WAVES OF REGRETS TIPS EPISODE 9 SABRINA AIK'S POINT OF VIEW. Bukas na ang punta ko sa bahay nila Maverick. Ilang araw akong hindi nakatulog ng maayos nang ma received ko ang text message ni Mave na gusto akong makita at makilala ng kanyang Mama. Sinabi ba ni Mave ang tungkol sa relasyon namin sa Mama niya? Malamang! Papapapuntahin ba ako no’n kung wala siyang alam sa relasyon namin ni Mave?! Argh! Kinakabahan ako. Nakita ko na rin naman ang Mama ni Mave dahil ilang beses na kaming mag kaklase ni Mave sa high school at nakikita ko ang mama niya sa mga meeting noon. Palangiti ang Mama ni Mave at makikita mo sa aura niya na mabait siya at hindi strikta, pero hindi ko pa rin mapigilan na kabahan. Hindi ko rin mapigilan na mag alala sa best friend s***h cousin ko na si Gabriell