MOTHERHOOD

1433 Words

"ANONG gagawin ko M-Mama?" nagpipigil ng emosyon na tanong ng dalaga. "Sino ang ama ng bata?" ang sa halip ay tanong-sagot sa kaniya ng tiyahin. Hinanakit at hindi galit ang naramdaman ni Lana sa boses ng kaniyang Mama Cecille. At iyon ang dahilan kung kaya tuluyan na ngang humulagpos ang lahat ng luhang kanina pa pinipigilan ng dalaga. "M-Mama n-naman" protesta niya na tuluyan nang napahagulhol pagkuwan. "May pamilya ba?" anitong tinitigan siya ng tuwid sa mga mata. Umiling siya.  "Bakit hindi ka maghabol? Wala naman palang pamilya. Hahayaan mo bang lumaki ang batang iyan nang hindi nakikilala ang sarili niyang ama? Katulad ng ginawa sa'yo ng pabaya mong ina?" ngayon ay galit na ang Mama Cecille niya. Nanatiling nakayuko lang si Lana habang patuloy na umiiyak.  "Sumagot ka, Lana!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD