CHAPTER TEN

2734 Words

THE DESSERT BOY BY : SHERYL FEE CHAPTER 10 "Magtapat ka nga sa amin Benjie ayoko ang lokohan kaya't sa una at huling pagkakataon tinatanong kita kailan pa naging kayo ni Rhose?" mariing tanong ni Aling Gemma. " Matagal na po nana. Mag iisang taon na po kaming magnobyo." sagot nito. " Akala ko pa naman matalik na magkaibigan kayo kaya't tiwala kaming babantayan mo siya iyun pala'y bantay salakay ka na!" napalakas na boses ni Aling Gemma. " Dahan dahan lang Gemma baka magising ang anak natin." saway naman ni Mang Gusting dito. " Isa lang ang nais kung malaman sa iyo Benjie at sana maging tapat ka sa iyong sagot. " baling ni Mang Gusting sa binata. Wala naman siyang tutol dito kung sakali eh iyun nga lang baka maantala na ang pag aaral ni Rhose. " Anu po iyon tata?" tanung ni Benjie

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD