WAVES OF REGRETS EPISODE 18 SCANDAL SABRINA AIK’S POINT OF VIEW. Kinakabahan ako. Ang lakas ng t***k ng aking puso ngayon sa hindi malaman na dahilan. Nagsisimula na ang program at nakikitawa rin si Mave sa aking tabi kagaya ng mga ibang estudyante rito sa party sa mga pinagsasabi ng dalawang host. Hindi ko man aminin sa aking sarili pero nakaramdam ako ng kunting takot sa pananakot kanina ni Cassie. Marami akong mga nagawang hindi maganda noon na gusto ko ng kalimutan at ibaon sa lupa. Hindi ako iyon, that’s the rebel Sabrina at ayokong makita iyon ni Mave dahil sigurado akong magagalit siya sa akin. “Sabrina, okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik at hindi ka nakikinig sa sinasabi ng mga host,” alalang sabi sa akin ni Mave at dinampi pa ang kanyang palad sa aking noo upang malaman k