bc

End of the Line

book_age18+
12
FOLLOW
1K
READ
others
comedy
sweet
humorous
lighthearted
kicking
like
intro-logo
Blurb

PARA sa isang ebang tulad ni Timmy, bukod sa kaniyang pamilya ay ang kaniyang buhok ang pinaka-importanteng bagay sa mundo. Kayamanan ito para sa kaniya. Sa kaniyang pananaw ay ito ang sukatan ng pagiging pino, mabini at magandang dalaga na bibihag sa puso ng mga kalalakihan. That was the iconic idea that nourished to her young mind. Nagbago lang ang konseptong iyon nang sa batang edad din ay natuto na kaagad ang sariwa niyang puso na magmahal sa binatilyong lalaki na si Roscoe Samaniego— a boy who was seriously dignified to his own belief and opinion—who also happen has a estranged feeling towards girl. Sa kabila ng pagiging ilag at suplado nito sa mga babae ay hindi iyon naging hadlang kay Timmy upang gustuhin at pasukin ang tila bagyo nitong mundo. Patuloy niya lang itong nilalapitan pero patuloy lang din siya nitong iniiwasan at ipinagtatabuyan. Imbis na sumuko ay mas naging agresibo pa nga siya na mapansin nito at maging kaibigan. Umabot pa sa puntong nagawa niyang gupitan ang sariling buhok at magpanggap na isang lesbian matanggap lamang siya ng binatilyo bilang kaibigan.

Tunay na kapag ang nararamdaman ang nagpasiya, bubulaga na lang talaga kay Timmy ang mga bagay na kaya niyang isakripisyo para sa lalaking lihim na minamahal. Gayunman, hanggang kailan ang pagsasakripisyo at pagpapanggap na magagawa ni Timmy kung ang tunay na pagkatao niya ang nakasalalay? May tiyansa pa kayang tuldukan ang linya ng mga kasinungalingan o patuloy na lamang magpa-agos mula rito.

chap-preview
Free preview
Prologue
HAWAK ang kahon na naglalaman ng mamahaling laruan ay nagtungo ang labing-apat na gulang na si Timmy sa likod bahay at naglakad palapit sa basurahan. Doon ay itinapon niya ang kahon sa malaking drum ang mga laruan nang walang pagdadalawang isip. Pikit man ang isang mata dahil naroon ang kaniyang paboritong barbie doll ay hindi napigilan niyon ang desisyong itapon ang mga ito. "Goodbye, Dolly, you will be forever in my heart," sumisigok niyang paalam sa paboritong laruan. Mabigat ang mga paang bumalik siya papasok sa kanilang bahay at saka dumeretsong kwarto. Pagkatapos ay kinuha ang gunting sa kabinet at humarap sa salamin. Pinagmasdan niya ang kaniyang repleksyon roon. Umangat ang kamay upang sa huling pagkakataon ay madama ang itim na itim, malambot at mahaba niyang buhok. She heaved a big sigh. Kung kanina ay ayos lang na itapon ang kaniyang mga laruan pero ngayon ay parang gusto na niya yatang umatras. "You can do this, Timmy. You want to be friends with that boy, right? Then you should do this.” Isa pa'ng maingay na buntong-hininga ay sa wakas nagawa niyang i-maniobra ang gunting na hawak. Kitang-kita niya sa harapan ng salamin kung paano ang kaniyang pinakamamahal na buhok ay unti-unting nalaglag sa kaniyang balikat. Kahit iniisip niya ang nakabanban na sermon mula sa kaniyang ina ay ipinagpatuloy pa rin niya ang paggupit hanggang sa umabot iyon sa kaniyang ilalim na tainga. Nang makuntento ay pinakatitigan niya ulit ang sarili sa salamin. She felt sad a liitle bit cause she might end up reprimanding by her mom but it's okay. Tutubo pa rin naman iyon, soon. She took a bathed and dressed like a real boy. May cap pa siyang suot na kinuha mula sa bunso niyang kapatid na lalaki. Swerte siya dahil nagkasya iyon sa ulo niya. Pati ang kaniyang short at shirt ay mula naman sa panganay niyang kuya. "Tim Tim, mag-meryenda ka muna—ay anak ng butanding ka'ng bata ka!” hilakbot ng Yaya Lena niya nang makita ang kaniyang itsura pagpasok nito ng kwarto. Nanlalaki ang mga mata nito habang sapo ang dibdib. “Santa Maria Bukan! Papatayin ako ng Mommy mo sa pinaggagagawa mo'ng bata ka!" "Sorry Yaya Lena, but I have to go outside. Later mo na lang ako pagalitan. Saglit lang naman ako!” Hindi niya pinansin ang sinabi ni Yaya Lena at tumakbo na nga palabas bago pa siya nito isumbong sa kaniyang ina. Sa Bellefonte Village kung saan sila nakatira ay mayroong malaking court. Dito madalas naglalaro ang mga batang ka-edaran niya. Madalas din na tambayan ng mga nasa adulthood at gurang na nag-e-ehersisyo sa hapon at umaga. Tipikal na basketball ang laro ng mga binata dito, volleyball naman ang sa mga dalagita. And that was happening right now. Mga grupo ng mga early teenager na kagaya niya ang mga naroroon at nagsisigawan para i-cheer ang mga lalaking kabataan na kasalukuyang naglalaro sa court. Umakyat siya sa ikatlong row ng bleachers at doon ay tahimik na nanood. Partikular ang kaniyang mata sa binatilyong dahilan kung bakit itinapon ni Dolly at ginupit ang kaniyang buhok. Si Roscoe Samaniego—ay kinse pa lang pero kahanay na ang bulto nito sa mga edad disi-otso nitong mga ka-grupo. Ito ang unang lalaki na kaniyang nakilala nang lumipat sila dito sa Bellefonte three years ago. Noong una ay pasulyap-sulyap lang siya rito kapag nakakasabay sa ito sa school hanggang sa kalaunan ay nagkaroon na siya ng lakas ng loob na i-level up ang distansya niya rito. Gusto niyang maging kaibigan ang binatilyo. Matangkad at kulay krema ang balat nito. Pinoy na pinoy ang dating sa mataas nitong tindig. Hindi naman ang rason kung bakit niya ito nagustuhan kundi ang pagiging simple pero suplado nitong asta. Samahan pa na natural itong matalino at masipag pagdating sa akademik at curricular activities. Nakakadagdag atraksiyon iyon para sa kaniya. Gagawin niya lahat para maging kaibigan ito kahit pa nga lagi siya nitong pinagtutulakan dahil sa ayaw siya nito. He dislikes her not for being Timmy but because of hideous reason—dahil isa siyang babae. Kaya naman heto at nagbihis lalaki na siya. Kung paano umaktong lalaki, iisipin na lamang niya sa mga susunod pa'ng mga araw. Natapos ang game nila Roscoe na ang grupo nito ang panalo. Nagwala ang mga kababaihan sa mga upuan dahil sa tuwa. May mga babaeng nagtangka na lumapit kay Roscoe pero hindi iyon binigyan pansin ng binatilyo sa halip ay inabala ang sarili sa pagpunas ng pawis sa leeg at pag-inom ng tubig. Tinabig pa nito ang babaeng nagtangkang humawak sa braso nito. "Gusto mo'ng masuntok sa mukha? Hawakan mo pa ako at kakalimutan ko'ng babae ka. Umalis ka nga!” Nang makalapit si Timmy ay nadinig niya ang sinabing iyon ni Roscoe sa dalagitang sumubok humawak sa huli. Umiiyak na lumayo ang pobreng babae. Napaatras pa nga siya dahil nakadama siya ng takot at baka itaboy din siya nito kahit pa mukha na siyang lalaki sa kanyang ayos. Ang mga nakarinig sa sinabing iyon ni Roscoe ay nagkusa nang umalis sa landas ng binata. Marahil ang mga iyon ay natakot rin sa inasta nito. At dahil lumuwag ang espasyo sa pagitan niya at ni Roscoe ay mas madali siya nitong napansin. Gulat ang naging pangunahing reaksyon ni Roscoe nang makita siya. "Timmy?” Hindi siguradong tukoy nito sa pangalan niya. “Y-Yes." Tipid siyang ngumiti, alanganin pa nga kung ngiti iyon o ngiwi. Medyo nahihiya siya sa ayos niya ngayon. Kung sabagay, ginusto naman niya ito kaya dapat panindigan na niya. “Bakit ganiyan ang ayos mo?” Nakakunot ang noo nitong pinasadahan ang bago niyang itsura. “G-Gusto ko lang,” sagot naman niya, kabado pa rin. Tumango-tango ito pero hindi pa rin kumbinsido base sa pagkakakunot ng noo nito. “Ginupit mo pa ang buhok mo. Wala talaga kayong magawang mga babae sa buhay." Isinara nito ang zipper ng duffle bag at saka nagsimulang naglakad palabas ng court. Sinundan niya ito. Tahimik lamang siyang nakasunod dito nang biglang huminto ito ang dahilan upang maumpog siya likuran nito. "Aray!" daing niya sabay sapo sa ilong. Ngunit napagtanto niya agad na ang unang sangkap sa pagiging tunay na lalaki ay ang pagiging malakas at matapang. "H-Hindi pala masakit. Sige lakad ka na ulit." Humarap si Roscoe sa kaniya na nakasimangot. "Anong trip 'yan, Timmy?” tanong nito na tila nagpapasensya kahit pa naiistorbo na sa ginagawa niya. "Sinusundan mo 'ko? Para ano?” "Sinabi ko na sa'yo noon kung anong gusto ko, 'di ba?" maliit ang tinig niyang ani saka nagyuko ng mukha. Given na nahihiya talaga siya. Hindi naman kasi ito ang unang nagpumilit siyang makipagkaibigan dito, actually, nitong nakaraang linggo lang sa school na pinapasukan nila ay ginawa niya rin ito. "At sinabi ko na rin sayong ayoko, 'di ba?" Ipinantay nito ang mukha sa kanyang harapan dahilan para mapapikit siya. "Malinaw 'yon, hindi ka naman siguro bingi at makakalimutin?" Napa-angat siya ng mukha. "Why? Hindi pa rin ba ako mukhang lalaki para sa'yo?" nagdadamdam ang kaniyang loob. Although, hindi niya ito masisisi kasi ang creepy nga naman ng pagsunod-sunod niya sa lalaki. Pero wala man lang benefit of the doubt na baka maging good influence friend naman siya? Bakit ang bilis nitong tumanggi sa alok niyang pakikipagkaibigan? Isn't enough na sinakripisyo niya si Dolly pati na ang pinakamamahal niyang buhok? At higit sa lahat, bakit ba kasi pinanganak siyang babae? Nagulat siya nang biglang ngumisi si Roscoe na tila may napagtanto sa sarili. "Ah, kaya pala ganiyan ang itsura mo. Gusto mo na namang ipilit ang alam mo'ng hindi naman talaga pwede." "Bakit kasi hindi pwede? Kaya ko rin naman kumilos bilang lalaki. Kaya ko ring gawin ang mga ginagawa ninyo!" She almost shouted due to annoyance. Umiling-iling si Roscoe na tila naaasar na sa presensya niya. "Tandaan mo ang sasabihin ko para hindi ka na nangungulit pa. Kahit ilang beses ka pa'ng magpagupit ng buhok, ayoko pa rin sayo. Magsuot ka man ng damit panlalaki, ayoko pa rin sayo. Dahil isa ka'ng babae at mananatili ka'ng ganoon. Hindi iyon magbabago, Timmy." Tinalikuran na siya nito pagkatapos magsalita ng masasakit. Subalit talaga namang matigas ang bungo niya at hindi siya basta mananahimik na lang hangga't hindi ito mapapapayag kaya muli niya itong sinundan sa paglalakad. Nakarating na sila sa bahay nito ay hindi pa rin niya ito tinantanan. "Umuwi ka na. Gabi na at delikado na para sa babaeng mahina na tulad mo," suplado nitong taboy sa kanya. Hinarangan din nito ang mukha niya gamit ang palad nito nang tangkain niyang lumagpas sa gate. Napanguso siya. "Hindi ako mahina. Nagawa ko ngang itapon si Dolly sa basurahan kahit na paborito ko'ng laruan iyon. Nagawa ko ring gupitin ang buhok ko kahit na alam ko'ng papagalitan ako ni Mommy. 'Di ba pagiging matapang 'yon?” Natigilan ito saglit at saka napakurap. "Tss, 'di lang babae, isip bata rin pala," bulong nito sa sarili. "Ano ba'ng problema mo sa mga babae? Kung makapagsalita parang wala ka'ng nanay! Ano naman sa'yo kung babae ako? Gusto ko lang naman makipagkaibigan! Bakit ba ang hirap-hirap para sayong tanggapin 'yon?" napipikang asik niya. Hindi na siya nakapagtimpi pa. Gumalaw ang panga ni Roscoe. Nakita niya kung paano nito kinuyom ang dalawang palad. Napalunok siya at nakadama ng takot sa pangalawang pagkakataon. Nag-iba kasi ang awra nito. "May sasabihin ka pa? Kung wala na, umalis ka na." Malamig ang tingin nitong isinara ang gate at pumasok sa loob. Naiwan siyang nasa labas ng bahay nito. Nang ma-realized ang mga sinabi ay pinukpok niya ang sariling ulo. "You're crazy, Timmy. Nagalit ko yata si Roscoe. What should I do now?" Imbis na ma-discouraged sa kapalpakan at umuwi na lang ay mas tumindi ang kagustuhan niyang mapapayag ang binatilyo sa kaniyang gusto. Masigasig niyang inakyat ang gate nila Roscoe kahit pa magkandasabit-sabit ang maluwag niyang short sa matulis na parte ng harang. Matagumpay naman siyang nakababa pagkatapos ng matinding hirap. Paglapit niya sa malaking pinto ay may marinig siyang kakaibang ingay, tila nababasag na mga gamit. "Magnanakaw!" Nagulantang siya sa pagsigaw na iyon mula sa loob. May magnanakaw na nakapasok kina Roscoe? At nasa loob iyon ngayon! Mabilis siyang pumasok sa loob at maingat na nagtago sa bawat sulok ng mansiyon. Madilim ang buong kabahayan at ito ang unang pagkakataon na nakapasok siya rito kaya hindi niya gamay ang paligid. Naaninag niya ang hagdan at saka inakyat iyon. Sinusundan ng subconcious niya ang ingay na nililikha nang mumunting ungol sa kung saan. Sa isang kwarto iyon nagmumula. Animo'y isa siyang pulis na pumwesto sa likuran ng pintuan, inilapit niya ang tainga roon. Positibo siyang nasa loob si Roscoe dahil mas lumakas ang ungol. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at doon ay nasaksihan niya kung paano sinasakal ng isang lalaking naka-bonnet ang kawawang si Roscoe sa sahig. Nakatalikod ang magnanakaw sa direksyon niya kung kaya't hindi napapansin ang kaniyang pagpasok nang palihim. Ang lakas-lakas ng t***k ng puso niya pero pilit niya iyong nilalabanan. Dumako ang tingin ni Roscoe sa kaniya habang nanlalaban sa magnanakaw. Gumagalaw ang labi nito na tila may sinasabj sa kanya. She frightened and got frozen. "P-please, h-help me. . ." nangangapos ang hiningang saad ni Roscoe na nakadirekta mismo sa kaniya. May kung anong espiritu ng tapang ang sumapi sa kaniya bigla. Umusbong ang kagustuhan niyang protektahan ang binatilyo. Nahagip niya ang vase sa tabi niya at kinuha iyon. Walang ano-ano ay sinugod niya ang magnanakaw at hinampas ang ulo gamit ang hawak na babasaging vase. Sa lakas ng impact nang pagpalo niya ay nabasag iyon. Nakuha pa'ng makalingon ng lalaking magnanakaw pero saglit lamang ay tumumba na rin ito. Natulos siya sa kinatatayuan. Sunod-sunod na tunog ng pag-ubo ang nagpabalik sa kaniya sa ulirat. Galing iyon kay Roscoe habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya. Nang makahuma ang loob sa nangyari ay tinaasan niya ang binatilyo ng nagmamalaking kilay. "Sino ngayon ang mahina? Sinabi ko naman sa'yo, matapang ako." Hirap na tumayo ang lalaki bago sinulyapan ang magnanakaw na kasalukuyang nakabulagta sa sahig. "S-Salamat. . ." mahina nitong usal. Nahihiya itong tumingin pa sa kaniya. "Welcome," malapad ang ngiti niyang tugon. Mabuti at marunong itong magpasalamat. Tila naman biglang may naalala si Roscoe kapagkuwan ay tarantang nagtungo sa banyo. Kuryuso niya itong sinundan. "Pa! Pa! Pa! Mabuti at ayos ka lang!" puno ng pag-aalalang turan ni Roscoe sa kaniyang ama na yaong naka-upo sa bathtub. Tulala ang ama nito habang nanginginig sa takot. "Pa, ayos na. Wala na 'yong bad guy. Hindi ka na nila masasaktan." Natulala si Timmy sa eksenang iyon. Lalo na sa parte kung paano aluin ni Roscoe ang ama nito. Mas tumibay ang atraskyon nararamdaman niya. Malayong-malayo sa supladong lalaki na laging nagmamalaki. Ngayon ang nakikita niya ay isang anak na punong-puno nang pagmamahal at pag-aalaga para sa ama. Lahat ng taga-Bellfonte ay alam na may sakit ang ama nito. Kaya hindi na rin bago kay Timmy na makitang ganito ang ama ni Roscoe. Matapos mapakalma at mapatulog ni Roscoe si Sir Dimitri na ama nito ay dumating na rin ang mobile ng pulisya upang dakpin ang lalaking magnanakaw. Sa sala ay doon sila parehong nakaupo ni Roscoe, nakatitig ito sa kaniya nang mataman. "Gusto mo nang maiinom?" biglang tanong nito sa kaniya. Umiling siya. "H-Hindi na. Kailangan ko na rin kasing umuwi, eh. Baka hinahanap na ako sa amin." Tumango ito. Lihim siyang nadismaya nang hindi man lang ito nag-insist na manatili pa siya kahit sandali. Napanguso siya. "Sige na, baka lalo kang gabihin." Umahon na ito sa kinauupuan. "Ihahatid na kita sa inyo." "H-Huh?" "Ang bingi mo talaga. Ang sabi ko, ihahatid na kita pauwi. Ayokong babagal-bagal at baka magbago pa ang isip ko." Ismid nito sa kaniya. "Eh, sino magbabantay sa papa mo?" "Dumating na iyong nakaduty na guard kaya may bantay na dito sa mansiyon," anito sabay lakad palabas ng pinto. Nataranta siyang tumayo at humabol sa binata. Sinabayan niya ito sa paglalakad. Pasulyap-sulyap siya rito. Nakasuksok ang dalawang kamay nito sa bulsa habang nakatingin sa daan. Wala namang nagsasalita pero para siyang mabibingi sa lakas ng t***k ng kaniyang puso. Hindi niya nais matapos ang sandaling iyon pero may hangganan ang lahat nang marating nila ang kaniyang bahay. "Maraming salamat sa paghatid." Yumuko siya bilang pasasalamat. She was so happy right now. Kahit ito lang ay sapat na kaniya, hindi man siya nito tanggapin bilang kaibigan. She would definitely treasure this moment. Kaunting tango lang ang tugon ni Roscoe sa kaniya at saka iminuwestra ang kamay nito sa gate nila signos na pinapapasok na siya sa loob. "Papasok na ako," aniya rito. Tatalikod na sana siya nang tawagin siya nito. "M-May sasabihin ka pa ba?" Lumihis ang tingin nito patungo sa sahig at saka hinimas ang batok. "P-Pumapayag na ako." Napakunot noo siya. "Sa alin?" Hirap na hirap itong napalunok. "S-Sa gusto mo. I-Iyong. . .alam mo na 'yon." Naibuka niya ang bibig nang malinawan sa ibig nitong sabihin. "Totoo ba? Payag ka na maging kaibigan ako?" Parang gusto niyang tumalon sa tuwa. "Only in one condition," anito kapagkuwan. "Ano 'yon, Roscoe?" Her eyes were sparkling at the moment. Kahit ano pa'ng kondisyon nito ay alam niya sa sariling gagawin at gagawin niya. "Stay like that." "Stay like what?" "Prove to me that you can be a boy in any way, Timmy. . ." Pinakatitigan nito ang kanyang mukha na parang tinatantiya ang kundisyong ilalapag. "So, I can be your friend for as long as you want." He tapped her shoulder before he finally left.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.9K
bc

His Obsession

read
74.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
96.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook