Someone POV
Marvin may balita kaba kay honey?
tanung ko nandito kami ngayun sa isang kainan kailangan namin pagusapan kung anu dapat gagawin,mahanap lang kaibigan ko,
Wala pa zel, hanggang ngayun ganun parin routine ni mayor,bahay at cityhall lang wala nga nightlife yung Mayor na yun,nakita kung niyaya siya ng mga ka tropa niya pero ayaw niya talaga,at parang uwing uwi lagi sa bahay,hindi ko alam kung ganyan ba siya noon pa,
Alam ko ganyan daw talaga si mayor noon pa,hindi daq mahilig yan sa nightlife,taong bahay lang daw yan at trabaho,yun sabi ni honey nung nakilala niya si mayor,
anu na gagawi-hindi kona natapos sanang sasabihin ko ng bigla may pumasok sa isip ko na!
Baka lang ha,baka lang nasa bahay lang din nila si honey,kasi nga diba,hindi naman naalis,maari nandun lang din yun,
Palagay mo?posible yang nasa isip mo?
Oo,baka isa sa mga kwarto siya kinulong,marvin kailangan natin makapasok sa loob para malaman natin ang mga nangyayari sa loob,
Pwedi kang magapply na katulong doon,
Ehhh, pwedi naman ngunit papanu?
Akong bahala..
Eto na nga ako nakapasok na nga ang bilis ni marvin kung paano niya ginawa hindi kuna alam,ang importante ngayun mahanap ko ang kaibigan ko,
Hello po.bati ko sa matandang babae,hula ko Mayor DOMA dito,
Yes?
Ang taray nitong matandang ito,sarap sapakin,ah eeh ako po ang bagong katulong po,saan po ako magsimula?tanung ko kasi kanina pa ako dito nakaupo kasi yun ang sabi nun naghatid sa akin dito,
Mamaya papalinis ko sayo ang kwarto sa may bodega habang maliligo yung nakatira dun,
Bigla akong kinabahaan baka doon nakatago di anna sa bodega OMG grave naman si mayor,
Yun lang po ba?
tanung ko ulit dahil mukang walang balak na magsalita ito,busy na kakacelpon habang ngumingiti,kilig na kilig si tanda gusto ko sanang Sabihin na ngayun kapa naglandi kung kaylan expired na ang mga tsanak mo sa matres,kaya lang baka palayasin ako bigla pagnagalit ito,o eh hindi ko magawa yung planu ko,
Hindi sasamahan mo siyang bihisan at pakainin mo rin,
Bigla akong kinalabutan sa naisip ko baka baldado na ang kaibigan ko bakit kailangan ako pa magbihis,
Ah bakit ako po magbihis wala po siyang kamay?
Meron naman kaya lang hindi niya makilos sa ngayun kaya kailangan niya ng alalay ,bakit ang dami mong tanung,basta gawin mo nalang kong anu inutos ko,
Opo,opo pasinsya napo isizipper kona po bunganga ko,okay na po ba?
Oo lumayas kana kanina kapa dumada!
Ang taray!bye po...
nanlilisik naman ang mata niyang nakatingin sa akin hindi na talaga natuwa
Naglibot libot naman ako at hinanap ang Bodega,pero hindi ko nahanap naikot kuna ata boong bahay wala naman akong nahanap na bodega,nimal saan ba yun!
Leizel!leizel diba pangalan mo?
Opo,
Halikana at maliligo na yung babae, nanlalaking mata ako na tumingin sa kanya,
Talaga?
Oo eh bakit parang excited kang makita yun?naku dapat quite kalang kung anu man nakita mo kung gusto mo magtagal dito,dahil pagnalabas itong mga nangyayari dito sa loob ng bahay lahat tayo may paglalagyan.
Takot na takot naman,hindi pramis...
peksman..
Tumango naman ito at sininyasan akong sumunod sa kanya,papunta kami s amay kusina,langya nandito na ako kanina pero wala naman akong napansin na pinto dito,saan naman pupunta to, namilog ang mata ko ng may kinapa siya maliit na bagay kinalabas ng maliit na pinto dito sa kusina,
Tangina kaya pala wala akong makita kanina,may humarang pala,ang hightech ng bahay ni mayor ha,infernes napahanga niya ako,
Pumasok kami sa may pinto pero pagpasok ko madilim grbe wala kang makita,may narinig akong umiiyak na parang nasasaktan,O god!wag niyang sabihin si honey yun?wag naman sana baka hindi ko makayanan,lumapit kami sa maliit na kama hindi ko alam paanu niya nalaman saan ang kama ang dilim dito,
At ang baho,parang sariwang dugo,wag naman sana, kinabahan ako pero nagpatuloy lang sa paglalakad, huminto si ate at nagsalita.
Ma'am kailangan napo kayong paliguan para magamot yang sugat nyu,sabi po ni mayor..para makakain na din kayo,
Ma'am okay lang po kayo,hindi na ako nakatiis at ako na ang lumapit, best,..
Huh?tanung ng kasama ko,
Ah mas the best po kung kain muna bago ligo kasi nga diba parang wala naman siyang lakas?
Paanu mo alam walang siya lakas?
Nafeel ko lang kasi hirap siyang magsalita,naungol lang at sabi mo rin gamitin ang sugat niya,
Ma'am,yugyog ko,pero hindi man lang kumilos,para na akong maiiyak ngayun palang,dahil parang nafeel ko talaga grave yung pinagdaanan niya dito, ma'am tawag ko ulit,hmmmm, h-he-lp p-lease utal niya,hindi kona namalayan tumulo na pala ang luha ko,o god ang dami na niyang pinagdaanan dumagdag pa tong animal na mayor nato,.
Ma'am hali napo kayo,pinatayo na siya nung isa pero hindi kinaya, tinulungan ko rin siya at sobrang bigat niya,parang baldado na siya,hindi ko alam anung ginawa ni mayor sa kanya,
Pinagtulungan namin siya makalabas sa may pinto,pagdating namin sa may pinto kung saan may ilaw na halos magimbal ako sa nakita ko itsura niya,putok at labi namamaga ang mata ang buong katawan ay puro latay naghalo na ata ang bago at ang lumang latay basi narin sa dugo natuyo,
Oh my God!nangiyak ngiyak na ako habang kawak ang labi ko baka gumawa ng ingay,hindi na nya madilat ang mata niya dahil sa maga na ito,parang binugbog siya kaya ganyan ka maga ang mata niya,nahubad narin siya wala kahit isang saplot bukod sa mga pasa Puno din ng kissmark ang buo niyang katawan,
Hayop,hayop ka mayor!tama nga ang balita noon na nakalap namin,
Sige na anu pa tinunganga mo!
okay pasinsya na nabigla lang,anu ba kasi nangyari sa kanya?
Magtrabaho ka nalang huwag kanang maraming tanung,
Okay,pinagpatuloy ko ang paglalakad at huminto kami sa isang kwarto, binuksan niya ito at deretso kami sa banyo,nilagay namin siya sa bathtub,nilagyan n namin ng tubig na kinahiyaw ni anna siguro sa mga sugat niya,kaya napahiyaw siya tumulo agad ang luha ko at hindi kuna nakayanan nang nakita kong pagtulo ng luha niya,napahikbi nalang ako na kinalingon ng isa,...
Hoy,huwag kang ganyan,hindi pwedi ang mahina dito,alam mo yan sinabi na sayo nung taong nagtanggap sayo dito diba?
Tumango naman ako, pasinsya na hindi kulang mapigilang humikbi gawa ng ngayun lang ako nakakita ng ganito,yaan mo sa susunod masasanay din ako,tumnago naman siya kaya nilingon ko ulit si honey,.
Ilalabas kita dito hon,kahit anung mangyari...
M.A stories