DANICA POV NAPABUGA SIYA nang malalim na paghinga. Kanina pa siya nasa loob ng banyo habang nakatitig sa salamin. Nakasuot pa rin siya ng fake pimples niya at makapal pa rin ang kilay niya. Nagsabi kasi si Micah na matutulog silang magkatabi ngayon gabi. Matutulog ito sa silid niya kaya naman todo ang kabog ng dibdib niya. Hindi niya alam kung excited ba siya o kinakabahan na ewan. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Impit siyang tumili nang mahina habang inaalala ang mga sinabi ni Micah sa kanya. Kinikilig siya. Hindi niya akalain na magkakagusto ito sa kanya kahit ganito ang itsura niya. Nagwisik siya ng konting pabango. Inayos niya ang suot na white lace sexy lingerie. Isang pilyang ngisi ang sumilay sa kanyang labi. Isinuot na niya ang bathrobe niya nang marinig niya si Micah na pum