15 Tuwang tuwa si Keiko dahil walang uniform every Monday. Kung sa ibang university ay Wednesday ang wash day, sa ESU ay Mondays at Fridays. She's wearing a candy pink long sleeves and pink retro shoes. And of course her undying short shorts na kinaiinisan ng kinakapatid niya. Trip na trip niyang asarin ang lalaking iyon na parang sa paningin niya lalong pumupogi kapag inaasar niya. Lagot na naman iyon ngayon sakanya. "Bye Mami!" hinalikan niya ang ina sa pisngi sabay lipat ng pusa niya rito, na kahit may asthma ang ina niya ay okay lang na mag-alaga siya ng pusa. Nasermonan siya nito nang umuwi siya pero pagkaalis naman ni Axel, pero balewala yun sa kanya. Ni hindi man lang sumama ang loob niya. Likas na yata sa kanya ang pagiging makulit talaga. And of course alam niya ang limitatio