DANICA POV NAIINIS siya dahil sa racist na amerikano babae kanina. Ang kapal ng mukha buhusan siya ng juice sa ulo. Padabog na tinungo niya ang banyo. Matapos kasi paalisin ang amerikano babae sa restaurant hinatid muna siya ni Micah pabalik sa check-in room niya tapos bumaba uli ito. Isang bagay lang ang ikinatuwa niya, pinagtanggol siya ni Micah halos ipagsigawan nito sa loob ng restaurant na asawa siya nito at siniguro nito mapapaalis ang amerikano babae sa hotel. Ito ang pang apat na araw nila sa Thailand, balak sana pa nila mag-ikot pero nawalan na siya ng gana. Nawala ang mood niya. Napabuntong hininga siya. Matapos maligo naglagay siya agad ng fake pimples. Magbibihis na sana siya ng bigla bumukas ang pinto ng kwarto niya. Sakto naman na nagsusuot pa lang siya ng panty. Napasiga