bc

BABAE PO AKO: The Adventures of Sunshine

book_age16+
34
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
family
friends to lovers
goodgirl
drama
comedy
twisted
sweet
love at the first sight
70 Days Themed-writing Challenge
like
intro-logo
Blurb

"Teka, babae ka ba talaga?"

Hello guys!

BABAE PO AKO: The Adventures of Sunshine is a story of a girl but does not look like a girl. Instead, she looks like a boy, most of the time like a gay, an animal, or even an alien. But she does have this powerful confidence that makes her beautiful in her own way. Find out how her miserable life turns into a fairytale-like story when her knight in shining armor arrives.

This Romantic-Comedy story is dedicated and requested by my beloved friend Sunshine.

Enjoy reading her absurd yet funny life.

chap-preview
Free preview
Introduction
"Okay! Napatunayan mo nga sa amin na magaling kang kumanta. Pero aanhin namin 'yang boses mo kung hindi naman namin pwedeng i-broadcast sa buong mundo 'yang pagmumukha mo?" parungit sa akin ni Ms. Deth na isa sa mga producer ng FlyHigh Records kung saan ako nag-a-audition ngayon. "Alam mo, hindi ka mukhang artista. Komedyante, baka pwede pa. Tsss! Sige, makakalabas ka na. Get out!" dagdag pa niya. Grabe! Sige na, ako na hindi mukhang babae. Dahil ba mukha akong lalaki, bakla, hayop, alien, o kung ano pa man ay hindi na nila ako tatanggapin? Eh sa pagkakaalam ko ay hindi naman Binibining Pilipinas itong sinasalihan ko, ha? Kung ganoon, bakit nila binabase sa mukha ang pag-a-audition? Pwede naman akong sumikat kahit ganito ang hitsura ko, hindi ba? Aaah! Bahala nga sila. Aalis na ako. "Teka, sandali!" sabi bigla ng isang pamilyar na boses kaya napahinto ako sa paglakad palabas. Lumingon ako upang tingnan at alamin kung sino ang nagsalita. Lubusang natuwa at nagalak ang puso ko dahil sa aking nakita. Tama ang naging hinala kong si Tyrone na crush ko ang pumigil sa aking paglabas. Isa rin kasi siya sa mga producer ng record label na ito. Uwaaa! Kinikilig tuloy ako. Akala ko ay hindi na niya ako ipaglalaban ngunit nagkamali ako. "Please don't go. You're in! You've passed this audition," saad ni Tyrone. Kilig much na sana ako sa puntong iyon kaya lang ay kumontra na naman itong si Ms. Deth. "No way! She's out. Absolutely out!" bigkas ng bruha. "Why don't we give her a chance?" depensa ni Tyrone. "A chance for what?!" nang-iinis na sambit ni Ms. Deth. "She has a beautiful voice that we're looking for. I know that we'll need someone like her. Believe me, guys! One day, you'll see what I mean," sagot ni Tyrone. "You're stupid!" sabi na lang ni Ms. Deth kay Tyrone. Nanatili lang akong nakatayo nang mga sandaling iyon. Hindi ko magawang gumalaw dahil sa katakot-takot na eksenang aking nasisilayan. Bukod pa roon ay sobrang talim ng pagkakatitig sa akin ni Ms. Deth. Parang anumang sandali ay maaari niya akong lapain nang buhay kapag gumawa ako ng mga bagay na hindi niya ikatutuwa. "Sige, para maging malinaw ang lahat, why don't we vote about this, guys? I know that most of us believe in me," kampanteng sinabi ng bruha sa mga judge which is Boss Mark, the owner of FlyHigh Records with the other three producers of the company. Pumayag naman ang panel of judges sa naging suhestiyon ni Ms. Deth. Ugh! Kinakabahan tuloy ako sa kung anuman ang magiging resulta. Sa tono kasi ng pananalita ni Ms. Deth ay parang nakasisiguro siyang hindi ako makakapasok. Sana lang ay makakuha ako ng at least three votes para siguradong pasok ako sa audition na ito. Kyaaa! "Of course, it's a no for me!" sabi ni Ms. Deth pagkaraan ng ilang sandali. Well, expected ko nang iyon ang isasagot niya. Bruha siya! "It's a yes for me!" natutuwang sabi naman ni Tyrone. Enebe! Ang prince charming ko talagang ito, sobrang bait. Hahaha! "It's also a yes for me," sabi ni Ms. Joyce. Yahoo! Isang yes na lang at pihadong pasok na ako. "Sorry, but it's a no for me," sabi ni Mr. David. Jusmiyo! Itong si Boss Mark na lang ang pag-asa ko. Utang na loob, sana ay yes ang vote niya para sa akin. Please! "Sunshine Nabayot, my vote is..." ADVENTURE'S ADDENDUM: Ang sarap pala sa feeling na ipagtanggol ka ng crush mo, 'no? Uwaaa! Emegesh! Sana makapasa talaga ako sa audition na ito. Dahil kung hindi, ipapa-boogie wonderland ko itong si Eson, ang author nitong walang kakwenta-kwentang istoryang ito. Tara! Sasabay tayong mag-aksaya ng oras para basahin ang istorya ng buhay ko. [BEKSIONARY: Ipapa-boogie wonderland = Ipapabugbog]

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Possessive Boss (R18+ COMPLETED)

read
5.3M
bc

That Professor is my Husband

read
506.7K
bc

Broken Angel

read
4.5K
bc

My Godfather My husband

read
271.0K
bc

His Precious Property

read
618.7K
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M
bc

My Husband's Mistress

read
299.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook