Chapter 32 Lumipas pa ang isang linggo, ngayon ay narito ako sa restaurant na pinagta-trabahuhan ko. Maraming customer, kaya panay ang check ko sa mga orders ng bawat customer dahil sinisigurado ko na perfect ang pagkain na inihahain namin sa kanila. Lagi ko rin sinisigurado na malinis ang kitchen at mga kagamitan sa kusina. Ayaw ko na may maipipintas ang mga customer sa restaurant na mina-manage ko. Kaya, naman hindi nakapagtataka kung dayuhin man kami ng maraming customer dahil maliban sa maganda ang lugar at malinis ay masarap din ang pagakain na niluluto ng chief namin na isa rin Filipino. Ngunit halos ang pagkain na inihahanda rito ay international cuisine. Habang nagche-check ako ng mga baso ay tinawag ako ng isa sa waiter na kasama namin sa restaurant. ‘’Ma’am Manager, ther