EVEION ANASTASIA'S POV
"Thank you, please come again!" Nakangiti kong pagbati sa huling customer namin dito sa flowershop na pinagtatrabahoan ko.
I've been practicing independent life the moment my mother died. Isang taon na rin ang nakakalipas mula nong kinuha siya mula sa amin, at isang taon na rin akong hindi umuuwi sa amin.
Biglang nagvibrate ang cellphone ko sa loob ng aking bulsa dahilan upang mapatingin ako roon.
Kahit hindi ko ito kunin at tignan kung sino ang tumatawag alam ko na kung sino 'yon.
It will always be Agnes, the woman who raised me together with my mother.
Napabuntong-hininga na lang ako atsaka ito piniling ilagay sa aking bag. Siguradong pauuwiin lang niya ako kaya ito tumatawag ngayon.
Pero ayoko...
Ayokong umuwi sa amin dahil hindi naman na ako kabilang doon.
Nong may bagong babaeng pinakasalan ang aking ama, tuluyan na ring nagbago ang buhay ko. My stepmother and her daughter eventually managed that household where I was born and raised.
Hindi ako sanay na may kahati ako, at mas lalong hindi ako sanay na makipagkompetensya, kaya ako na lang din ang kusang umiwas at umalis.
Total, mukhang mas masaya naman ang ama ko kasama nila kesa sa akin...
"Hays, kailan kaya babalik si Rose no?" Napalingon ako sa aking kasamahan sa trabaho nang bigla itong magsalita.
"Rose?" Wika ko dahilan upang mapalingon siya sa akin.
Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga bulaklak.
"Hindi mo kilala si Rose?" Kunot-noo ko itong nilingon saglit bago mabilis na umiling.
"Hala s'ya, ilang buwan ka na rito nagtatrabaho pero hindi mo siya kilala?" Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Siya yung regular na customer natin na palaging bumibili ng rosas. Madalas kaya siya rito, kaya nagulat ako nang hindi mo siya kilala."
Regular customer na palaging bumibili ng rosas dito sa flowershop?
Wala akong matandaan.
"Rose lang yung tawag namin sa kanya kasi yun yung palagi niyang binibili rito. Hays, makikita mo, sobrang pogi non!" Napailing na lang ako sa sinabi ni Krizza at mas piniling maging abala sa aking ginagawa.
Simula nong nawala si mama, huminto ako sa pag-aaral kaya heto at nagtatrabaho muna ako. Kapag may sapat na ipon na ako, babalik ulit ako sa pag-aaral.
Hindi naman problema sa'kin ang aking tinitirhan dahil may iniwan na pamana sa akin si mama na isang apartment, kaya doon ako umuuwi.
My dad couldn't do anything about it simple because it is all mine. Hindi iyon galing sa kanya, galing iyon sa ina ko.
I kept my hands off from anything that belongs from him.
Biglang tumunog ang bell na hudyat na may bago kaming customer. Mabilis naman akong natungo sa counter para harapin ito atsaka batiin.
"Good afternoon! Welcome to Byviel Flowershop, how may I help you sir?" Bati ko sa kanya sabay ngiti.
Narinig kong napasinghap si Krizza sa aking tabi kaya mabilis ko itong nilingon.
Nang tignan ko ito, kito kong napatulala ito sa matangkad na lalakeng kakapasok lang. He's standing more than 6 feet tall with broad shoulders and fit physique.
Pagkapasok at pagkapasok nito sa loob, kaagad na namayani ang pabango nitong panlalake.
He's wearing a casual everyday fit at mukhang estudyante kung tignan. I guess he's still a freshman.
Nang mapatingin ako sa bracelet na suot nito, kita ko ang kulay asul na parang merch sa isang kilala na unibersidad.
Confirmed. He really is a freshman college student.
"Hi." Bati nito sa akin dahilan upang deretso akong mapatayo.
"Hello sir, how may I help you?"
Ang tangkad niya. Sobra. Nakakalula ang katangkaran niya, parang pwede ko siyang akyatin na parang isang puno.
"Hi sir! Still the usual po ba?" Biglang hirit ni Krizza dahilan upang mapaatras ako.
The usual? Ibig sabihin ang lalakeng 'to--!
"Miss." Napakurap ako nang bigla itong magsalita habang nakatingin sa akin.
"Y-Yes po sir?"
"My order. Can you take it?" Napakurap ulit ako bago mabilis na nilingon si Krizza na ngayon ay nahihiyang umusog sa gilid nang hindi siya kausapin nong lalake.
"O-Opo." Napalunok ako. Ang lalim ng boses niya.
Tumikhim ako atsaka ito tinanong kung ano ang gusto niyang bulaklak. When he mentioned the word 'rose' that's the moment I confirmed something.
Walang duda, mukhang siya nga talaga ang sinasabi ni Krizza sa akin kanina.
"A dozen of roses with black wraps." He continued which made me nodded in response. Kaagad kong ginawa ang bouquet niya matapos niyang magbayad.
"Eve!" Napalingon ako kay Krizza nang lapitan niya ako sabay tawag sa akin na pabulong.
"Siya 'yon, siya si Rose! Anong masasabi mo? Diba ang gwapo?" Sunod-sunod nitong tanong sa akin habang nakabulong.
"Ayos lang naman." Kibit-balikat kong sambit sa kanya matapos namin siyang nakawan ng tingin sa may lobby kung saan ito prenteng nakaupo sa sofa at may ginagawa sa cellphone.
"Ah, oo nga pala, may boyfriend ka na," wika ni Krizza nang mapansin niya ang reaksyon kong wala namang kasigla-sigla.
I smiled at her in return. Sa ilang buwan kong pagtatrabaho rito, kahit papano masasabi kong kilala na rin ako ni Krizza lalo na pagdating sa lovelife.
Dave is the man that I love the most.
Siya ang lalakeng una kong minahal at mamahalin hanggang sa dulo. Dave is such a gentleman. Mula mga bata pa lang kami, kilala ko na siya.
Both of our parents knew each other at minsan na rin naging business partners.
Dahil don, naging matalik na magkaibigan kaming dalawa hanggang sa tuluyan na ngang naging kami.
Dave and I have been together for years since high school. Ang tagal na namin pero yung kilig at pagmamahal na nararamdaman ko mula sa kanya ay wala paring kupas.
Dave is the man that I will surely get married to.
"Sir, here's your roses." Pagtawag pansin ko sa lalake atsaka ito tuluyang tumayo. He took his roses from me and look me in the eye which made me smile at him in return.
Requirements na sa flowershop na pinagtatrabahoan namin ang ngitian ang mga customers. Kahit na sumakit na yang panga mo sa kakangiti, hala ngumiti ka parin.
"Thank you, sir! Please come again!"
"I will." Tugon nito na medyo ikinatigil ko ng bahagya.
When he left the shop, his scent remains.
"Kyaaah! Ang pogi talaga!" Napairap ako nang yugyugin ni Krizza ang aking braso.
"Magtrabaho na tayo."
"Yes ma'am!" Napatawa na lang ako ngunit bago ako tuluyang bumalik sa trabaho, hinabol ko pa ng tingin ang lalake na ngayon ay bitbit ang bulaklak na binili niya mula sa flowershop.
TAHIMIK akong naghihintay dito sa labas ng flowershop pagkatapos naming magsara. Nauna na si Krizza dahil may lakad pa raw siya.
Habang naghihintay ako rito para sunduin ni Dave, may grupo ng mga babae ang dumaan sa aking harapan kaya aksidente kong narinig ang pinag-uusapan nila.
"Hindi nga, totoo? Nagmake-out sila sa loob ng locker room?"
"Oo nga, kita mismo sa dalawa kong mga mata, pero huwag niyo tong ipagkalat ha?"
"Oo naman, sabihin mo pa sa amin ang buong detalye. Mukhang mainit-init pa 'yan ah."
"Ay sis, mainit pa talaga, nitong nakaraang araw ko lang sila nakita eh."
"Pero diba may girlfriend na 'yon?"
"Rumored lang naman. Di parin natin alam kung totoo talaga 'yan."
Hindi ko sinasadyang sundan sila ng tingin. Habang pinagmamasdan ko silang tatlo, don ko napansin na ang ID sling na suot-suot nila ay kapreho ng unibersidad na pinag-aralan ni Dave.
Dave and I studied in a different university when we got in college pero sa tuwing matatapos na ang klase naming dalawa, magkikita at magkikita kaagad kami.
Pero ngayong hindi na ako nag-aaral dahil sa sitwasyon na meron ako ngayon, madalang nalang kaming nagkikita dahil sa trabaho ko. Besides, he's getting busier these past few days as well at bilang girlfriend niya, naiintindihan ko 'yon.
But I'm still thankful that he's trying to make time with me tulad na lang ngayon, kakain daw kami sa labas dahil nanalo ang team niya sa basketball.
Dave is really good at sports, especially in basketball.
Minsan na rin akong cheerleader niyan.
Nakakatuwa, mukhang lumilipad na naman ang isip ko nang dahil sa boyfriend ko.
"Hays... namimiss na kita, Dave..." bulong ko sa aking sarili habang nakatingin pinagmamasdan ang aking mga paa.
Mukhang kailangan ko na atang bumili ng bagong sapatos ah. My shoes seemed worn out. Paborito ko kasi 'to eh.
Mula nong natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa, natuto na rin akong magbudget. Kung noon nakukuha ko kaagad ang mga gusto ko, ngayon pinagtatrabahoan ko na talaga.
Pero gayunpaman, masaya parin ako.
Muli na namang nagvibrate ang phone ko kaya mabilis ko itong binuksan. My excitement immediately vanished when I saw an unregistered unknown number instead of Dave's.
Unknown: Roses are Red. Violets are blue. He who looks like a saint, is not really true.
Napakurap ako sa nabasa kong text.
"Anong..." anong klaseng prank 'to?
Matagal akong napatitig sa screen ng aking phone at hindi maiwasang mapatingin sa buong paligid. Hindi ko alam pero sa isang idlap lang ay pakiramdam kong may nakamasid sa akin.
Ito ang unang beses na nakatanggap ako ng ganitong klaseng text. Bilang lang sa aking mga daliri ang alam kong binigyan ko ng number ko.
Kaya sino 'to?
*Beep*
Napaigtad ako sa aking kinatatayuan nang biglang may bumusina sa aking harapan.
Nang makita kong iniluwa roon ang boyfriend kong si Dave, wala sa huwisyo kong ibinulsa ang aking cellphone atsaka ito nakangiting tinignan.
"Dave!" Masaya kong wika atsaka tinakbo ang kanyang direksyon.
Dave immediately extended his arms at me as I throw myself against him. Parang nawala bigla ang pagod ko nang maramdaman ko ang yakap niya matapos ang isang linggong hindi namin pagkikita.
"Namiss kita!"
"Namiss rin kita, Eve." Mas lalo kong isiniksik ang aking sarili sa kanya atsaka napahawak sa kanyang buhok. Nang humiwalay kami sa isa't-isa buong pagtataka ko itong tinignan nang makita kong basa pa ang buhok niya.
"Naligo ka?"
"Oo," aniya habang nakahawak sa aking dalawang kamay.
He's so handsome as ever, I wonder how I get a man like him.
"Ayaw mong naliligo ng gabi ah," wika ko nang iginiya na niya ako papasok sa kanyang sasakyan.
"Well, I just got from practice, and it would be embarrassing to come over sweaty and all," aniya atsaka ako ningitian.
Napa 'ahh' nalang ako atsaka ito sinundan ng tingin na magtungo sa driver's seat.
This is quite odd. Sa tinagal naming dalawa, ngayon pa 'to nahiya tungkol sa amoy niya.
I mean Dave and I; were literally best of friends. Halos sabay na kaming lumaki, him telling me about being embarrassed is really not him.
"You're overthinking things na naman, hm?" Aniya atsaka ako hinila. "Come here."
At sa isang idlap lang ay lumapat ang labi niya sa labi ko. Awtomatiko kong naipikit ang aking mga mata nang damhin ko ang malambot nitong labi sa aking bibig.
Dave kissed me passionately before pulling away and stare straight into my eyes.
"I love you, Eveion. I will always love you." He whispered and I smiled.
Siya lang...
Siya lang ang lalakeng magpapat*bok ng puso ko. Si Dave lang.
"Tara? Mahuhuli na tayo sa reservation," aniya atsaka tuluyan ng nagdrive.
Dave and I are celebrating our anniversary today as well, kaya double celebration ‘to. And I can't wait before this night ends.
Muli na namang nagvibrate ang cellphone ko sa aking bulsa dahilan upang kunin ko iyon. Dave is busy driving, so I read the text I got from unknown once again.
Unknown: Eeny, meeny, mini, moe, catch that tiger by his toe. If he hollers...
Unti-unting nagsalubong ang dalawa kong kilay at sa isang idlap lang ay may panibagong text message na lang ang biglang nagpop-up dahilan upang mapatigtad ako sa gulat.
Dave is still busy driving, so he didn't notice my reaction.
Unknown: ... just let him go.
Sino ba 'to?