Chapter 6

1141 Words
ALEA Limang araw na ang nakakalipas ng malaman ko ang totoo. Bukas na ang debut ko. Makukuha na ba niya ako bukas? Paano kung ayoko sumama sa kanya? Mabait ba talaga si Mr. Carter? Ayon sa pagsesearch ko, marami siyang charity or foundation na tinutulungan. Every Sunday rin pumupunta sila sa mga liblib na lugar para magsagawa ng libreng check-up. Kaya pala maraming magagandang feed back sa hospital nila. "Uy, Alea, ang lalim yata ng iniisip mo? May problema ka ba?" Napatingin ako kay Jona ng kalabitin ako nito. Umiling ako sa kanya. "Bukas na ang debut mo, hindi ka talaga maghahanda? Ibig kong sabihin, iyong formal na party, Alea?" Umiling ako sa kanya, "hindi na. Sayang lang sa pera, Jona. Sa bahay na lang ako maghahanda. Imbitado kayo ha? Huwag kayong mawawala, okay?" Tumango naman siya sa akin, "Oo naman. Kaibigan kaya kita. Matalik na kaibigan." Ngumiti ako rito. Masama ba akong kaibigan kung hindi ko sasabihin sa kanya na may instant na akong boyfriend? Mas matanda pa sa akin. Ano kaya magiging tingin niya sa akin? Pandirihan kaya ako ni Jona? Baka sabihan niya akong kumakapit sa patalim. Hays. "Wala ka talagang problema ha?" Umiling ulit ako rito. "Oh, sige! Mauna ka ng umuwi, Alea, mamaya ha? May basketball tryouts si Kevin. Alam mo naman susuportahan ko siya." Sabay kilig niya. Swerte ni Jona, siya iyong nagustuhan ni Kevin. Kaya heto ako, tinatago na lang. Ayokong masira pagkakaibigan namin. "Ah, gano'n ba. Sige. Sana makapasok siya." "Sana nga, e. Sabi niya kasi marami raw magta-tryouts. Alam mo namang favorite sport niya ang basketball." Saad ni Jona sa akin. Umayos na kami ng upo ng makita namin ang professor namin sa Algebra 103. Major subject namin ito kaya kailangan kong seryosohin at aralan talaga. Ayokong may bagsak ako, dean's lister pa man din ako. Ayokong mawala ito sa akin. Para kapag grumaduate ako, p'wede akong maging Magna c*m Laude. That's my dream. After ng subject namin kay Sir. Lumabas na kami ni Jona pero siya pupuntang gym at ako diretsong uwi. Hindi ako p'wedeng gumala, birthday ko pa naman bukas. "Alea! Mag-iingat ka sa pag-uwi ha? Text mo na lang ako kapag nakauwi kana sa inyo!" Sigaw nito sa akin. "Oo, Jona! Sana makapasok si Kevin!" Balik na sigaw ko rito at kumaway sa kanya. Nilalakad ko lang naman pauwi sa bahay. Dalawang stop lights lang naman pagliko sa amin and marami naman naglalakad kaya ayos lang. Iyong iba rito mga naka-apartment malapit sa University. Huminto ako dahil stop muna. Tatawid kasi ako sa kabila. Maraming students na kasabay ko, iyong iba mga high school students may high school din kasi ang University pinapasukan ko. Nagulat ako ng may humintong kotse sa tapat ko, hindi pa naman stop ha? Naka-go sign pa oh? Bakit huminto siya. Baka may sasakay, baka may susunduin siya. Tumabi ako baka maitulak ako, e. Nagulat ako ng bumaba ang salamit ng kotse. "Hop in, Alea." A-ako? Pangalan ko iyon diba? I'm Alea, right? Sumilip ako, "a-ako po?" Binaba niya ang kanyang salamin. Si Dr. Carter! "Yes, you are. Hop in, Alea. Hatid na kita." Baritonong sabi nito sa akin. T-teka... Iniisip ko lang siya kanina ha? "Ah... Dr. Carter, malapit naman na po ako. Okay lang po kung maglalakad ako." Tutol ko. "I insist, Alea..." At, biglang may bumisina, "hop in? Binubusinahan na ako?" Wala na akong nagawa kung hindi sumakay rito. Buti na lang wala nakakakilala sa akin. Pagsakay ko rito, inayos niya ang aking seatbelt. "Seatbelt first..." Hindi ako huminga kasi naaamoy ko ang kanyang pabango. Tumungo na lang ako at pinag-initan ang aking kamay. Ganito ako kapag nahihiya at kinakabahan. "I know na alam mo na ang tungkol sa akin..." Tumango agad ako sa kanya. "Don't be shy, okay? I introduced myself to you. I'm Vicente Carne Carter, mylove. I'm thirty years old and I'm single because I'm waiting for you for almost eighteen years..." "B-bakit ako? M-maraming magaganda d'yan sa akin..." Sabay kagat ko ng aking labi. "Bakit ikaw? Cause I like you the first time I saw you. Nu'ng umiyak ka, I'll promised to myself na hindi kita paiiyakin at mamahalin kita. Ibibigay ko ang lahat sayo, Alea. So, don't asked me kung bakit ikaw ang pinili ko. My Dad and Mom agreed to my decision even my Grandpa, Alea. They're waiting for you, mylove..." Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano sasabihin sa kanya. Tumungo na lang ako hanggang makarating sa eskinita namin. "D-doctor Carter, dito na lang po ako..." I whispered. Natatakot kasi ako, e. Tumingin ito sa akin at sa window sa kanyang side. "I insist, hahatid kita sa inyo..." Hinawakan ko ang kanyang kamay. "Hindi na po. Okay lang po talaga." Lunok ko at sabay binaklas ang seatbelt at binuksan ang pinto. "Maraming salamat po!" Yuko ko rito at sinara ang pinto ng kotse niya sabay naglakad papalayo roon. Hanggang makahiga ako sa kama namin, iniisip ko ang sinabi niya. "I like you the first time I saw you... I'll promised to myself na hindi kita paiiyakin at mamahalin kita. Ibibigay ko ang lahat sayo, Alea..." Wah! Alea naman! Wake up, okay? Hindi pa rin ako makapaniwala, ang daming babae rito sa mundo. Ang daming babaeng mas sexy at maganda sa akin, bakit ako pa nagustuhan niya? May saltik siguro si Doctor Carter? "Waaah! Nababaliw na ako!" "Anak, ayos ka lang ba?" Napatayo ako ng humawi ang kurtina sa k'warto namin nila ate toni. Si Mama! "Ah, Ma? Kanina ka pa po ba d'yan?" Baliw ka talaga, Alea! Baka narinig ka ni Mama! "Hindi naman. Narinig kitang sumigaw kaya pumasok ako. At, Oo nga pala, may pinapabigay si Mister Carter sayo." Ani ni Mama at inabot sa akin ang malaking paper bag. "Iyan daw ang suotin mo bukas sa debut mo. Nakakahiya nga, pumunta pa siya rito para ibigay niya p'wede namang ipasuyo niya sa Papa mo. Aalis lang kami ni Terry may pinapabili ang ate Toni mo para sa project yata nila." Tumango ako kay Mama. "May ipapabili ka ba, Alea?" Umiling ako kay Mama. "Wala po, Ma. Ingat po kayo." Tumango ito sa akin, "Saglit lang kami. Huwag kang magpapapasok ng iba, Alea. Nagbasketball ang kuya Tony mo." "Sige po, Ma." Sinundan ko muna sila Mama at sinarado ang pinto namin pagkalabas nila. Bumalik ako sa k'warto namin at tinignan ang binigay niya. Binuksan ko ito at kinuha ang blue dress na may pares na stilettos na silver. Nilapag ko ang dress sa kama, mukhang fitted siya sa akin and sinukat ko ang bigay na stilettos, kasyang-kasya sa aking paa. Parang alam niya talaga ang sukat ko. Napatingin ko sa phone ko ng mag-vibrate ito, unknown message. "I hope you like my gifts to you, mylove! See you tomorrow! Enjoy your debut and being legal with me tomorrow!" to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD