Chapter 4

984 Words
ALEA "Alea!" Napalingon ako ng may tumawag sa akin. Nakita ko si Jona, ang matalik kong kaibigan at kababata. "Magaling ka na? Okay na ba iyang paa mo?" Tanong nito at sumabay na sa akin. "Oo, Jona. Medyo nakakailang pa rin pero ayos na ako. Hindi na masakit kapag inaapak." Sagot ko rito at naglakad na kaming dalawa papunta sa aming classroom. Pagkapasok namin sa classroom, nakita namin ang mga classmate naming nag-iingay at aligaga. Hindi ko alam kung bakit. Umupo ako sa aking upuan. We have seat arrangements kahit college na kami. And, our section is block section. Kinalabit ko si Jona, "may assignment ba tayo?" Sabay tingin ko sa mga kaklase ko. Umiling ito sa akin, "wala... Baka nagkakahog ang mga iyan sa notes. Alam mo na... Malapit na ang midterms natin." Ani nito. Tumango na lang ako sa sinabi niya. Napansin ako ng mga classmate ko at tinanong din nila ako kung okay na raw ba ako, ayos na ba ako at magaling na ba ang paa ko. Sinagot ko sila, na okay naman na ako. Maayos na ang pakiramdam ko. May five subjects lang ako today. Today is monday, also Wednesday and friday same class sila. Tuesday and Thursday may apat naman akong subjects. "Alea, sabay na tayong umuwi ha? Dadaanan ko lang muna si Mr. Marco, ibibigay ko itong essay natin." Tumango ako rito. "Hintayin kita rito, Jona. Iwan mo na iyong bag mo rito..." Binigay nito sa akin, "dalian mo ha? Kapag wala si Sir, bilin mo na lang sa mga prof. na nandoon." Tumakbo na ito palabas ng classroom, at tinungo ang faculty ng mga professor namin. Ako na lang ang nandito pero naalala ko iyong narinig ko kila Mama. Sino ba kasi ang kukuha sa akin? Bakit parang natatakot sila? Hindi naman ako aalis ha? Hindi naman ako magpapakuha kung kanino diyan. Mag-stay ako kila Mama. 'Sino kaya iyong taong 'yon? Sino kaya iyong kukuha sa akin...' Nagulat ako ng may pumalakpak na kamay sa harap ko. Nahampas ko tuloy siya buti na lang mahina lang iyon "Ayos ka lang ba, Alea?" Sabay upo nito sa tabi ko, "anong sinasabi mong sinong kukuha sayo? Iyang mukhang niyan may kukuha pa sayo? Malas n'yong kukuha sayo... Kawawa." Sabay iling pa nito sa akin. Hinampas ko ulit siya pero tinawanan lang ako, "ano ba, Kevin! Ba't di ka pa naunang umuwi?" Angil ko rito at hinampas ulit. Bwisit siya! Ang ganda ko kaya sabi nila Mama. Ang amo nga raw ng mukha ko tapos itong epal na ito, sisirain ang mood ko. "T-teka, Alea! Mapanakit ka na ha?" Sabay ilag nito sa mga hampas ko. "Hinihintay ko si Jona. Manliligaw diba po?" Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Oo nga pala. Nililigawan niya si Jona. Bakit ko ba nakalimutan niyon. Napatayo ako, "pumunta lang si Jona kay Mr. Marco. Binigay iyong essay namin kanina. Maya-maya lang nandyan na siya. Ayan iyong bag ni Jona." Sabay turo ko sa blue na hawk na bag. "Kanina pa ba siya roon?" Tumango ako sa kanya. Tumingin siya sa paa ko, "magaling na ba?" "Ah, oo..." naiilang na sabi ko rito. "Uhm... Nandito ka pala, Kevin. Akala ko 'di ka makakasabay?" Si Jona. Nakabalik na pala siya. Lumabas na ako ng room, masikip kasi para sa amin. "Absent pala professor namin sa last subject..." Dinig kong sabi ni Kevin. Wala pang ilang minuto, lumabas na rin iyong dalawa. Habang naglalakad kami pauwi, nagtanong sa akin si Jona. "Malapit na ang debut mo, Alea, diba? Saan gaganapin?" Tanong nito sa akin. Gusto ko sana maghanda katulad ng ginawa ni Jona. Nag-debut siya sa basketball court malapit sa amin pero mas gugustuhin ko na lang na simpleng celebration. Wala naman kasi ako magiging eighteen roses lalong wala akong magiging escort. "Ah... Hindi ko alam kila papa. B-baka magcelebrate na lang ako sa bahay namin. Simpleng celebration na lang. Okay na 'yon para sa akin..." Ani ko kay Jona at ngumiti. "Ay, sayang naman, Alea. Minsan lang iyon dapat lubusin mo na. Palatandaan iyon na dalaga na tayo." Ngumiti na lang ako kay Jona. "Sige, dito na ako, Jona. See you tomorrow! Ingat kayo sa pag-uwi!" Sabay kaway ko sa kanila. Masaya bang may manliligaw? Masaya bang magkaroon ng boyfriend? Kasi si ate Toni nakikita ko laging nakangiti kapag kaharap ang phone niya. Ako? Ngumingiti lang ako kapag may napapanood akong nakakatawa sa t****k, sa youtube or f*******:. Iyong laging sana all na lang ako sa mga nakikita ko. Kailan kaya ako magkakaroon? Kinaumagahan nakita ko si Papa sa labas ng bahay namin at nakaupo roon. "Papa? Malapit na po kaarawan ko? Ano pong gagawin natin?" Tumabi ako sa kanya at kumuha ng pandesal. Nagbabasa kasi siya ng dyaryo, ito kasi libangan niya kapag day off niya. "Sa susunod na linggo na iyon, tama ba, anak?" Tumango ako sa kanya. "Ano ba gusto mo?" Nagkibit-balikat lang ako rito. "Hindi ko po alam, Papa. Wala naman din po akong magiging escort kung magse-selebrate po ako..." Sabay tingin ko sa mga dumadaan. Narinig ko ang paghinga niya, lumingon ako kay Papa, "Pa? May gusto sana akong sabihin sayo..." "Ano iyon?" Sabay lapag niya ng dyaryo. "Huwag po kayong magagalit?" Tumango ito sa akin, "narinig ko pong nag-uusap kayo ni Mama nu'ng isang araw... S-sino po kukuha sa akin? Bakit po niya ako kukunin?" Nakita kong nabigla si Papa sa sinabi ko, napatayo ito, "wala iyon, Alea. Sige papasok na ako sa loob mukhang kailangan ako ng Mama mo." Napalingon na lang ako kay Papa ng pumasok siya sa loob. Alam kong may problema... Bakit ayaw nilang sabihin sa akin? Bakit kailangan nilang itago iyon kung narinig ko naman na. Bakit ayaw pa nila sabihin lalo lang akong kinakabahan. May alam kaya rito sila kuya? Pa, Ma, sana huwag niyo ko ipamigay... to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD