Kabanata 9

2036 Words
TUMANGO ako sa sinabi ni Mommy. She’s having a dinner date with Daddy tonight. Kinatok niya ako sa kwarto para ipaalam na maya-maya lang ay darating na ang inutusan ni Daddy na susundo sa kaniya. Kailangan na raw niyang magbihis at maghanda. “Ipapatawag kita bago ako umalis. Nariyan naman si Norma para mag-asikaso ng hapunan n’yo. Tingnan-tingnan mo lang ang kapatid mo, okay?” “Sige po. Ako na ang bahala.” “And don’t forget to call your Kuya Ivan for dinner.” Napilitan akong tumango. Nag-isip na agad ako ng maidadahilan para hindi kami magtagpo ng bisita nila. Humalik sa akin si Mommy bago lumabas. Isinarado ko na ulit ang pinto ng kwarto at bumalik sa pagkakaupo sa kama. This is what I like about my father. Hindi nawawala ang pagiging sweet and thoughtful niya pagdating kay Mommy. Hindi sila madalas lumabas dahil busy siya sa trabaho, pero kapag may pagkakataon, sinosorpresa niya na lang si Mommy sa pamamagitan ng mga regalo at dinner date. Minsan ay nagta-travel din sila na sila lang. He’s an ideal husband. At pangarap kong makahanap ng kagaya niya. Isinandal ko ang likod ko sa headboard ng kama. Nililibang ko ang sarili ko sa pag-i-scroll sa aking social media accounts nang tumunog ang cellphone ko sa pumasok na text mula sa isang unregistered number. May pagbati sa simula ng mensahe. I don’t usually entertain prank texts so without reading through the whole message, I deleted it from my inbox. “Ate Andy!” Napabalikwas ako sa gulat dahil sa biglaang pagpasok ni Wesley sa aking kwarto. Pinagsabihan ko agad siya sa inasal niya, pero mukhang hindi apektado dahil tuloy-tuloy lang itong naupo sa tabi ko. “What? Iniistorbo mo’ko, Wes. Anong kailangan mo?” “I miss your muffins. Igawa mo naman ako.” “At bakit hindi ang yaya mo ang utusan mo? Doon ka magpagawa, magaling ‘yon, e!” Sa sobrang galing nga, nakuha agad nito ang loob ni Israel. Ang lakas ng loob makipaglandian sa mismong bahay ng amo niya. Kung isumbong ko kaya kay Mommy para palayasin na siya? “Ayoko kay Leah! Hindi naman ‘yon marunong. Sige na, Ate Andy! Gutom na’ko saka pagod sa pagba-basketball. Isa pa, muffins mo lang talaga ang favorite ko.” Hindi ako agad nakasagot. Hindi kami gaanong close ni Wesley, pero aminado akong madali niya akong makuha sa kaunting lambing lang. “Oo na, igagawa kita. Mauna ka na sa kitchen, susunod ako.” “Yey!” Ayoko sanang bumaba dahil baka makita ko lang si Israel. Maaalala ko kase ang ginawa niya sa kitchen at ang nangyari sa driving lesson kanina. He’s an as*hole! Hindi man lang nangimi na aminin ang ginawa niya. And he kissed me! The morning after he screwed Wesley's nanny. Oo at hindi ko dapat idinawit ang tatay niya na nananahimik, pero sa sobrang galit ko ay hindi ko na napigilan. Nakakasuka kase ang ugali niya. “Oh, are you making muffins! Mag-aamoy bakery na naman ang kitchen n’yo,” tatawa-tawang komento ng kapapasok lang na si Margaux. Nagsalubong ang mga kilay ko pagkakita sa kaniya. Dire-direcho itong lumapit sa kinaroroonan ko sa kusina. “Anong ginagawa mo rito?” She smiled. “What kind of question is that, Andy? Siyempre, namamasyal. And I brought something!” sabay taas ng dalawang paper bags na hawak. “Ano 'yan, Ate Margaux?” tanong na nagmula kay Wesley. “A set of samgyupsal! Marinated beef, pork, chicken and all of my favorite delicious Korean side dishes!” “Wow! Gusto ko ‘yan, Ate Margaux!” excited na wika ng kapatid ko na ikinainis ko naman. “Oh, ‘di ba, nagustuhan mo? Mabuti pa, Wes, tawagin mo na rin si Ivan para mapagsaluhan na natin itong dala ko.” “No! Wesley, itong muffins ang kakainin mo! Hindi ba, ni-request mong igawa kita?” “Andy, ano ka ba? Anong oras na ngayon? It’s almost dinner tapos meryenda ang ibibigay mo sa kapatid mo. Ilagay mo na lang sa ref ‘yang muffins mo para hindi sayang.” Binalingan nito ang kapatid ko pagkatapos. “Tawagin mo na si Ivan para makapag-start na tayo. After that, utusan mo na rin ang yaya mo na ihanda ang mesa sa poolside. Doon tayo magse-set up ng grill at kakain.” “Okay!” sagot ni Wesley na binalewala lang ang sinabi ko. Dali-dali itong tumakbo palabas ng kusina. Pag-alis nito ay hinarap ko si Margaux. “Bakit ka pa nagpunta rito, Margaux? Wala ka bang magawa sa inyo? Nasaan ba ang boyfriend mo at kami ang inaabala mo?” “Nasa condo niya si Paulo, Andy. Hindi ko talaga siya niyaya dahil may iba siyang lakad mamayang gabi. Besides, hindi ako nang-aabala. Bakit ba ganiyan ka? Are you still mad at me? Nakapag-usap na naman kayo ni Paulo. I thought okay na ang lahat at tanggap mo na ang tungkol sa amin. Bakit mukhang inis na inis ka pa rin sa’kin?” “Pwede ba, Margaux? Lumang issue na ‘yang kay Paulo. Hindi ang tungkol sa inyo ang ikinaiinis ko. I’m trying to be a sister here, pero heto ka at nanggugulo. H’wag kang gumitna sa amin ng kapatid ko.” Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Naagaw na kase ang atensiyon ni Margaux ng pagpasok ng isang nilalang sa kusina. “Ivan!” “Margaux, ipinatawag mo raw ako kay Wesley?” “Uhm, yeah. May dala kase akong pagkain for dinner. Do you eat Korean food?” Gaya kanina ay inisa-isa rin ni Margaux kay Israel ang mga dala nito. "Ano? Kain tayo?" Nagkatinginan kami ni Israel. Nag-iwas agad ako ng mga mata habang nanatili namang bukas ang tainga ko para marinig ang magiging sagot niya. “Sure. Saan ba tayo?” “Sa poolside. I’m sure nandoon na si Wesley at naghihintay. He’s so excited!” Tumango si Israel. "Okay." Nilingon ako ni Margaux. “You can join us, Andy, if you want. Kaya lang mukhang hindi mo maiiwan ang ginagawa mo. So next time na lang siguro?” Sinundan niya iyon ng bungisngis na ikinairita ko kaya tinalikuran ko na sila at binalikan ang aking ginagawa. Nasa living room ako nang dumating ang inutusan ni Daddy na susundo kay Mommy. Mula sa loob ay dinig namin ang malakas na tawa ni Margaux kaya nagtanong siya. Sinabi kong naroon ang pamangkin niya kasama sina Wesley at ang inaanak ni Daddy. “Why don’t you join them?” “Sila na lang, Mommy, busog pa kase ako. Mas gusto ko pati ang iniluluto ni Ate Norma for dinner.” “All right. So paano, anak? Ikaw na ang bahala rito.” “Sure. H’wag ka nang mag-alala, Mommy. Just enjoy your dinner date with Dad.” “I surely will. But tell me, how do I look? Bagay ba ang kwintas ko sa damit?” Ngumiti ako sa tila nagpa-panic na boses ng nanay ko. “Of course! Bagay na bagay! At kahit wala ang mga ‘yan, ikaw lang ang pinakamaganda sa paningin ni Daddy.” Hindi sumagot si Mommy. Tipid siyang ngumiti at marahang nagbuga ng hangin bago tumango. Nagpaalam na ulit siyang aalis. Inihatid ko na siya hanggang sa kotse. Pag-alis ni Mommy ay pumasok na ulit ako para umakyat ng kwarto. Bago iyon ay nagbilin muna ako kay Leah na h’wag alisan ng tingin si Wesley, pero hindi maipinta ang mukha nito. “Hindi ba, Andy, sina Margaux at Paulo na? Bakit gano’n makadikit ang pinsan mo kay Sir Ivan?” I rolled my eyes. Ayoko ngang makita ang dalawa, pero itong si Leah naman, binanggit-banggit pa. Ikinwento pa nito ang nasaksihang eksena sa poolside. Sinusubuan daw ni Margaux si Ivan ng kinakain ng mga ito. “Hindi ako magtataka kung iiwan ni Paulo 'yang pinsan mo. Ang landi!” Hindi na ako sumagot at iniwan na ang nagmamaktol na yaya ni Wesley. Gusto kong sabihin na pareho lang sila ni Margaux na uto-uto pagdating kay Israel, pero naisip kong ako pala ang unang nauto ng gagong ‘yon. Bwisit! Dinig ko ang malakas na tawa ni Margaux sa aking kwarto. Paminsan-minsan ding humahalo ang halakhak ni Israel. Hindi ko alam, pero iritang-irita talaga ako. Pakiramdam ko ba ay sinasadya nilang iparinig sa’kin kung gaano sila kasaya. Umahon ako sa kama at iniwan ang laptop. Hindi na rin naman ako makapag-focus sa pinapanood ko kaya tinigilan ko na lang. Naiinis nga din ako sa sarili ko. Maya’t maya kase kung alisin ko ang ear buds para lang makinig at makiramdam sa mga tao sa poolside. Lumapit ako sa bintana. Mula roon ay masisilip ko ang kinalulugaran nila kaya maingat kong hinawi ang kurtina at tumanaw sa ibaba. Sila na lang dalawa ang nando'n. Hindi na nila kasama si Wesley. Umakyat kase kanina ang kapatid ko at kinatok ako para magpaalam na kukuha ng muffins. Hindi ko naman napigilang sumbatan muna ang bata bago ko pa pinayagan. “O, ‘di ba, ang arte-arte! Tell me, Ivan, gano’ng babae ba ang type mo?” tanong ni Margaux na sinundan na naman ng tawa. Hindi ko alam kung sinong tinutukoy niya, pero naiinis talaga ako. Napansin ko ring halos magdikit na ang mga kinauupuan nila. Panay ang bungisngis at kumpas ni Margaux habang umiinom naman ng beer ang kasama nito. Sa tantiya ko ay naka-isang oras na sila roon, pero mukhang wala pang balak matapos. While watching, I also realized that I had been blind. Ganitong-ganito rin si Margaux noon kay Paulo. Hindi lang ako nag-isip ng iba dahil alam niya ang tungkol sa feelings ko at buo ang paniwala ko na magkaibigan lang sila. I trusted my cousin. I trusted Paulo. Pareho nila akong niloko. May rason nga para maghimutok ang uto-u***g yaya ni Wesley. At kaya pala kuntodo makeup at ang ganda ng bihis ni Margaux. Obviously, attracted siya kay Israel kaya nagpapansin. Poor Paulo! Nagpatuloy ako sa lihim na panonood nang biglang tumingala si Israel sa gawi ng aking bintana. I quickly drew the curtains. Parang may nagtakbuhang mga bub'wit sa dibdib ko sa sobrang kaba. Padabog na iniwan ko ang bintana at naupo sa kama. Hindi naman ako nakita ni Israel dahil mabilis kong naibaba ang kurtina. Kaya lang ay hindi pa rin mawala-wala ang inis ko sa kanila hanggang sa isang ideya ang pumasok sa aking isip. Bumaba ako at lumabas patungo sa poolside. Huminto ako ilang metro mula sa kinaroroonan ng garden set kung saan masayang nag-uusap at kumakain sina Margaux at Israel. I stood there silently, tiniyak na hindi ako mapapansin ng dalawa. Lumipat ang tingin ko sa lawn. It's already dark, pero kabisado ko naman kung saan naroon ang sprinkler. I smiled. My cousin chose a perfect spot to take a bath while eating. Na-excite ako sa eksenang na-imagine ko kaya mula sa aking kinatatayuan ko ay maingat akong lumapit sa faucet at itinodo agad ang pagbukas. Dali-dali akong bumalik sa pinagtataguan ko pagkatapos. Sakto naman dahil pagbalik ko ay narinig ko agad ang tili ni Margaux na nabasa ng sumisirit na tubig ng sprinkler. "My goodness, sino ba kasing nagbukas niyan? Sobrang panira naman!" Lumabas ako para makita nang malinaw ang pagwawala ni Margaux. Maliwanag sa lugar nila kaya napagmasdan ko ang galit na mukha ng pinsan ko. "Leah!" sigaw nito na halos masamid na sa lakas ng tubig na tumatama sa kanila. "Badtrip naman! Nabasa na rin ang mga pagkain!" Napangiti ako. Kahit isalba nito ang sarili sa tubig ay wala na rin naman. Talo pa nito ang basang-sisiw. Sira na ang attire. Nahulas na rin ang makeup. "Hey, okay lang 'yan!" sabi ni Israel. Naliligo na rin ito, pero hindi gaya ni Margaux na kalmado lang. "Idirecho na natin ng langoy sa pool para masaya." Nabura ang ngiti ko. Natigilan din ako nang walang anumang hubarin ni Israel ang T-shirt. Napatingin ako sa katawan niya. Ang hindi ko napaghandaan, pagkatapos maghubad ay tumingin si Israel sa mismong kinatatayuan ko. My eyes widened. Nakita ko pa siyang ngumiti bago ko naisip na magtago kahit sa tingin ko naman ay hindi niya ako nakita dahil madilim. "Come, Margaux. H'wag kang magalit. Let's just enjoy the water and the pool."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD