Chapter 1

1134 Words
Nagpasya ng bumalik ni Sofia sa Maynila. Hindi makakatulong ang pananatili niya rito sa probinsya. Magdadahilan na lang siya sa kaniyang lolo't lola para hindi na sila gaanong magtanong kung bakit babalik na siya agad doon. Kahit anong pilit niyang gawin para lamang makalimutan ang walang kwentang lalaking iyon ay balewala rin. Hindi niya pa rin makalimutan ang kaniyang ex-boyfriend. Bakit ba kasi ito pa ang minahal niya? Kung sana ay natuturuan lang ang puso. Hindi sana siya nasasaktan ngayon. Namumugto na ang mga mata niya sa walang tigil na pag-iyak sa kaniyang silid. Bakit kasi hindi niya pa rin ito makalimutan? Bakit umaasa pa rin siya na magkakabalikan pa sila nito? Nahihibang na yata siya. Hindi niya na ito dapat patawarin. Kahit pa lumuhod ito sa kaniyang harapan ay hindi siya dapat bumigay. Sinira nito ang kaniyang tiwala. Ang ex-best friend niya na ahas, ay parang walang pakealam sa nangyari. She didn't even apologize to her. Dedma lang ito sa nangyari. Akala niya kilalang-kilala niya na ang babaeng itinuring niyang kaibigan at kapatid. Hindi niya alam na hindi na pala ito ang dating Katrina na nakilala niya simula pagkabata. Madaling sabihin na move on move on din 'pag may time. Pero kahit parang sirang plaka na siya sa kakabanggit ng mga salitang iyon sa kaniyang sarili, ay nonsense lang din. Sugatan pa rin ang kaniyang puso. Bakit ba kasi ang hirap mag-move on? Napaka-gaga niya talaga. Sinasayang niya ang mga luha niya sa walang kwentang lalaking iyon. Marahas niyang pinahid ang kaniyang mga luha. Nakarating na siya ngayon sa sarili niyang condo na binili ng kaniyang mommy para sa kaniya. Malapit lamang ito sa pinapasukan niyang university. She wants to change herself for the better. Hindi para sa kaniyang ex. Kung 'di para na rin sa kaniyang sarili. Hindi rin naman siya nagmamadaling makahanap ng bagong lalaki na mamahalin. Hindi pa rin kasi talaga handa ang kaniyang puso na magmahal muli ng ganu'n kabilis. She's still mending her broken heart. Inayos niya ang kaniyang sarili at nagbihis ng magandang damit. She wants to go out tonight. Isusuot niya na rin ang binili niyang low-cut crop top at tight mini skirt na binili niya nu'ng isang araw sa mall. She wants to have some fun tonight. Alone. She was being miserable these past few days after her first ever heartbreak. It's her first time going to a bar here in BGC. She wants to have a few drinks tonight. Hindi na naman siya minor. She's already 18 years old. Nakakabinging ingay ang bumabalot sa kaniyang paligid habang mag-isa siya ngayong umiinom sa isang mamahaling bar sa Taguig. Maraming kabataan ngayon ang nagpa-party-party. Mostly, grupo-grupo ang mga ito. Naupo siya sa isang sulok at tahimik na umiinom ng vodka. "God, ang pait naman nito," bulalas niya habang pinagmamasdan ang basong may lamang alak na kaniyang hawak. Halos masuka-suka siya sa tapang ng lasa nito. Sa unang pagkakataon ay nakatikim din siya ng alak. Never pa siyang uminom. She's a good girl. Manang kung manamit. Tahimik. Mahinhin. Mahiyain. Conservative. A total promdi girl mula sa probinsya ng Batangas. Pero heto siya ngayon. Nagpapaka-ala Manila gurl...dahil nasaktan. Isang babaeng sawi sa pag-ibig na nagpapakalasing ngayon dahil pinagtaksilan ng kaniyang ex. Trinaydor ng kaniyang best friend. Hindi niya na namalayan na tumutulo na ang kaniyang luha, habang nilulunod ang sarili sa alak. Hindi niya na mabilang kung naka-ilang baso na siya ng iniinom na alak. "Kung sana pinagbigyan mo ako noon. Eh, 'di sana, hindi ko iyon hinanap sa iba." Paulit-ulit na nagri-replay ang mga katagang iyon sa kaniyang utak. Naalala niya na naman ang sinabi ng walang-hiyang lalaking iyon. At kasalanan ko pa talaga kung ba't ka nagloko? Hayop! "Miss, are you alright?" napaigtad siya ng may biglang magsalitang lalaki mula sa kaniyang likuran. She can smell his manly fragrance. Mukhang mamahalin ang pabangong gamit nito. Ang bango-bango nito. Tumango lamang siya rito bilang tugon. "I think you're not. You're crying." She looked up to see the look of concern in his beautiful brown eyes. "And you're drunk." "I-I'm okay...Hindi pa ako lasheng." She saw him smirked. Mukhang foreigner ito. Napakatangos ng ilong. Mapupungay ang mga mata. He's very handsome and very masculine. He's wearing a plain black t-shirt and semi-fitted ripped jeans. His t-shirt hugged his masculine curves. Nakakaintindi kaya ito ng Tagalog? Baka hindi nito naintindihan ang huling sinabi niya. Hilong-hilo na siya dahil sa dami ng kaniyang nainom. Para na rin siyang maduduwal. The alcohol hit her system already. Nang tumayo siya sa bar stool na kaniyang kinauupuan ay muntik na siyang matumba. Agad naman siyang inalalayan ng gwapong lalaki bago pa siya mapasubsob sa tiles na sahig. "You're a disheveled, drunken, beautiful princess," komento ng lalaki sa kaniya sabay ngiti nito. Oh, God. Napakaganda ng mga ngiti nito. Does he know me? Why does he know my name? Nanghihina siyang napahawak sa mesa. Parang hindi niya na kayang umuwi sa kaniyang condo. Napatili na lamang siya ng bigla siyang buhatin ng lalaki kanina. "Put me down please!" "You're drunk and there's a lot of guys here whose looking at you with a bad intention." "No. I'm not drunk. I said put me down!" mariin niyang sambit. "Or else, I'll scream." Napabuntong-hininga ito. "Fine." Marahan siya nitong binitawan ng makalabas na sila sa maingay na bar. Ngunit muntik na muli siyang matumba sa pagkakatayo. "Ang tigas kasi ng ulo," napailing na lang ito habang mabilis siyang inalalayan. Napanganga siya ng magsalita ito ng Tagalog. Akala niya kasi ay banyaga ito at nagbabakasyon lamang sa Pilipinas. "Marunong kang mag-Tagalog?" hindi makapaniwalang tanong niya rito. "Of course. I'm half-Filipino," he shrugged. Makalipas ang ilang minuto ay bigla na lamang may pumasok na ideya sa kaniyang isipan. A very crazy idea. She's really out of her mind. "Ahmm...C-Can you...," she said stuttering. Kinakabahan siya. "...sleep with me?" mahinang sambit niya. Na para bang siya lamang ang nakarinig noon. Napakunot ang noo nito. "Can I what?" he asked confused. His eyes narrowed. Hindi niya masabi ng diretso ang gusto niyang sabihin rito. Kaya naman mas lumapit pa siya ng kaunti rito. Dahil sa tama ng alak ay biglang lumakas ang kaniyang loob. Sinaniban yata siya ng espiritu ng alak. You can do it, Sofia! She cheered herself. She gathered all her confidence to tell him straight about what she wants. Bumulong siya rito. She saw him cleared his throat. Napakunot ang noo nito habang matiim na nakatingin ito sa kaniya. Parang hindi ito makapaniwala sa kaniyang sinabi. Nawala na siya sa tamang pag-iisip dahil sa dami ng nainom na alak. At dahil walang laman ang isipan niya ngayon kung 'di ang paghigantihan ang taksil niyang ex at ang ahas niyang kaibigan. "I'm sorry, Miss. You asked the wrong person. I'm not up for that," seryoso nitong tugon.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD