(16) Surprise Gift

2059 Words
EVEION ANASTASIA’S POV Walang mali sa lahat ng impormasyon na ibinigay ni Atty. Biajez sa akin. Sa akin nga ang bahay na iyon. Tinanong ko ito kung bakit may ganong klaseng bahay si mama, pero wala itong maibigay na sagot sa akin. Kaya heto at nakatayo na ulit ako sa harap ng bahay kung saan ako lumaki. Babawiin ko na ang dapat na sa akin. “Eve?” “Nay…” kaagad akong niyakap ni Aling Concepcion nang makita niya ako. I saw how she look at the vehicle behind me before turning her gaze back at me once again. Humingi pa ako ng pabor mula kay Krizza para sa maliit na truck na ito. Buti na lang at may koneksyon siya kaya nakapagbayad ako ng ganito kahit sa maliit lang na halaga. I need a vehicle to transport all my mother’s possessions frok this place to my house. “Andito po ba si dad?” Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami paakyat ng hagdan. Kasama rin namin ang dalawang lalakeng tutulong sa akin na magbuhat ng mga gamit. “Oo, andito siya.” Nang marinig ko iyon, saktong napalingon ako sa isang direksyon kung saan ko nakita ang sarili kong ama na kakalabas lang ng opisina niya. “Eveion, anong ginagawa mo rito?” I almost scoffed when he asked something like that. Hindi na talaga ako welcome sa bahay na ‘to para kuwestyonin niya ako ng gan’to. “Wag kang mag-alala dad, hindi rin ako magtatagal kung ‘yan ang ikinabahala mo,” sagot ko sa kanya bago ko napansin ang pagsunod niya ng tingin sa dalawang lalakeng estranghero. “Who are those men, Eveion? Bakit ka nagpapasok ng mga kung sino-sino lang?” Kunot-noong wika nito habang seryosong nakatingin sa akin. Sinenyasan ko ang mga lalakeng magpatuloy sa ginagawa nila atsaka sila hinayaang buksan ang pinto ng kwarto kung saan nakalagay lahat ng mga gamit ni mama. “Eveion Anastasia, what are you doing?!” He said with a gritted teeth. Hinarap ko ang aking ama habang seryoso ring nakatingin sa kanya. “Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko dad?” Wika ko dahilan upang mapaderetso ito ng tayo. While looking at him, I noticed some white streaks on his hair. Mahigit isang taon na rin ang nakakalipas mula nong umalis ako dito. At mula non, bilang lang sa mga daliri ko ang mga pagkakataong makita siya. In fact, this is the third time I saw him again after I left. “Kukunin ko na ang mga gamit ni mama,” dagdag ko pa bago napalingon sa dalawang lalakeng lumabas sa silid. “Ma’am, ilalabas na po namin ‘to,” wika nong isa na ikinatango ko kaagad. “Sige po, dahan-dahan lang po kayo sa pagbaba ng hagdan.” Isang ngiti ang ibinigay nila sa akin bago tuluyang bumaba. The next thing happen made me look at my father when he suddenly grabbed my arm. "Can't you read the room or sadyang wala ka lang talagang pakialam sa pamilya na 'to, Eveion. Cathy is in the middle of depression nang dahil sa nangyari sa kanya, tapos maggaganito ka?" Awtomatikong nagsalubong ang dalawa kong kilay sa sinabi niya bago ko sapilitang binawi ang aking braso mula sa pagkakahawak niya. I see, kaya pala iba ang ihip ng hangin ng bahay na 'to mula nong pumasok ako. I guess what unknown did surely made a huge impact on Cathy. It's a bit surprising for me this time that my father's words doesn't have a bit on an impact on me. Well, what can I say? They made me who I am today. Gulat niya akong tinignan matapos ang ginawa ko. Halatang hindi niya ito inaasahan mula sa akin. "Anong koneksyon nang ginagawa ko ngayon sa nangyayari sa buhay niya ngayon, dad? Ni hindi ko nga siya inaano," deretsahan kong wika sa kanya dahilan upang mapakurap ito. "Watch your tone, Eveion Anastasia. Hindi ka namin pinalaki ng mama mo para maging bastos." I scoffed when he said that. Mas lalong kumunot ang noo nito matapos makita ang aking naging reaksyon. He's on his usual corporate outfit-- naka black slacks, puting longsleeve na pang-itaas at malinis na kumikinang na sapatos. Kulang na lang ay ang signature black coat nito na sinusuot niya lang sa tuwing aalis na siya sa bahay upang pumunta sa kanyang kompanya. Alejandro Estefan Perez, my father, is a man who is indeed intimidating that shouts wealth and power. Kung noon, halos manginig ang buo kong katawan sa tuwing magagalit ito sa akin, ngayon ay hindi na. Maybe he hurt me so much to the point I don't give a damn about him anymore. "Pinalaki 'namin'?" Hindi makapaniwala kong wika matapos kong ulitin ang isang salita na sinabi niya. "When was the last time you raised me on your own, dad?" I asked almost squinting my eyes as I kept my feet firm into the ground. "Pwede mo bang sabihin sa akin nang maalala ko? Sa ngayon kasi ay hindi ko ito--" Hindi ko natapos ang gusto kong sabihin nang bigla na lang tumaas ang isang kamay nito sa ere. I gasped in shock and was preparing myself to feel a painful hit when all of a sudden, his hand stopped midair. Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao sa ere habang nanlalaki ang aking mga mata sa gulat. I swallow as I watched him pull his fist back and kept it relaxed on to his side. I saw how his eyes glare at me as he step a foot forward. He's now intimidating as hell. Parang gusto kong bawiin ang binitawan kong salita kanina na wala na siyang epekto sa akin. Looking at how my father is controlling himself not to hit me again is indeed terrifying. "I can't believe I'm looking at my own daughter with nothing but rage." He said using his serious voice. "Yang ugali mo ngayon," dagdag niya sabay duro sa aking mukha. "Iyan na ba ang ipinagmamalaki mo ngayon, Eveion?" Aniya dahilan upang matahimik ako. You're the one who made me turn like this, dad... you and your actions. Yan ang gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko magawang ibuka ang aking bibig ngayon. "Honey?" Sabay kaming napalingon sa likod ni dad nang may marinig kaming boses mula sa isang pintong kakabukas lang. Nakita kong dumungaw ang ulo ni Cathy mula sa kwarto habang nakatingin sa papa ko. And when our eyes met, I saw how she blinked. "Cathy, what are you doing? Get back inside your room and rest." Sinundan ko kaagad ang aking ama nang mabilis niya itong nilapitan. When I saw how his mood changed the moment he saw Cathy, I can't help but to feel something within me. Jealousy and hatred. I shake my head in disbelief. Hindi ka pa ba nasanay, Eveion? It's been years since the last time your father look at you with care in his eyes. When you're mother died, his love and care for his own daughter also died with her. Cathy look hideous. Siguro totoo nga ang sinabi ni dad na nadepress ito dahil sa nangyari sa kanya. Hanggang ngayon kasi ay mainit parin ang issue tungkol kay Cathy. The new surely brought a huge impact in her life. Hindi ko na sila pinag-aksayahan pa ng panahon at mas inuna ang rason kung bakit ako nagpunta rito. I didn't mind their stares behind my back as I walk towards my mother's room and get myself inside. Sa pagpasok ko sa loob, kaagad kong hinugot ang cellphone sa aking bulsa atsaka hinanap ang conversation namin. Mag-iiwan sana ako ng text nang bigla nagpop-up ang isang notification. Nang mabasa ko ang pangalan ni Krizza, kaagad na kumunot ang aking noo bago ito clinick. I got into a chat app and read Krizza's message. Krizza: Eve, tignan mo ang balita, nabasa ko to sa footbook. *Krizza sent an attachment.* Hindi ko pa nabubuksan ang attachment nang may sinend ulit itong chat. Krizza: Diba same university sila ng ex-boyfriend mo at yung evil stepsis mo? Grabe yung balita. Tignan mo dali! The curiosity in me made me open the attachment right away. Kaagad naman ako dinala nito sa isang post sa footbook. I read the caption before looking at the photos. But when I read two familiar names on the caption, I suddenly felt goosebumps in me. Talagang nanindig ang balahibo ko sa buong katawan kasabay nang panginginig ng aking kamay. 'Dalawang estudyante nadatnang patay sa isang eksklusibong bar kagabi. Hinihinalaan na naoverdose di umano ang dalawang dalaga dahil sa paggamit ng illegal na droga. Kaagad namang nag-alay ng pakikiramay ang isang unibersidad kung saan nag-aaral ang magpinsang Lucia at Therese Silawan.' Lucia and Therese... Napasinghap ako at hindi maiwasang maitakip ang aking bibig gamit ang aking kamay. When I saw the blur black and white photos of their dead body, my gut suddenly turned up-side down and ran towards the nearest bathroom. Kaagad akong dumura doon matapos kong bitawan ang aking cellphone sa sahig ng banyo. I vomit my guts out before sitting on the cold bathroom floor. Tulala ako ng ilang minuto habang paulit-ulit na inaalala ang una at huli naming pagtatagpo. Pero kahit anong gawin ko, hindi mawala sa aking isipan ang posibleng rason kung sino ang pwedeng gumawa nito. "Hindi... hindi Eveion, wala siyang kinalaman dito... wala siyang alam... aksidente lang ang nangyari..." Paulit-ulit kong wika sa aking sarili. I kept on persuading myself that their deaths have nothing to do with my connection with the unknown. Lucia and Theres got overdosed by the drugs that they intake. Sarili nila ang dahilan kung bakit sila humantong sa ganitong sitwasyon. They are the one who end themselves. Hindi si-- "I know a hundred ways on how to kill a man... and I can make 80 of it look like it was an accident." No. No, no, no. Imposible. Wala siyang alam tungkol sa dalawang babae. Wala! I didn't gave their names to the unknown. I didn't! Biglang umilaw ang cellphone ko sa tabi ng toilet dahilan upang mapatingin ako roon. My heart raced instantly when I saw where the new message came from. It was not from Krizza... this time, the message is from the unknown. Nanginginig ang mga kamay kong inabot ang aking cellphone na nasa sahig bago ito dahan-dahan na tinignan. Binuksan ko ang text message nito atsaka isa-isang binasa ang mga salita. Unknown: I miss you. Mas lalong nanginig ang aking mga kamay matapos ko itong mabasa. He... missed me? Bigla na lang akong napaigtad nang magpop-up ang isang panibagong message mula sa kanya. At ikukumpara sa huli, mas mahaba ito. Unknown: I can't stop thinking about you after what we did, angel, so I made you a present. Natigilan ako bago unti-unting kumunot ang aking noo. Present? What present? "Eveion." Awtomatiko akong napatingin sa nakabukas na pinto ng banyo bago dali-daling tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Mabilis akong lumabas doon atsaka hinarap si Aling Concepcion na hinahanap ako. "N-Nay, bakit po? Hinahanap mo 'ko?" Kaagad itong ngumiti nang makita niya ako. As she walk towards me, I noticed a bouquet of flowers and a small box she's holding. "May dumating para sa'yo, Eve. Buti at andito ka ngayon sa mansyon." Masaya nitong wika bago iniabot sa akin ang magagandang bulaklak at ang regalo. "Oh s'ya, babalik na muna ako sa kusina. Hindi ka pwedeng umaalis hangga't hindi ka kumakain dito, ha?" Aniya bago tuluyang naglakad paalis ng kwarto. "Nga pala, ang ganda ng timing ng manliligaw mo ha? Mukhang alam talaga na andito ka para magbigay siya ng bulaklak sa address na 'to." Nakangiting hirit pa nito bago tuluyang nawala sa aking paningin. There, my hands slowly opened the box after looking at the beautiful bouquet. Matapos kong tinabi ang mga bulaklak, binuksan ko na ang regalo. Sa pagbukas ko, bigla akong tinakasan ng dugo sa aking nasaksihan. I gasped and almost screamed in horror when I saw what's inside the box. He... h-he did it... He did it. Because what's inside the box is Lucia and Therese's university IDs. Muling umilaw ang aking cellphone dahilan upang mapatingin ako roon atsaka mabilis na binuksan ang inbox. Nang mabasa ko ang text mula sa kanya, don na ako tuluyang namutla. Unknown: No one is allowed to bully my angel. He killed them. 

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD