Lexi's p.o.v.
Namalayan na lamang ni Lexi na nakahinto na pala ang kotseng sinasakyan niya , hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya habang bumibiyahe sila, ang huli niyang nstatandaan ay nasa SLEX sila dahil nasa tagaytay daw ang bahay ng binatang kasama niya , Agad siyang napaupo ng diretso ng maaalala na may kasama nga pala siya sa loob ng kotse at walang iba kundi si officer Terrence... Nilingon niya ang lalaki sa drivers seat at nakita niyang nakangiti itong nakatingin sa kanya , tuloy ay bigla siyang naconcious dahil baka may muta pa siya o panis na laway kaya agad niyang kinapa ang mga mata pati na rin ang gilid ng kanyang mga labi. She heard him chuckle, dont worry hindi naman tumulo ang mga laway mo habang tulog ka ! Tila natatawang biro nito sa kanya na ikinapula ng mukha niya, alam niyang namumula siya dahil ramdam niya ang pagiinit ng kanyang mukha dahil sa biro nito sa kanya. Pasensiya na officer at nakatulog po aq!,Aniya dito na hindi tumitingin. Hey Im just kidding! And its okay kahit nakatulog ka I know your a bit stress so you need to relax yourself!" Mahabang litanya nito sa kanya. Hanggang sa kumilos na ito at kinalag na ang seatbelt na nakasuot dito. Were here let's go!" Anyaya nito sa kanya, nang tumingin siya sa labas ng bintana saka niya napansin na huminto na pala sila sa tapat ng isang two storey modern design house , na may malawak na solar may kataasan ang gate nito na yari sa matibay na bakal hindi makikita ang loob mula sa labas ng gate dahil sa lagpas tao na taas niyon at wala ring siwang ang gate , bumusina ang binata at ilang sandali pa ay bumukas na ang gate lumabas ang isang ginang na sa palagay niya ay kasambahay nglalaki. Ilang sandali pa at pinasok na nito ang sasakyan sa loob ng gate maganda ang bahay may malawak na terasa iyon na pwedeng tambayan o pahingahan meron ding outdoor sofa doon ,may ilang baitang na hagdan paakyat sa terasa na iyon meron ding cofeetable sa gitna ng mga sofa at merong hammock sa gilid tila kay sarap magpahinga doon dahil napakapresko ng hangin doon malamig din ang simoy ng hangin dahil na rin sa maraming puno sa paligid at mga halamang namumulaklak. Nang huminto ang kotse ng lalaki ay nauna na itong bumaba sa kanya ,sumunod naman siya dito ,muli niyang nakita ang ginang na nagbukas ng gate nakangiti itong sumalubong sa kanila "Hijo siya ba ang sinasabi mo?" Ngiting tanong nito sa kanila. " Oo nang, meet Alexene Guevara! Lexi this is Manang salud siya ang matagal.ko ng helper dito , Siya rin ang nag nakasama ko since bumukod ako sa bahay namin , siya ang makakasama mo dito sa bahay treat her like your mother or a grandma ,nang Salud siya naman ang bago mong aalagaan I hope you'll treat herlike the way you treat me !" Ngiting saad ng binata sa matanda. Huwag kang mag alala hijo ako na ang bahala sa kanya dito. Gagabayan at aalagaan ko siya. Nakangiting ani ng ginang at sinulyapan siya. Salamat po ! Ani niya dito."O siya halina at pumasok muna kayo para makapag meryenda na kayo ! " Anyaya nito sa kanila at nauna ng pumasok sa loob ng kabahayan. Maganda din ang loob ng bahay maaliwalas dahil na rin siguro sa naglalakihang bintana na nagbibigay ng natural na liwanag mula sa labas at maging ang mga floor to ceiling na mga glass doors ng bahay open lay out din ito kaya mula sa sala ay matatanaw mo ang dining na kanunugnog lang ang covered lanai na meron ding glass sliding door may maliit na bar counter sa maygilid malapit sa hagdan at tanaw rin ang malinis at maayos na kitchen , dominante ang kulay na itim at puti sa buong kabahayan, cozy,neat, at very manly iyon bagay na bagay sa binatang nakatira doon, sa dining na sila dumiretso doon ay naghain ang ginang ng meryenda daw nila, ginataang halo- halo iyon na isa sa mga paborito niya kaya naman napadami ang kain niya na ikinatuwa naman ng ginang ,matapos kumain at magpahinga sandali ay nagpaalam na ang binata na aalis na ito st babalik na sa Maynila dahil may ksilangan pa itong balikan na trabaho naiwan siya sa ginang inilibot naman siya nito sa bahay at dinala sa silid na gagamitin niya. May 5 silid ang bahay na iyon kasama na ang helpers room na nasa may service area ng bahay may isang silid din sa first floor ang sabi ni manang Salud ay ama ni Terrence ang gumagamit ng silid na iyon dahil ayaw daw nitong umakyat pa ng hagdan kaya doon sa ibabang silid nanatili kapag nandoon ito sa bahay ng binata sa itaas naman ay may tatlong silid ang masters bedroom ang inookupa ng binata iyon daw ang pinaka malaki sa lahat ng silid foon sa secondfloor ang kanyang silid naman ay ang nasa bandang kaliwa ng silid nito ,malaki rin ang silid na iyon at maganda ang interior ng kuwarto, peach ang kulay ng pintura niyon at puti naman ang mga pintura maging ang beddings at pillow cases ay puti rin napakalinis at preskong tignan ng silid may katamtamang laki ng kama sa gitna niyon my side tables din at may maliit na couch sa gilid naroon na din ang floor to ceiling cabinet na katabi lamang ng isang pinto na sa hinuha niya ay ang banyo , excited na sinilip.niya ang banyo st maganda rin iyon at maluwag ,pumasok siya sa loob nakita niyang kumpleto na ang mga gamit doon mula sa toiletries, shampoo toothpaste sabon at kung anu- ano pa idadagdag na lamang niya ang mga personal na gamit niya kagaya ng kanyang skin care. Lumabas siya ng banyo at nagpasyang syusin na ang kanyang mga gamit ng mapansin niya ang sliding door na natatabingan ng kurtina hinawi niya iyon st nakita niyang may balcony pala ang kwartong iyon excited na hinila niya pabukas ang glass door at lumabas doon , natuwa siya dahil napakagnda ng view sa lugar na iyon ,npansin niyang shared balcony pala iyon sa silid ng binata, balak sana niyang silipin ang silid nito ng makarinig siya ng katok mula sa pinto kaya dali- dali na siyang pumasok muli sa loob st isinara ang glass door napagbuksan niya si Manang Salud may dala itong mga towel na tila para sa kanya, " Hija heto dinalhan kita ng mga tuwalya na maaari mong gamitin , bago ang mga yan , halika at tutulungan kitang ayusin ang mga gamit mo anito habang dumiretso na ng pasok sa kanyang silid psrtikular sa banyo upang ilagay ang mga tuwalyang dala nito.Manang puwede po ba magtanong? Alsnganing baling niya sa ginang na abala sa pagsalansan sa mga damit niya sa loob ng cabinet," Oo naman hija basta kaya kong sagutin eh anu b iyon? baling nito sa kanya na nakangiti. " Ahm si officer Terrence po ba siya lang po mag- isa ang nakatira dito? Tanong niya. "Ah oo hija pamana kasi sa. kanya ng kanyang yumaong lolo ang bahay na ito magmula ng magkolehiyo siya ay mas pinili na niya ang bumukod ng tirahan, siguro para makaiwas na rin sa pagmamanipula ng kanyang ama. " Alam mo kasi dating general ng kapulisan ang ama ni Terrence kaya masyado iyong strikto at may pagka dictador din,dahil na rin siguro sa nature ng trabaho nito kaya ganoon , maypagka perfectionist din iyon at kung minsan sy maypagka matapobre at mapanghusga sa kapwa, kaya ang maipapayo ko lang sayo hija kapag dumating ang araw na dumalaw dito ang general ay ikaw na lang ang umiwas wag mo na lang siyang pansinin o dikaya ay ay wag ka ng lumabas ng iyong silid. Matapos ang paguusap nilang iyon ng matanda ay tinulungan niya ito sa mga gawaing bahay kahit pa na ayaw siyang pskilusin nito.ang sabi nito ay bisita daw siya doon at hindi dapat siya gumagawa ng gawaing bahay na mariin niyang tinutulan . Hindi naman siya bisita doon isa lamang siyang kawang gawa ng binatang may ,- ari ng bsay na iyon. Matapos maghapunan ay dumiretso nasiya sa kanyang silid ,ngunit isang oras na siyang nskahiga at pinipilit ang sarili na matulog ay hindi pa rin niya magawa, heto siya at gising na gising pa rin, hindi niya itstsnggi sa sarili na gusto niyang makita ang binatang kumupkop sa kanya, sa kanyang batang puso ay alam niyang may napukaw itong damdamin doon na para lamang dito. Iyon marahil ang sinasabi nilang crush pero higit pa sa paghanga ang nadarama niya sa binatang pulis.... Inis na bumangon siya at nagpasya na bumaba sa kusina upang uminom ng tubig...........