“Imbento ka” sambit ni Ivory, tumawa naman ang binata at inabot ang cellphone nito. “All good na rin, pwede ka nang mag download ng mga apps na gusto mo, I airdropped your photos already, choose one, make it your profile picture on facebook.” sambit ni Blaine, tumango ang dalaga at nag download sandali ng f*******: at messenger. “Do you have friends?” tanong ni Blaine kay Ivory. “Wala” nakangiting sambit ni Ivory, tumango si Blaine na para bang nakahinga ng maluwag. “Let’s sleep now, Ivory.” sambit ni Blaine, tumango si Ivory at tinabi na ang mga gadgets sa may cabinet niya at humiga na ng maayos. Nagising si Ivory na may mabigat na naka dagan sa may tiyan niya, dahan dahang inalis ni Ivory ang kamay ni Blaine, at nang maalis niya ito ay nakahinga siya ng maluwag nang hindi nagig