ALEA "Belated happy birthday, Alea!" "Happy legal age, Alea!" "Dalaga ka na, Alea!" Puro ngiti lang ang sinasagot ko sa kanila. At, umupo sa seat ko. Wala naman pinagbago, e. Ako pa rin naman ito, diba? Si Alea Nice Policarpio iyong mahinhin na babae sa section namin. Iyong tahimik at walang pakialam sa mga nakapaligid sa akin. Iyong sinasabihan na allergic sa mga lalaki dahil sobrang dami ko raw na-busted. Ako pa rin naman ito. Akala ko talaga kukunin na niya ako sa amin buti na lang hindi. Kaya nakahinga ako nang maayos. Sobrang bait ng parents niya sa akin, lalo na iyong kapatid niyang babae na si ate Carmen. They're so nice kahit mayaman sila, hindi sila matapobre. Katulad ng mga napapanood ko sa television. Nagrereview ako para sa long test namin sa Child and Adolescent