THE DESSERT BOY BY : SHERYL FEE CHAPTER 14 Hindi maunawaan ni Jorelyn ang sarili habang papalapit sila sa siyudad ng Baguio lalo at naging tahimik na ang asawa niya. Hindi ito umiimik kung hindi kinakausap. " Papa." tinig ng anak nila. " Gutom na ba ang baby ko?" bigay pansin naman dito ni Chester pero halatang parang may malalim na iniisip. " Papa." ulit nito but this time ay nakaturo na ang maliit nitong kamay sa katabi nilang pasahero. " Ah sorry po kuya ha nasanay lang po ang anak namin na ako ang nakikita kaya halos lahat ng lalaki ay papa ang tawag." hinging paumanhin ni Chester dito. Isang lalaking may mahabang bigote, ang buhok ay may kahabaan pero nakatapusod ito ng bahagya. " Papa." muli ay aniya ng bata at bahagyang inabot ang bigote nito saka pinaglaruan. " Anak no-