Napahawak na lang ako sa bibig ko nang makita ko si Mama na naghihintay. Tears welled down my cheeks. She hugged me so tight. Tila ba nawala lahat ng pangamba sa dibdib ko nang makita ko ang isa sa mga pinakamahalagang tao sa buhay ko. Ayoko munang isipin ang tungkol sa dahilan kung bakit ako nabuhay. Pero ito na rin pala ang oras para malaman ko ang lahat. "Anak, sorry for everything. Alam namin na buhay ka. Kami ang nagtago sa'yo sa Paris. Pati na rin si Melo. Pinalabas lang namin na patay na kayong dalawa para hindi na kayo hulihin pa ng kung sinong masamang tao na 'yon. Ngunit nahuli pa din kami. I'm so sorry, anak." Mama said. She's crying and it was breaking my heart. "Hindi po, Mama. Okay lang po. I understand. Ginawa ninyo lang po ninyo 'yon para protektahan kami." Ngumiti ako sa