nauna siya sa akin naglakad pero rinig na rinig ko ang mga sinasabi niya.
“Hindi ko naman kasalanan ah, sino ba nagsimulang maglaro ng tagu-taguan?” Umirap na lang ako at inunahan siyang maglakad. “Ang dami rin kayang nangyari sa araw na ito na hindi ko nagustuhan. Alam kong tumawa lang kayo ni Bianca. Haist, nakakahiya 'yon. Sana naman hindi ko makita ang mga pa famous nating classmates–”
Napatigil ako sa king mga sasabihin at huminto sabay harap kay Kylla na kung ano-ano rin ang mga sinasabi.
“Kylla, naririnig mo ang ingay na naririnig ko? Sa room 'yon hindi ba? Ano kayang me’ron? Tara–”
“Huwag ka na madaming satsat d’yan, tara na!” Tumakbo na siya at sumunod naman ako.