Aso at Pusa

2057 Words
(Gio POV)               She’s Lalaine and like she said, she’s my best girl buddy, the female version of Jules but I can’t understand why they hate each other so much. Anyway, pumasok na kami sa third and final subject namin today.               “Hi Ms. Lalaine, how’s your vacation at Korea?”               Isa sa pinaka-ayaw ni Lai ay ang tinatawag syang Ms. Lalaine ng mga classmates namin, most especially ng mga girls na halata na gusto syang maging kaibigan because she’s famous here at MTIU.               “That’s none of your business ladies, so shut the hell up.”               Para namang nagulat ang bwisit sa buhay ko na si Gina sa naging asta ni Lai. Kahit naman ako nagulat dahil ngayon lang nya sinabihan ang mga iyon ng ganon.               “So Gina, kailan pa kayo magka-kilala nitong si Gio?” alam mo yung tingin ni Gina kay Lalaine? Yung tingin nya na natatakot sya sa kaharap nya, baka sakmalin na lang sya bigla. “Hey, wag kang matakot sa akin. Friends tayo ok?”               “Tama na ang kwentuhan, fill-up your class cards then submit it to me without making any noise.” Naman, mukang ang sungit pa nitong bago naming prof sa PolSci313. “Ayoko sa lahat ang maingay pati na rin ang tamad na estujante. Wala akong pakelam kung every time na may quiz, recitation at exams kayo papasok sa klase, just make sure na may maisasagot kayo sa mga tanong ko at sa exams.” Ayos din naman pala ‘tong si Mam eh, hindi nya pinipilit ang estudyante nya na gawin ang isang bagay na ayaw nila. “I do give surprise quiz; sometimes it depends on the number of students who attend the class that day. So, do you have any questions?”               Nung turn na ni Gina na magpasa ng class card and magpakilala sa harapan eh bigla na lang syang natalisod sabay sabi ng “Ay ang pangit mo mam!” bwahahahaha! Isa ka palang alamat Gina hindi mo man lang sinabi sa akin. Ahahahaha!               Well, hindi naman talaga kagandahan yung prof na nasa harapan naming lahat ngayon no wonder at Miss pa rin sya hanggang ngayon.               “I’m sorry mam, hindi po kayo yung sinabihan ko, nagulat lang po talaga ako.” Iiyak na yan, iiyak na yan, ahahaha… napasaya nya rin ako after so many days!       ++++++++++++++++++++++++++   (Regina POV)               Nakakahiya lang talaga kay Mam Thesa yung mga nasabi ko kanina, leche namang mga classmates ko na yon, ginatungan pa yung galit ni Mam. Kulang na lang sabihin na sa akin ni Mam na wala na akong aasahan na pasadong grade at the end of the sem.               “Uwaaaaaaahhhh!!! Nakakahiya talaga!!!” eto naman si Gio kanina pa ako pinag-tatawanan, try naman nya kaya na i-comfort ako ng mabawasan ang bigat na nararamdaman ko! “Tumigil ka na nga sa pagtawa dyan, naiinis na ako sayo!”               “Pakelam ko naman kung naiinis ka na sa akin, masaya ako eh, bakit ba nangengelam ka sa trip ng may trip?”               Pwede po bang palitan Mo ang pagmumuka ng lalake na ‘to ng pwede ko po syang sikuhin sa muka? Nakakapanghinayang po kasi if ganyang kagandang muka ang sisirain ko.               “Sa tinagal-tagal ng pag-stay mo sa amin, ngayon mo lang talaga ako napasaya ng sobra. Iba ka Regina, iba ka! Ahahahaha!”               “Ewan ko sayo, dyan ka na nga! Hmmmp!” at nag-martsa na ako papasok sa bahay dahil talagang nahihiya na ako sa kanya. “Uwaaaaaahhhh!”               “Hey Ate Gina, anong nginangawa mo dyan? Infairness ang pangit mong umiyak ha!” isa pa ‘tong si Monina, pagbubuhulin ko pa silang dalawa ng Kuya Gio nya! “Where’s my Kuya Gio?”               “Gumugulong sa labas papasok ng bahay!” Dire-diretso naman ako sa kwarto ko sabay dapa sa malambot kong kama.               “Nakaka-inis lang kasi talaga, humanda talaga sa akin sa susunod yung babae na namatid sa akin kanina. Sisiguraduhin ko na kahit mata nya mapapahiya! Pero nakakahiya pa rin talaga yung nangyari kanina, tapos nakita pa ni Gio at ni Lalaine, tapos si Cody naman hindi man lang pinatigil yung mga classmates namin na babae na pinag-tatawanan ako. Mga lalake silang walang yagbols! Leche silang lahat, simula bukas hindi na ako papayag na apihin nila, lalaban ako!”               Sa kakaiyak at kakaisip sa kahihiyan na nangyari kanina ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Hindi pa siguro ako magigising kung hindi ko naramdaman na parang may something sa pagmumuka ko.               “Ran tama na ‘yan!”               Mga lapastangan na mga tao ‘tong mga ‘to oh, nakita ng natutulog yung tao, tama bang pumasok pa dito. “H-hey, anong meron?” tanong ko kay Ate Billy na kasalukuyang buhat na si Ran.               “You have plenty of beautiful and colorful flowers on your face Ate Gina. Ate Monsi told me that you cry, that’s why I gave you flowers.”               Niloloko ba ako nitong bata na ‘to, plenty of beautiful and colorful flowers sa muka ko, wala naman akong nakikita. Jusko, parang hindi na yata ako tatagal sa bahay na ito, mukang puro baliw na sila dito.               “I told you Ran na bad yung gusto mong gawin, bakit ginawa mo pa rin?”               “Does making someone happy is bad Nanny? I just want to make Ate Gina happy.” Ooohhh, touch naman ako sa sinabi ni Ran. “If what I did is wrong, I’m sorry Nanny. I won’t do that again, promise.” Then niyakap nya si Ate Billy na ngayon ay asawa na ng Kuya ng Gio ko. “By the way Ate Gina, I hope you’ll like the flowers I gave to you. Bye!” at lumabas na sila sa kwarto ko.               Flowers? Nasaan nga ba yung mga bulaklak na sinasabi ni Ran na ibinigay nya sa akin, eto bang nasa vase? Kanina pa to nandito eh! Nako, makaligo na nga ng maka-kain na ako ng dinner, at ng makatulog na ulit.               “Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh!!! Waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!” jusmio, anong nangyari sa magandang muka ko, bakit puro drawing??? “Waaaaaaahhhhh!!!!”               Bigla namang bumukas yung pinto ng banyo dito sa kwarto ko. “Gina, anong--- bakit puro drawing iyang muka mo?” si Tita yung nagtanong sa akin, tapos kasunod din nya si Ate Billy na buhat si Ran, Monina at si Gio. NAKAKAHIYA!               “Hindi ko po alam Tita, pag-gising at pagpasok ko dito sa CR ganyan na sya. Tita baka may nagpapakulam sa akin!”               “Ahahahahahaha! Regina iba ka na talaga ngayon, talagang pinaliligaya mo ako! Ahahahaha! Muka kang clown!” lecheng Gio, hindi kaya sya ang may gawa nito sa akin?               Oh no! Kung sya ang may gawa nito sa akin malamang na nakita nya rin ang maganda kong body. Pechay na buhay ‘to, baka mamaya naka-nganga pala akong matulog tapos nakita nya, MAJOR TURN-OFF YUN!               “Ikaw ang may gawa nito noh!? Hindi ka pa ba masaya nung mapahiya ako kanina sa school? Nakaka-inis ka na talaga!” tamang mambintang Regina, tama ba ‘yon?               “Gio?!”               “What? Wala akong ginagawa sa kanya, magkasama kami ni Monina mula pa kanina nung dumating ako. Diba Monina kanina pa tayo naglalaro ng Play Station?”               “That’s true Mom, kanina pa nga nya ako tinatalo. Ayaw man lang nya ako pagbigyan, saka dinadaya nya ako Mommy.” Sagot naman ni Monina.               “Sinong may gawa nyan kung hindi ikaw?” tanong ulit ni Tita kay Gio. “Monina, baka pinagtatakpan mo lang ang Kuya Gio mo ha.”               May bigla na namang pumasok na kung sino dito sa kwarto ko na kumakanta-kanta pa. “Hello sweetheart!” at nag-kiss sya sa lips ni Ate Billy, eh di ako na nainggit! “Ran ako na lang bubuhat sayo, baka hindi kami magkaron ng baby ni Nanny mo nyan.” Ang tamis naman… at kinuha nga nya si Ran kay Ate Billy. “Teka, ano bang meron dito? Bakit naman dito nyo pa naisipang mag-meeting, tapos ganyan pa ang ayos mo Gina?”               “Tapusin mo na muna iha ang paliligo mo at mamaya na natin alamin kung sino ang may gawa nyan sayo.” Tumango na lang ako bilang sagot at nagsipag-alisan na sila sa kwarto ko…maliban kay Gio.               Tinitigan nya ako na talaga naman ikinapula ng muka ko, akala ko kaya nya ako tinititigan ay dahil sa maganda ako sa paningin nya, pero… “Bwahahahahaha! Kung ako sayo hindi ko na yan buburahin, ang ganda oh! Ang dami mong bulaklak sa muka, and take note iba-iba pa ang kulay!” bwisit talaga ang isang to, bwiseeeeeeetttttt!!!               Bilang yung lotion bottle yung pinaka-malapit sa akin iyon ang nadampot ko at ibinato sa kanya. Pero ang laki lang nyang tanga dahil hindi nya naiwasan yung binato ko at tinamaan sya sa noo. Kasalanan nya kung bakit hindi nya yun naiwasan, tawa kasi ng tawa.               “Why did you do that? Hindi mo ba alam na pinaka-iingatan ko ang muka ko tapos babatuhin mo lang ng lotion bottle? Hindi mo alam kung gano kalaking kasalanan ang nagawa mo.”               Hello, kahit sino naman na merong ganyang kagandang muka iingatan. “H-hindi ko naman k-kasalanan kung tinamaan ka nyang bote.” Tawa kasi sya ng tawa. “S-sa-saka karma mo lang yan, pinag-tatawanan mo kasi a-ako. K-karma mo lang yan.” at pumasok na ako sa loob ng banyo.             Pero nung isasara ko na yun pinto, bigla na lang nyang hinarang yung sarili nya. Oohlhalha, hindi ko kayang ipitin ang ganitong ka-gwapo na lalake! “A-ano bang ginagawa mo? Lumayas ka nga jan, maglilinis na ako!” sabay tulak sa kanya, kaya lang hindi man lang sya natinag. Oh wag po, wag nyo pong hayaan na gawin nya sa akin ang hindi pa dapat, hindi pa po ako ready.               Pinitik nya yung tungkil nung ilong ko, potek masakit yun ah! “Bakit namumula yang pagmumuka mo? Malamang iniisip mo na may gagawin ako sayo no, excuse me hindi kita type!” aaaay, pahiya naman ako dun, akala ko pa naman hahalikan na nya ako. Hindi pala. “Sa susunod na batuhin mo ako, talagang masasaktan ka na sa akin. At kapag nagkaron ng bukol itong noo ko, hindi lang mga bulaklak na nalanta ang makikita mo sa muka mo.” At tuluyan na syang umalis sa harap ko.               Nyutaness lang talaga, bakit ba kasi ang tanga-tanga ko at ang manhid-manhid ko? Hindi nga nya ako gusto pero pilit ko pa ring pinag-duduldulan ang sarili ko sa kanya. ‘Excuse me hindi kita type!’ narinig mo ba yon Gina? Ilang beses na nyang sinabi yan sa’yo, at ilang beses pa ba nyang kailangang sabihin para lang matauhan ka jan sa pagpapantasya mo at pangangarap mo ng dilat na magugustuhan ka nya?! Wake up Regina, wake up!               Sa kaka-emote ko hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. “Packing tape na buhay to! Hindi ko dapat iniiyakan ang isang tao na hindi marunong magpahalaga sa nararamdaman ng iba!” humarap ako sa salamin, balak ko sanang kausapin at pagsabihan ang sarili ko, pero hindi ko agad yon nagawa. “Maryosep na pagmumuka to, tinalo pa ang rainbow sa dami ng kulay.” Eh kasi naman humulas yung mga naka-drawing sa muka ko. “Etong isaksak mo sa isip mo mula ngayon babae ka, kalimutan mo na ang nararamdaman mo para kay Gio, ibaon mo na kasama ng mga bulate sa ilalim ng lupa. Wala talagang pag-asa eh, wala kang mararating dyan. Maghanap o hintayin mo na lang yung tamang lalake para sa’yo.” Tama, tama lahat ng sinabi ko at may tama na talaga ang utak ko!               Pagsisisihan mo Gregory Lopez ang araw na ‘to, pagsisisihan mo na ipinamuka mo sa akin na hindi mo ako gusto. I’ll show you what you’ve lost, ipapakita ko sayo na ang tanga mo dahil hindi mo ako nagustuhan. Ipapakita at ipapa-realize ko sayo na hindi lang ikaw ang gwapong lalake na pwede kong magustuhan. Balang-araw, luluhod ka rin at magmamakaawa na mahalin kita! Tandaan nyo yan, tandaan nyo yan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD