ALEA
Hinintay ko sila Kuya Toby baka kasi sila lang ang may alam tungkol sa narinig ko.
Malaki na ako, alam ko na ang gagawin ko. May isip na ako. Hindi na ako bata.
Pang-gabi ngayon si kuya Toby. Nagtatrabaho kasi siya sa isang call center company. By months nagpapalit sila ng schedule.
Kaya alam kong ngayong umaga ang uwi niya. Today is friday. Nakaka-isang linggo na rin ako pumapasok after kong ma-hospital.
Next saturday na ang debut ko. Ang pagiging isang dalaga ko. Legal age ika nga nila. Pero, di ko pa rin alam kung anong gagawin ko sa birthday ko.
Hinintay ko talaga si kuya Toby rito sa tapat namin, wala naman sila Mama. Si Papa pumasok sa hospital, janitor kasi roon si Papa. Si Mama naman ay sinamahan si Terry, may bibilhin kasi si Terry sa National bookstore. Project yata niya.
Kaya ako at si ate Toni lang ang nandito. Hindi naman niya ako kinakausap, hawak niya lagi ang kanyang phone. Kausap na naman ang boyfriend niya.
Kung tatanungin niyo si kuya Tony, nasa jowa na naman niya. Doon naman lagi siya nakatambay kapag ganitong araw.
Napatayo ako ng makita ko si kuya Toby.
"Kuya!" Salubong ko rito.
"Anong ginagawa mo rito sa labas, Alea? Hinihintay mo ba si Jona?" Umiling ako sa kanya.
"Ikaw po, kuya, hinihintay ko..."
"Anong kailangan mo?" Pumasok siya sa maliit naming bakuran.
"K-kuya... Narinig ko sila Mama nag-uusap last week tungkol sa akin... N-narinig kong may kukuha raw sa akin... K-kuya, may alam po ba kayo roon?" I asked. Nauutal pa ako sa pagtanong sa kanya. Kinakabahan kasi ako baka 'di niya ko sagutin or baka deadmahin niya lang ako.
"N-narinig mo lahat?" Sabay hila niya sa akin papasok ng bahay.
Pinaupo niya ako sa may luma naming sofa puro tagpi na nga ng mga maliliit na tela.
"Narinig mo lahat ng sinabi nila Mama?" Umiling ako.
Iyon naman ang totoo, e. Doon lang sa part na may kukuha sa akin at wala raw silang magagawa para pigilan niyon.
Hinarap niya ako sa kanya, "tandaan mo, kapatid kita... Tunay ka naming kapatid. Hindi ka ampon or napulot lang nila Mama sa tae ng kalabaw..." Huminga siya ng malalim, "sa Saturday debut mo na, Alea. Alam mo na kung ano ang dapat gagawin. May isip ka na para malaman mo... Kakausapin ko mamaya sila Mama tungkol doon, wala akong karapatan para sabihin ang tungkol doon, Alea. Sila Mama lang ang may karapatan."
"D-dapat bang tanggapin ko iyon?" Tumango ito sa akin.
"May kasundaan, Alea. Nakasalalay ang buhay mo roon..."
"B-buhay ko?" I asked back.
"Sila Mama na ang dapat magsabi niyan... Sige na, matutulog na muna ako. Kagagaling ko lang si shift ko kanina."
Wala na akong nagawa kung hindi tumango na lang kay kuya Toby.
Hapon ng makauwi na sila Mama. Kasabay nilang dumating si Papa. May bitbit si Mama ng grocery.
"Alea, ang ate mo? Nand'yan ba?" Bungad na tanong ni Papa sa akin.
Nagmano muna ako Papa at Mama, "Opo, Pa. Nasa k'warto po si ate."
"Tawagin mo nga at isalangsang niyang mga pinamili ng Mama mo. Maghapon na naman siguro hawak ang cellphone ng isang iyon." Tumango ako kay Papa.
Hinawi ko ang kurtina na nagtataklob sa k'warto namin at sumilip sa loob, "ate Toni, tawag ka ni Papa. Isalangsang mo raw iyong pinamili nila Mama." Ani ko sa kanya pero 'di niya ako pinansin at todo usap sa phone niya.
Hays. Hindi ko na lang siya pinilit. Pumunta ako sa maliit naming kusina. At, ako na lang ang nag-ayos ng pinamili. May mga pasta, hotdogs, juice, chicken and iba pang food na pinamili nila. Ito na yata iyong panghanda ko sa sabado.
"Oh, ba't ikaw ang gumagawa diyan? Ang ate mo?" Tanong ni Papa sa akin ng makabihis na siya ng pambahay.
"Busy, Pa. Kausap po yata iyong boyfriend..."
"Iyon talagang ate mo. Akala mo mamamatay kapag 'di na kausap iyong jowa niya." Inis na sabi ni Papa at tinulungan akong mag-ayos.
"Pa? Ito na po ba iyong handa ko sa debut ko?" I asked.
Tumango sa akin si Papa, "tatanungin ko kay Kapitan kung p'wedeng gamitin iyong basketball court diyan. Doon natin gagawin."
Napahinto ako sa sinabi ni Papa, "Pa, okay lang po kung tayo-tayo lang naman. Saka po, wala naman akong magiging escort sa debut ko. Kaya ayos lang po kung 'di po ako mag-selebrate ng bongga. Kagaya nu'ng kay Jona. Ayos lang po sa akin iyon, Pa." Sabay ngiti ko kay Papa.
Niyakap niya ako, "sobrang bait mo talaga, anak..."
Nang gumabi na, nasa sala kami at nanonood ng isang teleserye. Tungkol ito sa bidang babae na pinamimigay sa malamang lalaki dahil sa kahirapan ng buhay.
"Ma, Pa, 'wag niyo ko ipamimigay ha? Dito lang po ako..." Hindi ko alam pero lumabas ito sa bibig ko.
Kaya lahat sila nakatingin sa akin.
"Narinig ko po kayo... Kayo ni Papa na nag-uusap tungkol doon. Hindi niyo raw po kayong pigilan ang pagkuha sa akin..." Tumingin ako kay kuya Toby, tumango siya sa akin.
"Pa, sino po ba ang kukuha sa akin? Bakit kailangan niya akong kunin sa inyo?" Pagtatanong ko kay Papa.
Hindi alam ni Papa kung sasagutin niya ako, kaya tumingin siya kay Mama.
"Huwag niyo na pong ilihim, Ma at Pa. Malaki na po ako, may isip na po ako. Karapatan ko naman po kung sino ang kukuha sa akin?"
Buti na lang talaga maagang nakatulog si Terry dahil siguro sa pagod.
Humingi ng malalim si Mama, "Pedro, kailangan na niya malaman. Karapatan din ni Alea ang lahat ng ito. Kung hindi dahil sa akin, patay na dapat si Alea. Wala na dapat sa atin ang anak mo..."
"P-patay na dapat ako matagal na, Ma?" Tumango ito sa akin.
"May heart failure ka raw ng ilabas ka ng Mama mo, Alea. Kailangan agad kang operahan dahil kapag hindi nagawa niyon ilang oras lang ang itatagal mo. Kaya nakiusap kami kay doctor Carter noon pero nasa protocol kasi na kailangan muna mag-downpayment ng kalahati bago ka operahin. Walang wala tayo nu'n. Buti na lang dumating ang anak niya... Siya ang nagsalba sa buhay mo. Dahil sa kanya kaya buhay ka pa rin hanggang ngayon..."
"Pa? Sino po siya?" Umiiyak na ako rito.
Bata palang pala ako naging pabigat na ako kila Papa.
"Si Dr. Vicente Carter, anak..."
"Iyong pumupunta po rito, Ma?" Tumango sa akin si Mama, "kukunin niya po ba ako? Kaya po ba mabait siya sa atin? Kaya po ba nu'ng na hospital ako, sa private room ako nailagay dahil sa kanya? At, siya rin po ba ang nagbayad ng bill natin?" Lahat ng tanong ko ay tumango si Mama.
"B-bakit po ako ang gusto niya, Ma? Ang bata ko po para sa kanya." Naguguluhan kong tanong.
Kasi kapag nakikita ko Dr. Carter, naiisip ko na nasa late thirty's na siya.
"Hindi namin alam, Anak. Pero, nu'ng kailangan namin ng tulong dumating siya at humingi ng pabor sa amin, tutulungan niya kami pero isang kundisyon, magiging asawa ka niya pagsapit ng eighteen birthday mo... Wala na kaming nagawa kung hindi umoo at pumirma sa kasundaan para mabuhay ka lang. Patawarin mo kami, Anak..." Napahagulgol ako. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nila.
Kaya ba sobrang bait niya sa akin. Niyakap ko na lang sila Mama, "wag po kayong magsorry, ginawa niyo lang po ang tama para sa akin..." Sabay hagulgol ko ulit. Maging sina Kuya Toby, kuya Tony and Ate Toni ay nakiyakap na rin sa amin.
"Kapatid ka pa rin namin..."
So, after all, alam nilang lahat ang tungkol sa amin ni Dr. Carter? Kami lang ni Terry ang walang alam doon. Kaya pala...
to be continued...