•••
C H A P T E R [ 3 ]
Aika Mendez
RAMDAM na ramdam ko ang pagod habang tinatahak ko ang condo ni Tyler. Gusto ko na mahiga at magpahinga nguni't naalala ko na kailangan ko pang maghanda ng pagkain para sa hapunan naming dalawa.
Kinuha ko ang susi sa aking bag at akmang bubuksan ang pintuan nguni't nang pihitin ko na ang door knob ay bukas na ito. Nangunot ang noo ko. Sino ang tao sa loob? Ang pagkakaalam ko ay nauna akong umuwi kay Tyler dahil marami pa siyang ginagawa sa opisina.
Dahan-dahan akong pumasok sa loob at tumungo sa living room. When I saw two people sitting on the couch. Napansin ata nila ang pagdating ko kaya agad silang tumayo sa sofa. Lumapit sila sa kinatatayuan ko at agad akong niyakap.
"Aika, you're here," bati niya sa 'kin.
"Mom? Anong ginagawa niyo rito?" hindi makapaniwalang wika ko. Nakita ko naman si Dad na kasalukuyang nakatayo sa likod ni Mom.
"We just wanted to check you. How are you? Kumusta kayo ni Tyler?" tanong niya.
How dare her to question me? Akala ba nila okay lang ako? No. I'm not fine. I will never be fine. Hindi ako okay. Nahihirapan na ako sa ganitong sitwasyon. Sa sitwasiyong gusto nila. Gusto kong mapagod pero wala akong karapatan. Kailangan kong gawin 'to para sa kapatid ko. Kailangan kong tiisin lahat ng sakit na nararanasan ko sa piling ng lalaking palagi akong sinasaktan.
"Okay lang ako, Mom. We're okay." Pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay hindi naman talaga kami maayos ni Tyler.
"Good to hear that. Ayokong mabali ang magandang relasyon natin sa mga Salvador. Malaking kawalan sila sa kumpanya lalo na pag nawala ang tiwala nila sa atin. Reminder Aika, ayoko na maulit ang katangahan mo no'n. Kung 'di ka lang kasi tatanga-tanga hindi malalaman ni Tyler na nagpapanggap kang si Maica," sambit ni Dad.
Napayuko ako dahil sa sinabi niya. Hindi na ako sumagot pa at hinayaan silang magsalita ng kung ano-ano sa harap ko. It's my fault again. Yes, kasalanan ko naman talaga lahat. Ako na ang may kasalanan kung bakit nawala si Maica at ngayon, kasalanan ko ulit kung bakit nabunyag ang sikreto ko na magpanggap bilang siya.
"Oh, she's here." Napalingon ako sa babaeng nagsalita. It's Tita Pier, Tyler's mom. Lumabas siya galing sa kitchen. Akala ko sila mom lang ang nandito.
"Hello, Tita," pilit na ngiting pagbati ko.
"Where's my son, Aika?" tanong niya
"He still working on his office nung umalis po ako. Sabi niya po sa akin mauna na akong umuwi dahil may gagawin pa raw po siya." I answered kahit wala naman talagang sinabi si Tyler na gano'n dahil never naman kaming nagsasabay sa pag-uwi.
"Oh, I see. Paki sabi na lang kay Tyler na dumaan ako rito and please come to the mansion this friday. It's Kyzer's birthday. I want you both to attend the celebration." She smiled.
Oo nga pala. Muntikan ko na makalimutan na birthday ni Kyzer and he's turning 21 this friday. And I'm glad because maraming oppurtunity na dumadating sa kaniya ngayon. I'm happy for him.
"Can we leave now? I still have a lot of things to do when I got home." Pag-aaya ni Tita Pier kay Mom and Dad.
Hindi ko alam kung bakit ganito makitungo si Tita Pier sa akin ngayon. Is it because my parents are here? Ang alam ko kasi tita Pier hates me so much. I remember the last time na nalaman nila na hindi ako si Maica. She slapped me. She cursed me to death. Nang dahil sa akin, Tyler get lost for a long time. Ilang buwan siyang hindi nagpakita because of me at ikinagalit 'yon ni tita Pier.
Hindi ko naman ginustong magpanggap bilang kapatid ko. Naipit lang ako sa sitwasyong hindi ko naman gusto mangyari. My parents want me to be Maica just to save the investment shared by their company. And as a daughter that blame for my sister's death. Wala akong magawa kundi sundin sila. Kahit alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan sa pagkamatay ng sarili kong kapatid.
"Oh, Pier, go on. Dito muna kami ng asawa ko. May pag-uusapan pa kasi kami ng anak ko. It's something private about the company. Alam mo naman na sila ang tagapagmana ng kumpanya hindi ba?" ani mom.
Ano naman kaya ang sasabihin niya sa akin? I know she was lying. She never talks about company matters lalo na pag ako ang kausap niya. So I’m confused kung ano ba ang dapat naming pag-usapan.
"Oh, sure! No problem. See you again on friday. Hoping you all be there," sambit niya at dagling kinuha ang kaniyang bag sa lamesa. "Take care of my son, Aika," wika niya muli at mahinang tinapik ang balikat ko.
Nang makaalis si Tita Pier ay nagulat na lang ako nang bigla akong sampalin ni Mom.
"M-Mom?" nangangatog na boses kong tawag sa pangalan niya. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang init at hapdi ng pagkasampal niya sa pisngi ko.
Ano nanaman bang nagawa ko at bakit niya nagawang sampalin ako? I tried to think kung may nagawa nanaman ba akong mali para gawin niya ‘yun sa 'kin pero wala akong maalala. Hindi ko namalayan na may tumulo ng luha sa mata ko. I tried to stop it pero hindi ko kaya.
"Hindi naman kita tinuruang lumandi, Aika, hindi ba?" Nangunot ang noo ko dahil sa narinig ko. Anong sinasabi niya?
"Iyan ba ang natutunan mo nang lumaki ka sa kalye, ha? You're married pero nagagawa mo 'to sa asawa mo?"
Inihagis niya ang isang folder sa harap ko at tumambad sa akin ang picture na hawak ni Kyzer ang kamay ko. This picture is taken in the company. Ito yung panahon na pinagalitan ni Kyzer ang dalawang employee. How come na nagkaroon si Mom ng mga litratong 'to? Pinapasundan niya ba ako?
"Mom, let me explain! Mali ang iniisip mo." I tried to defend myself but my Mom is full of herself.
"Stop! I don't need your explanation. Kitang-kita na sa mga litratong 'to ang kalandian mo! Pati ba naman kapatid papatulan mo? Where is your conscience? Please lang, Aika, not now! Huwag na 'wag mo kong bibigyan ng kahihiyan! Hindi pa ba sapat ang gulo na dinala mo? Alam mo kung hindi ka dumating sa buhay namin hindi tayo aabot sa puntong 'to! Hindi sana namatay si Maica! You ruin our life! Sinira mo lahat!" bulyaw niya.
I tried to smile pero hindi ko na kinaya ang sakit. Ang bigat ng nararamdaman ko. Something is penetrated inside my chest. Parang may milyong-milyong karayom ang tumutusok dito. I cried in front of them. Pero hindi nila nakikita 'yung sakit, 'yung pagdurusa na nararamdaman ko. Kung alam lang nila kung paano ako harap-harapang niloloko at binababoy ng taong mahal na mahal ko na kahit kailan hindi ako kayang mahalin. Kung alam lang nila kung paano ako sinasaktan ni Tyler, maiintindihan kaya nila ako?
Hindi ako ang manloloko. Hindi ako ang nananakit. Wala sila sa sitwasyon kung nasaan ako ngayon. They will never understand how much I drowned in pain!
Alam kong nahihirapan silang tanggapin ang pagkawala na si Maica. Sanay na ako sa masasakit na salitang ibinabato nila sa araw-araw. Lahat ng masasamang tingin na natatanggap ko. Mga bulungan na walang katapusan tungkol sa punyetang buhay ko. But this time, this is the worst. The worst words na narinig ko sa babaeng tinuring kong magulang. Nagpatuloy sa pagbagsak ang mga luha ko. Tinalikuran ko sila at dagling pumasok sa kwarto.
"Aika!" rinig kong tawag ni Dad. Pero hindi ko na ito nilingon pa at nilock ko ang pinto.
Patuloy sa pagragasa ang mga luha sa pisngi ko. Gusto ko ng matapos 'to. Gusto ko ng manahimik. Gusto ko ng mawala. Pero nangako ako sa kapatid kong aayusin ko lahat ng gusot na 'to. I will try. Susubukan kong ayusin lahat ng gulo na naiwan niya. Susubukan kong pakisamahan lahat ng taong iniwan niya para sa 'kin.
I know everything has a reason behind my sacrifices. Naniniwala ako na kaya kong maayos at mabalik ang mga bagay na nawala kay Tyler. I believed kaya ko, kaya kong i-build muli ang tiwala ng mga tinuturing kong mga magulang. Kaya kong tiisin lahat ng sakit just to prove myself that I am worth to be love. I am worth to be accepted. Hindi ko lang maintindihan ano bang meron kay Maica na wala ako? Bakit hindi nila ako kayang paniwalaan sa simpleng paliwanag?
Alam kong hindi nila nakikita ang halaga ko. Ginagawa ko lahat ng gusto nila para lang matanggap nila ako. Lalong lalo na kay Tyler. Gusto ko ipakita na kaya kong patunayan lahat para lang matanggap niya ako bilang asawa o mahalin niya ako bilang si Aika hindi Maica. Yes, I will do everything kahit na nagmumukha na akong tanga sa paningin ng iba. Gusto ko lang na tanggapin nila ako bilang pamilya at bilang ako. Sa totoo niyan, uhaw ako sa pagmamahal nila.