Chapter 12

1907 Words

••• C H A P T E R [ 12 ] Aika Mendez NAGISING ako sa mahimbing na pagkakatulog nang maramdaman kong hindi na umaandar ang sasakyan namin ni Tyler. Nilingon ko ang driver seat nguni't wala na siya ro'n. Nagulat ako nang biglang may kumatok sa bintana ko at isang lalaki na naka-uniporme ang naghihintay upang pag buksan ko siya ng pinto. Tauhan ata ito ni Tyler. Binuksan ko ang pinto at lumabas ng sasakyan. "Hello po, Ma'am. Sumunod na raw po kayo kay Sir Tyler sa loob," wika niya. "Sige, maraming salamat at pasensya na sa pag-iintay." Inikot ko ang mata ko sa buong paligid at do'n ko lang napagtanto na nandito na kami sa mansiyon nila. Hindi dumiretso si Tyler sa condo. Siguro dahil na rin kaarawan ni Kyzer bukas baka dito na kami tutuloy buong gabi. Agad naman akong nabuhayan ng loob

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD