Kinabukasan, kumatok si Sweetie sa kwarto ni Lee ngunit nakita siya ni Ace na saktong lumabas sa kanyang kwarto. "Wala na yung kaibigan mo, umalis na siya kanina pa," wika ni Ace habang nasa tapat ito ng kanyang kwarto. He looked fresh sa kanyag suot na puting sando at sa buhok nito na humaba na hanggang balikat. Pagkatapos sabihin iyon ni Ace ay lumakad na ito palayo kay Sweetie na para bang wala siyang pakialam. Naisip lamang nitong sabihan si Sweetie na wala ng tao doon. Huminga na lamang ng malalim si Sweetie dahil nagpagtanto nito na masama ang loob ng mga kaibigan niya sa kanya. Sakto naman nang bumaba na rin si Sweetie sa first floor ng mansyon ay naroon na naman ang lahat. Napatingin ang iba sa kanyang pagbaba ngunit hindi man lang siya naisipang batiin ng mga ito. Nahiya si