Chapter 21 After 1 week. Narito na kami ni Janzel sa Amerika at ang kaibigan niyang si Ian ang sumundo sa amin sa airport. Dinala niya kami sa isang bungalow na bahay, may dalawang silid at banyo saka maliit na sala at kusina. Tamang tama lang para sa amin ni Janzel at magiging anak naming at simpleng pamumuhay naming dito sa Amerika. ‘’Pagpasensyahan niyo na ang bahay na ito. Matagal na kasi itong walang nakatira,’’ sabi ni Ian sa amin ni Janzel. ‘’Okay lang, bro. Atleast hindi na kami mangupahan ni Misis. Kaunting ayos lang naman ito at gaganda rin ulit ito,’’ ngiting tugon ni Janzel dito. Nanatili lang akong tahimik sa tabi niya. ‘’Suwerte ka rin mamili ng asawa, ano? Kahit buntis sexy pa rin at maganda,’’ tukso pa ni Ian kay Janzel. Ngiti lang na mapakla ang sagot ng aking a