ALEA Ilang araw na ang nakakalipas ng sabihin sa akin ni Vicente niyon. Nakakatakot siya ng araw na iyon. Parang ibang-iba sa unang nakilala ko. Ganoon ba ang mga lalaki? Seloso talaga? Hindi ko ikakaila na natatakot talaga ako sa kanya. Kailangan ko na bang humingi ng tulong kay ate Carmen? Kailangan ko na bang humingi ng payo kung paano ba ang ugali niya. "Girl, ayos ka lang?" Nawala ang iniisip ko ng magsalita si Jona sa tabi ko. Nakabalik na pala siya. "Ah, oo, ayos lang ako... May iniisip lang. Hehe." Sabay tawa ko rito. Nakahinga nga ako, e. Nu'ng hindi magsumbong iyong kaibigan daw ni Kevin. Baka nga nagsisinungaling lang iyon at hindi talaga kaibigan ni Kevin ang isang iyon. "May baon ka ba ngayon, Alea?" Umiling ako sa tanong ni Jona. Late na kasi ako nagising, hindi