Drake Villarreal P.O.V
"Brian let's go, kailangan nating sunduin si Lord sa presinto baka mapatay niya tayo." Saad ko kay brian habang nasa underground kami kung saan nagaganap ang mga illegal na gawain sa mundo. Puro usok at mga babaing prostitute ang nasa underground habang puno din ito ng ibat ibang mga gangster at Mafia pero hindi parin maipagkakailang mas kinakatakutan ng lahat ang aming Lord na si Theodore Wyatt Vincenzo.
Siya ang nag iisang Drug Lord ng bansa, maraming kapit sa politika kaya hindi na kami magtataka kung bakit hindi man lang siya naka isang oras sa presinto ay malaya na agad ito.
Ako ang kanyang kanang kamay at ang trabaho ko ay linisin lahat ng kanyang kalat at gawin ang lahat upang hindi siya malagay sa alanganin pero alam kung kahit wala ako sa kanyang pamumuno ay kaya niya parin ang pumatay ng million na tao kung gugustuhin niya, kaya siya kinakatakutan ng lahat dahil titingnan ka palang niya gamit ang nakakamatay niyang mga mata ay baka bumulagta kana ng wala sa oras.
Ang pinaka ayaw niya sa lahat ay ang hawakan o pakialaman ang buhay o pagmamay ari man niya dahil babaon ka sa pinaka ilaliman ng lupa.
"Do you think that Lord Wyatt won't kill us? Think about it Drake, Lord spend 15 to 20 minutes in jail. Now that I know he might kill you, I'm afraid I can't go with you." Brian teasingly said to me that make me glare at him.
"Keep in mind that you'll be at my side asshole if I die at Lord Wyatt's hands!" Pamumura ko sa kanya na ngayon ay handa na sanang tumakbo at umalis upang hindi maka sama saakin sa pag sundo kay Lord ay hindi niya nagawa dahil agad ko itung napigilan gamit ang matigas kong braso na sakal na siya ngayon sa leeg.
"Damn it! Drake let me go!" Protista niya at pilit na tinatanggal ang braso ko sa kanyang leeg, pero hindi ko ito binitawan at naglakad na ako palabas ng underground habang sakal ang kanyang leeg.
Lahat ng tao ay gumigilid habang palabas kami sa underground dahil alam nila ang kanilang kakahinatnan kapag may humarang sa daan namin.
"Fine, damn it, bitaw na sasama na ako!" Inis niyang sigaw sakin.
"Sasama kadin pala bakit kailangan ko pang gumamit ng dahas para sumama ka." Malamig kong saad sa kanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin at na unang maglakad sakin.
"Bakit hindi na lang sina London at Chris ang isama mo!" Galit at inis niyang sigaw hanggang sa umabot kami sa kanya kanyang sasakyan namin. Hindi ko na ito pinansin at sumakay sa sasakyan ko bago ito pinaharurut sa presinto, upang sunduin si Lord Wyatt.
SAMPUNG minuto ang lumipas at naka rating kami duon ng sabay ni Brian at sa labas pa lang ng presinto ay mga tauhan ni Lord Wyatt ang bumungad samin habang naka tayo sa mismong entrance ng presinto ang susunduin namin, pagbaba namin ni Brian ay sabay din kaming lumapit sa kanya at bago yumuko upang mag bigay galang sa kanya, kasabay ng pag angat ng ulo namin ay naka tanggap kami ng tig iisang suntok galing sa kanya, pero nanatili kami sa aming pwesto dahil hindi kami pweding mag pakita ng kahinaan sa kanyang harapan dahil iyun ang kanyang pinaka ayaw sa lahat.
"Try to be late again, and I'll make sure that both of you suffer bloodshed at my hands." He threatened.
Hindi kami maka pag salita dahil sa kanyang pagbabanta gamit ang malamig na sambit niya at ang mas lalong nag pa takot samin at nag pa putla samin ni Brian ay ang kanyang boses na parang galing sa hukay.
Naglakad ito na parang hari ng bansang kanyang tinatapakan isama pa naka white sando lang ito at kitang kita ang buong tattoo sa kanyang braso, sabihin natin na nakakatakot itung tumingin at magalit pero ang kanyang wangis ay subrang nakaka attract sa lahat ng babae.
Agad kaming sumunod sa kanya at sa kamalasan sa kotse ko siya sumakay kaya wala akong nagawa kundi ang sumakay sa driver seat upang ipag maneho ito sa kanyang pansamantalang bahay, nakita ko pa kanina kong paano ako ngisian ni Brian dahil saakin sumakay si Lord.
"Drive fast, I need to rest." He said coldly. Tiningnan ko siya sa mirror at nakita ko itung nakasandal at naka cross arms habang naka pikit, binilisan ko ang pagmamaneho at nakita ko ang sunod sunod na sasakyan na sumusunod samin pumapangalawa si Brian smamin kasunod ang ibang tauhan ni Lord Wyatt.
Sa subrang bilis ng sasakyan ko ay naka rating agad kami sa kanyang lumang bahay at parang haunted house sa labas pero kapag naka pasok ka ay disente naman itong tingnan.
Pagkarating palang namin sa tapat ng kanyang bahay ay agad itung bumaba kaya sumunod kami sa kanya, pagpasok palang namin sa kanyang bahay ay tumigil ito sa gitna ng sala at mukang nakiramdam, nakita namin ni Brian kung paano umigting ang kanyang panga kaya lumayo kami sa kanya kasabay ng paglibot ng tingin ko sa loob ng kanyang bahay pero wala naman kakaiba, o masyado lang kaming mahina ang pakiramdam at kay Lord ay kahit maliit na bagay lang ang gumalaw ay mararamdaman niya agad, masyadong malakas ang kanyang pang amoy.
Wala naman kakaiba dahil gabi narin, nakita namin kung paano ito pumunta sa taas kaya pinag sa walang bahala na lang namin ni Brian at pumunta ako sa sofa at duon umopo at si Brian naman ay dumeritso sa kusina, alam kung manghahalungkat naman ito ng kanyang makakain. Pumikit na lang ako at linuwagan ang necktie na suot ko.
"Hoy! sa tingin mo anong nangyari kay Lord kanina pagpasok natin dito sa loob?" Napamulat ako ng mata ng biglang nag salita si Brian na ngayon ay naka upo na sa kabilang sofa habang may wahak na baso ng alak, gabing gabi na umiinom ang ugok.
"Tanga kaba? sa tingin mo alam ko ang dahilan?" Sarcastic na sagot ko sa kanya pero parang bakla lang niya akong inirapan na ikinasama ng tingin ko sa kanya.
"Oh! wag mo akong tingnan ng ganyan, umirap kadin kung naiinggit ka." Ngising aso niyang sambit na nagpasama ng timpla ng mukha ko, napahilut na lang ako sa nuo ko dahil sa pang iinis niya.
"Teka pala, nasaan sila London at Chris?" Hindi pa ako nakaka sagot ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok duon sina London at Chris at ano pa nga ba ang aasahan kay London at may bangas na naman ang pangit niyang pagmumukha.
"Oii mga pangit! saan kayo galing at London mukang nakipag agawan ka na naman ng babae no? mukha mo palang alam na kung saan galing yang bangas sa pangit mong pagmukha hahaha." Natatawang saad ni Brian kay London na ikina sama ng tingin niya kay brian.
"Tumigil ka pandak kung ayaw mong isako kita at pagulung gulungin jan sa hagdan ni Lord!" Inis na saad ni London bago pabagsak na umupo sa single sofa.
"Chris, kumusta ang pag punta mo sa university ng Lockheart's University?" Tanong ko kay Chris dahil siya lang ata ang matinong sumagot sa dalawang ito.
"Tsk, ano pa ba nang bago? Ganon parin mga basagulero at parang nakawala sa Imperno ang mga tao duon at ang mga babae naman ay parang luluwa ang dibdib sa subrang revealing ang suot kakaunti na lang ata ang matitino dun." Walang gana niyang sagot at bumuntung hininga na lang.
"Titino din ang mga iyun sa oras na tumapak ulit si Lord sa skwelahan na iyun, baka imbes na simpling parusa ang matikman ng mga pariwarang studyante duon ay baka bumaha ng dugo ang buong university na iyun." Brian said.
"That's Lord Wyatt property, means his property his rules." Walang pakialam na saad ni London.
"What about Lord's woman? Did you guy's have some information about her, it's been 5 years." Tanong ko sa kanila, nakita ko kung paano nagbago ang expression ni Chris.
"That b***h is going back here tomorrow." Madiin na sambit ni Chris.
"Wag niyung ipaalam kay Lord, hayaan niyong siya ang makatuklas, dahil sa babaing iyun pa ulit ulit na bumabalik sa kulungan si Lord, kung hindi lang siya babae ni Lord matagal ko nang inilibing ang isang iyun." Seryusong sambit ni Brian.
"Minimize your voice Lord might hear you." Paalala ko sa kanila.
"I'll go, cook some food." Pag tayo ni London, nakita ko naman kung paano sumunod si Chris dahil silang dalawa lang naman ang magaling mag luto saaming apat.
"Masunog sana ang atay mo." Saad ko kay Brian na umiinom ng alak pero inismiran lang ako nito at biglang tumingin sa taas, mukang may balak na naman ang isang ito.
"Naiisip mo ba ang nasa isip ko ngayon Drake?" Tanong niya sakin habang naka ngising naka tingin sa taas.
"Ano na naman ang kalokuhan ang nasa isip mo?" Walang gana kong tanong sa kanya.
"Malalaman mo kung sasamahan mo ako sa taas." Sambit niya at agad na tumayo habang hawak sa isang kamay niya ang baso na may lamang alak at lumapit sakin bago hilahin ang kamay ko gamit ang isang kamay niya. Wala akong nagawa kundi ang sumama na lang sa kanya dahil nakakatamad makipag talo sa kanya.