Episode 30

2148 Words

Chapter 30 Nakaupo kami ni Sir Marco sa isang sulok ng restaurant na tanaw ang kabuoan ng lungsod. Sobrang ganda at nakaka-relax dito. Kahit paano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ng puso ko dahil sa pagbabaliwala sa akin ni Janzel kanina. “Cristy, may boyfriend na ba si Wenna?’’ tanong ni Sir Marco sa akin. ‘’Hindi ko alam, Sir. At isa pa hindi naman kami lagi nag-uusap ni Wenna,’’ nakangiti kong sagot sa kaniya. ‘’Bakit hindi ikaw ang magtanong niyan sa kaniya, Sir?’’ ‘’Tssk! Nahihiya ako, alam mo naman na parang ang sungit ni Wenna. Puwede mo ba akong tulungan sa kaniya? Kung hindi, ikaw na lang ang liligawan ko,’’ aniya sabay tawa sa akin. Natawa na lang din ako sa pahayag niya. Maya-maya ay dinala na ng waiter ang in-order namin at nagsimula na kaming kumain. ‘’Palabiro k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD