Kabanata 1
"Ang ganda-ganda naman ng batang ito! Naku akalain mo nagmana ka talaga sa akin! Sexy na, ma beauty pa! Hahahah"
Hindi napigil ni Lara ang mapatawa sa sinabi ng tiyahin habang inaayos nito ang suot nyang simple at makulay na dress.
Lara:
"Syempre ikaw ba naman nagtahi nito Tiyang. Pinagpuyatan nyo pa po ito, papahiramin naman ako ni Sione eh."
"Hayy magtigil ka nga Laureta. Espesyal ang gabi na ito. Gusto ko espesyal din suot mo hindi yung puro nalang hiram o pinaglumaan." ismid ni Tiyang Vina.
Ngumiti si Lara at niyakap ito. Kaya mahal na mahal nya ang tiyahin, kasangga nya ito sa lahat ng bagay at palaging kapakanan nya ang iniisip.
Tiya Vina:
"Ayy bata ka. Wag kana mag-emote jan. Tapusin na natin yang buhok mo."
Saktong matapos ayusin ang buhok ni Lara, pumarada ang isang sasakyan sa tapat ng tarangkahan.
"Si Cave, nandiyan na po!" nerbiyos nyang silip sa bintana.
Tiya Vina:
"Malamang mag alas syete na eh. Teka kinakabahan ka ba Lara?"
Lara:
"Eh Tiyang kasi ngayon nya lang ako makikitang nakasuot ng ganito. May make up pa. Nahihiya po ako, bagay po ba?"
"Anong nakakahiya, ang ganda-ganda mo kaya! Manipis lang naman yang make-up mo eh. Bagay sayo. Sige na. Sige na labas na!"
Alanganing kinuha ni Lara at isinukbit sa balikat ang cute na shoulder bag, bigay ni Sione nuong nagdaang kaarawan nya.
Tinitigan pa nya muli ang sarili sa salamin bago naglakad palabas kasunod ng tiyahin.
Isang nakangiting Cave ang nakatayo sa labas ng gate. Gwapong-gwapo sa suot nitong black tuxedo at naka-gel pataas ang buhok.
"Sheeet, ang gwapo mo talaga." impit ang kilig na turan ng isip ni Lara.
Pinilit nya ang sarili na huwag mapatitig sa mukha ng kaibigan bagaman halatang kabado sya.
"Ang ganda mo naman." masuyong wika nito at binuksan ang pinto ng sasakyan para sa kanya.
"Tsee! Maganda ka dyan." kunwari ay simangot nyang sagot kahit kinikilig.
Cave:
"Ayaw mo ba? Gusto mo sabihin ko hindi ka maganda?"
Lara:
"Pang-iinis lang naman yang komento mo noh!"
"Oh, oh. Hindi na kayo nagbago panay parin bangayan." singit ni Tiya Vina.
Inirapan ni Lara ang kaibigan na sinagot nito ng mahinang halakhak at naupo na sa harap ng manibela.
"Lara, hanggang 11pm lang ang paalam ko sa Mama mo ha. Cave anak ikaw na bahala maghatid kay Lara pauwi rito. Enjoyin nyo ang gabi na ito pero hindi ibig sabihin mag-iinuman kayo ha? Naiintindihan ba!" mahabang bilin ni Tiya Vina sa dalawa.
"Opo Tiyang. Hindi po kami iinom. Mauuna na po kami." magalang naman nilang sagot.
"Goodnight Tiyang. Salamat!" nakangiting kaway ni Lara.
Nang mawala sa paningin ang sasakyan, saka pumasok sa loob ng bahay ang matanda.
Naabutan nya si Amanda sa kusina na naghahanda ng makakain. Nagpapahinga kasi ito galing sa tatlong araw na out of town para sa trabaho.
Tiya Vina:
"Kanina ka pa ba gising? Pinaalis mo pa talaga muna yung anak mo saka ka lumabas ng kwarto."
Amanda:
"Ate inaantok pa ako. Bumangon lang ako kasi nagutom ako bigla. Pwede ba huwag mo muna ako sermunan."
"Sinasabihan lang kita. Hmmp. Ewan ko sayo. Init ng dugo mo sa bata, wala naman ginagawa sayo."
Hindi sumagot si Amanda at tiningnan lang ang kapatid. Naiinis namang tumalikod na lamang si Tiya Vina at nagpasyang magpahinga na rin.
......
"Anong tinitignan mo sa bintana, madilim naman." tanong ni Cave kay Lara.
Kanina pa kasi ito nakasilip na animo may pinapanuod sa labas samantalang madilim at walang makita.
Lara:
"Ayan ka na naman eh. Nirerelax ko lang ang sarili ko. Hindi ako naka-attend nung Junior Prom kaya medyo kinakabahan ako kung anong meron ngayon."
Cave:
"Kasama mo naman ako. Ako din ang partner mo. Bakit ka kakabahan."
Bahagyang namula ang mga pisngi ni Lara sa sinabi nito. Si Cave ang first crush nya, at wala syang ibang gustong makapareha ngayong gabi.
Kaya naman nagsusumigaw sya sa kilig ng i-text sya nito at sabihing sya rin ang gusto nitong partner.
Cave:
"Oyy, nanahimik ka na naman. Naiinis ka ba sakin?"
Lara:
"Hindi ah."
Cave:
"Eh bakit hindi ka masyadong nagsasalita. Hindi mo ba gusto na pinili kitang maging partner?"
"Ha? Anong hindi gusto! Kung alam mo lang kung gaano ako kinikilig!" tugon ng isip ni Lara.
Pero "Pinilit mo ako eh." ang pabirong isinagot nya.
Natawa si Cave at sinabihan syang magrelax. Tahimik na lamang itong nagmaneho at hinayaan si Lara na seryoso hanggang sa makarating sila sa Campus.
Ang daming ilaw, mga bulaklak na palamuti, nakahilerang mga upuan at kung ano-ano pa. Sa picture nya lang kasi nakita ang Junior Prom nakaraang taon.
Hindi sya naka-attend dahil hindi sya pinayagan ng Mama nya. Ngayong Senior na sya, mabuti na lamang at hindi ito kumontra sa pagdalo nya. Peeo na te-tense sya at hindi komportable.
"Hi guys!!! Wow Lara your so lovely!" bati ni Sione at niyakap sya nito.
"Thank You. Ikaw din ang ganda-ganda ng gown mo." nakangiti nyang sagot.
Sione:
"Pinili ko talaga ito kasi ang ganda. Pinadala to ni Tita."
Kaya pala napakagara ng gown ni Sione, padala pala ng tiyahin na nasa Australia. Halatang mamahalin.
Bumaling ito kay Cave at nagulat sila ng humalik bigla sa pisngi ng binata.
"Mas lalo ka gumwapo sa suot mo." malambing nitong biro.
Napabaling ng tingin sa iba si Lara upang mabawasan ang pagkailang. Mabuti na lamang at lumapit ang isang barkada ni Cave at katuwaang hinila ito patungo sa ibang kasama.
Naiwan sa mesa ang dalawang dalaga ngunit hindi na komportable si Lara. Hindi nya alam kung nanadya si Sione, pero alam kasi nito na gusto nya si Cave. Isa pa, mag boyfriend na si Sione. Si Jerico, na syang partner din nito.
"Hoyy, nakatulala ka riyan. Nagugutom ka ba? Kain tayo?" untag nito maya-maya.
Lara:
"K-kumain naman na ako sa bahay. Gusto mo bang ikuha kita?"
Sione:
"No. Katatapos lang namin nina Marga kanina bago kayo dumating. Sinundo ka pala ni Cave. Kayo na ba?"
"H-ha? Ano yon?" gulat na balik tanong ni Lara.
"Sabi ko kayo na ba ni Cave. Boyfriend mo na ba sya?" ulit ni Sione.
Umiling si Lara at humalukipkip.
"Sinundo nya ako dahil sya ang parter ko ngayon. Hindi rin kami dahil crush ko nga sya, pero bata pa kami para magligaw-ligaw." litanya nya rito.
Sione:
"Teka...naiinis ka ba sakin? Hahhah nagseselos ka ba sa pag kiss ko sa pisngi nya? My gosh Lara, walang malisya yun!"
Lara:
"Wala akong sinabing nagseselos ako. Ang lakas ng boses mo baka marinig ka ni Cave nakakahiya!"
Naputol ang usapan nila ng sa wakas ay dumating si Jerico. Tuwang-tuwa si Sione at nawala na ang atensyon nito kay Lara na mas kinatuwa din naman ng dalaga.
Maya-maya pa bumalik na sa mesa si Cave at hinila ang upuan palapit sa kanya. Habang parang linta si Sione sa boyfriend at nakakapit palagi.
"Okay ka lang?" nakangiti tanong ni Cave.
Sinagot nya ito ng tango at saka ngumiti. Maayos na umikot ang programa hanggang sa Cotillion. Kumain din sila ng sabay-sabay at kinalimutan na ni Lara ang ginawa ni Sione.
Tuwang-tuwa silang magkaka-klase at nag-enjoy. Nagsasayawan sa dance floor, kanya-kanyang indak sa mga saliw ng nakakatuwang tugtugin.
Hindi lumayo sa tabi ni Lara si Cave at kahit pa nakikita ng mga kasama, hindi nya itinago ang pagiging sweet at caring kay Lara.
Ng gabing iyon, itinanghal na King and Queen of the Night ang magkasintahang Sione at Jerico. Parehong friendly at jolly ang dalawa kaya sikat sila sa buong Campus. Bukod pa sa talagang maganda si Sione, magaling namang dancer si Jerico.
Umakyat si Sione sa stage at lalong kuminang ang aking kagandahan sa magarang suot at mamahaling mga alahas. Ang Campus na iyon ay ekslusibo at mamahalin, kaya ang mga estudyante ay anak mayaman.
Isa si Lara sa mga masipag at matalinong estudyante kaya nakapasok sa Campus na iyon kahit mahirap lamang.
Matapos ang parangal, nakasimangot na naupo sa tabi nila si Sione habang hawak ang cellphone.
"Ang bilis naman magbago ng mood mo. Nasaan si Jerico?" pansin ni Cave.
"May emergency, tinawagan sya ng kuya nya. Ngayon pa talaga na nag-eenjoy tayo." irap nito.
Lara:
"Nabanggit ba nya kung anong emergency? Kaya pala mukha syang balisa sa stage kanina."
Sione:
"Hindi nya nasabi, nagmamadali na syang umalis. Hayy, ang aga-aga pa eh."
Cave:
"Emergency yun Sione, syempre uunahin nya yun."
Sumimangot si Sione, wala na syang partner ngayon kaya naiinis ito. Nang biglang i-announce ng teacher ang "Dance for All" pumailanlang ang isang malamyos na awitin.
Nakita agad ni Lara ang pilyong ngiti ni Cave at marahan syang siniko.
Cave:
"Halika na. Ang ganda ng kanta oh."
Lara:
"Sasayaw tayo? Hindi naman ako marunong."
Cave:
"Madali lang yun. Sweet lang naman yan eh. Akong bahala. Tara."
Si Lara na mabilis pa sa tren ang imahinasyon, ninerbiyos.
(Na-imagine nya agad na sumasayaw sila ni Cave, sweet gaya ng nababasa nya sa libro. Dim ang mga ilaw kaya hindi nya maaaninag ang mukha nito. Tapos bubulong ito ng ang ganda mo. At hihigpit ang hawak nito sa beywang nya tapos....
Naunsyami ang kanyang iniisip ng hampasin ni Sione sa braso.
"Ang killjoy mo talaga Lara. Kami na nga lang sasayaw! Sayang ang ganda ng kanta. Tara Cave!" nakangiti nitong hila sa binata patayo.
Tumingin sa kanya si Cave na halatang alangan sa paghila ni Sione.
Sione:
"Halika na. Sayang yung music. Wag mo na pilitin si Lara alam mo namang nahihiya yan."
Panay ang pilit ni Sione kay Cave, inaasar na nga ito ng kabilang mesa. Kaya si Lara na mismo ang nagsabing ayaw nya munang sumayaw ng sweet.
"Okay ka lang ba dito?" tanong ni Cave sa kanya habang hawak ni Sione sa kamay.
Lara:
"Oo. Ayos lang ako. Sige na pagbigyan mo na si Sione."
Cave:
"Okay."
Naglakad papunta sa dance floor ang dalawa. Nagsimulang sumayaw at tila naenjoy na ito ni Cave. Maya-maya pa ay nagtatawanan na ang mga ito.
Nakaramdam ng kakaibang lungkot si Lara dahil excited pa naman syang maging first dance si Cave ngayong gabi. Naunahan lang sya ng hiya at nerbyos.
"Ikaw kasi, hindi ka agad umuo. Tapos lulungkot-lungkot ka." kausap nya sa sarili.
Matapos ang malamyos na musika, sinundan iyon ng isa pa. Right Here Waiting ni Richard Marx, isa sa mga paboritong awitin ni Lara. Tumingin sya sa mga nagsasayaw, kasama sina Sione at Cave sa mga nagpatuloy at hindi bumalik sa mesa.
Madilim man ay kita nyang halos nakakunyapit na sa leeg ni Cave ang mga kamay na Sione. Na tila ini-enjoy din naman ng binata.
Agad ibinaling ni Lara ang mga mata sa kinakaing spaghetti at wala sa loob na inikot-ikot lang ito sa tinidor. Naiinis sya isiping gusto din ni Cave ang tila pag flirt ni Sione.
"Excuse me? Hi, pwede ba kitang isayaw?" anang isang boses ng lalaki.
Napatingin si Lara rito. Takang napatigil at inaninag ang mukha ng lalaki. Dahil nga Sweet Dance ang nakasalang, naka-dim ang mga ilaw.
"Okay lang ba kung...isasayaw kita?" sabi nitong muli.
"Ako?" tanong ni Lara sabay turo sa sarili.
"Yes." tango ng kaharap.
To be continued.....