Episode 19

2149 Words

Chapter 19 ‘’Hindi ko po alam kung paano ko sasabihin sa’yo, Sir. Kaya, kung puwede huwag mo na lang ako tanongin,’’ wika ko kay Sir James. ‘’Please, tell me. Ano ba ang nangyari? Nag-away ba kayo ni Janzel?’’ malumanay niyang tanong sa akin. Umiling-iling ako sa kaniya at hindi sinagot ang tanong niya. Nag-umpisang pumatak na naman ang mga luha ko. Naalala ko kung paano ako pagkaisahan ng Mommy ni Janzel at Sofia. ‘’Handa akong makinig, Cristy. Makakagaan ng loob mo kapag sinabi mo sa akin ang problema mo,’’ wika ni Sir James. Nasa mata at mukha nito ang pag-aalala sa akin. Pinunansan ko ang aking mga luha at tumingin kay Sir James. ‘’Umalis na ako sa bahay dahil naroon na si Sofia. Ang masakit pa ay doon siya matutulog sa silid naming ni Janzel. Pinalayas ako ng ina ni Janzel, Sir,’

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD