Chapter One
MR. ARROGANT ENCOUNTER
Nakanganga si Keiko Rhyiann sa sahig, kung saan tumilapon at nawasak ang isang smartphone ng estranghero habang nasa loob siya ng convenience store na iyon, matapos niyang mabangga ang isang lalaki.
Patay na!
Napanganga siya at nakagat ang labi.
Pero saan siya mas napanganga? Sa kagwapuhan ng lalaking nabundol niya na parang sa tigas ng katawan ay siya pa ang nabukulan. Natumba pa siya dahil nagbounce siya sa katawan nito kaya ang matigas na tiles ang sumalo sa kanyang puwit.
Matigas ang mukha na tumingin sa kanya ang nagbabagang magagandang mga mata ng gwapong nilalang, matapos damputin nito ang nagkawasak-wasak na smartphone.
Parang kilala niya ito.
Saan niya nakita?
Sino nga ba?
Artista?
Hindi.
"Hoy bata, doon ang playground sa park. Wala rito. Nakakasakit ka na, nakakasira ka pa." masungit na sabi nito sa kanya.
Nakamaang lang siya sa mapupula nitong labi na parang palaging gustong manghalik. Lihim siyang napakagat labi at wala sa utak niya ang sinasabi nito.
Ang gwapo niya.
Pero teka! Ano?! Dinampot nito ang sirang phone pero siya ay hinayaan na nakaupo sa sahig dahil sa pagkatumba niya? Di man lang siya tinulungan na tumayo. Gwapo nga arogante naman!
At ano raw, bata? Hindi na siya bata! Twenty one na siya. Mag-aaklas siya laban sa taong tatawag sa kanyang bata dahil dalaga na siya!
Tumayo siyang mag-isa but she tried to be cool. "Ahm—" tangka niyang sabi na pinutol agad ng aroganteng pogi.
Itinaas nito ang isang kamay sa tapat ng mukha niya na ang ibig sabihin ay huwag na siyang magsalita kaya nakanganga lamang siya…ulit.
"I don't need explanations. Mag-ingat ka naman sa susunod hindi ‘yong tatanga-tanga ka. Hindi ka naman bulag." masungit na lintanya nito sa kanya kaya naubos ang baon niyang pasensya na isang garapon ng Chee whiz.
Pinameywangan niya ito.
"Hoy mister na ipinaglihi sa sama ng loob, una sa lahat hindi na ako bata. At ikaw ang tatanga-tanga dahil nakikipagdaldalan ka at di ka nakatingin sa dinaraanan mo. Kaya kung tanga ako, quits lang tayo! Gwapo ka lang!" sabay irap niya.
Nakita niyang gumalaw ang panga nito na parang nagtitimpi ng galit sa kanya. Baka nga maya-maya lang ay ipitin siya nito sa leeg gamit ang kilikili. Ang liit niya kasi kaya cute siya.
"You bumped me! Nakatalikod ako kaya paanong ako ang tanga? Wala kang galang sa matanda." giit nito sa kanya pero mas magiit siya.
Iningusan niya ito. "Ikaw ang walang galang sa bata! Yabang nito kala mo kung sino ka. O sorry na po. Ano pa? May nabawas ba ni isang balahibo sa’yo?" sabay sulyap niya sa balahibuhing braso nito na maskulado.
Pinagpag nito ang sarili na akala mo diring-diri na bumangga siya sa katawan nito.
Kapal!
"I don't have time for this nonsense. Siguraduhin mo na di tayo magkita ulit at kapag nagkataon may kalalagyan kang bata ka sa’kin." there's a big warning in his hazel brown eyes. Ang matalim na titig na iyon na hindi man lang niya kinatakutan, dahil lahat ng matitigas na salita nito ay natatakpan ng kagwapuhan.
"Hindi nga ako bata!" sigaw niya sa lalaki na umiling at parang nagtagis ang bagang.
"Eh ano ka? Lola?!" sabay talikod nito sa kanya. "Brat!" he muttered.
Pumihit siya para habulin ito ng tingin.
"Pasalamat ka at gwapo ka kung hindi, tinuhod na kita!" pahabol na sigaw niya sa lalaki."Arogante! Matanda! Pikon! Pangit!" gigil siya.
"Hindi pala pangit, gwapo." bulong niya sa hangin.
Napakagat labi sya. Kelan kaya sya magkaka boyfriend na katulad ng lalaki?
Papiksi-piksi siya nang tuluyang di na siya pansinin ng lalaki. Sana lumingon man lang iyon kahit isa, di sana namukhaan niya nang husto. Ang pogi kasi na sobra niyon pero hindi na talaga siya tinapunan ng isang makamatay puri na titig.
Halos mamatay-matay na si Keiko sa pag-iisip kung sino ang gwapong nilalang iyon habang nasa loob siya ng kanilang sasakyan, at sigurado siya na hindi naman iyon alien. Humalukipkip siya at padabog na isinandal ang sarili sa upuan ng kotse. Naiinis siya. Naka-encounter na nga siya ng crush, kung kailan pa wrong timing. Tumakbo lang naman kasi siya nang makita na pumasok sa store na iyon ang manliligaw niyang baduy! Si Timothy. Ang weirdo-wierdo niyon at ang korni-korni. Parang tinalo pa ng lalaki si Francisco Balagtas sa kakornihan. Parang lahat ng salita niyon, tinutula at wala siyang balak na maging Francisca Balagtas. Sa lahat ng ayaw niya ay sa corny.
At saan mo gusto? Sa aroganteng gwapo?
Oo.
Gusto niya kasi iyong pa-mysterious effect, iyong tipong parang ang daming surprises, hindi iyong parang araw-araw na lalaban sa Balagtasan at kulang na lang ay magsuot ng barong kahit na nasa bahay, na tinatalo pa ang Daddy niyang Gobernador sa mga kwelyong sintigas ng cardboard at necktie na parang pwedeng ipang-hila ng baka.
"Baby, are you okay?" biglang tanong sa kanya ng nakatatanda niyang kapatid na si Macky, na nagmamaneho ng sasakyan. Tiningnan niya ang kuya Macky niya sa rearview mirror.
"Kuya, may kakilala ka bang gwapo, matangkad, mabango, macho—?" aniya na binara kaagad ng kanyang kapatid.
"Ano ba ‘yan? Maraming ganyan sa mundo, ako isa na." sagot nito na ikinasimangot niya.
"Haha! You're not funny kuya." she sarcastically said then sneered at her brother.
"Why? May manliligaw ka na bang ganyan? Pwede ka ng magpadasal. Malaking himala ‘yan." pang-aasar pa nito sa kanya kaya lalo na siyang napasimangot.
Bad trip din 'tong kuya niya eh. Actually lahat ng kuya niya, bad trip. Lagi siyang pinagkakaisahan at halos patayin na rin siya sa kilitian kapag gusto siyang asarin, pero naman ay baby siya ng mga nakatatanda niyang kapatid talaga.
"Ewan ko sa'yo kuya." naiinis na humalukipkip ulit siya. Paano naman kasi sanay talaga ang mga ito na puro weirdo ang nanliligaw sa kanya. At ni isa, wala man lang gwapo. Meron pala sana, anak ni Congressman DeLuca, kaso anim naman ang mata. Sa kapal ng salamin parang kapag tinanggal, baka kahit elepante, hindi na makita. Tapos wala pang sense of humor. Ang boring-boring kausap at walang ibang alam kundi magkwento ng tungkol sa Bibliya. Hindi naman sa ayaw niya ng Bible studies, but not to the extent naman sana na parang gusto ng ipasok sa kukote niya ang lahat ng salita ng Diyos, na baka daigin pa niya si Mother Theresa. Baka mawindang siya. Dinaig pa niyon si Pope sa pagkabanal.
Gusto niya iyong maypagka-santo pero dadaanin sa paspasan.
Napangiti siya nang maalala si arrogant crush. As if naman magkikita pa silang dalawa. Sa laki ng mundo mahirap na makabangga niya ulit iyon. Hahanapin niya iyon. Anong silbi ng google, sss, i********: and other social apps if she couldn't find that handsome face of her arrogant crush? Baka mamaya isa iyon male model ng Calvin Klein o Tommy Hilfiger. Swerte!
Kinilig siyang bigla at kinikilig na inilagay niya ang dalawang kamay sa mukha. "Sana makita kita ulit. Tingnan ko kung may kalalagyan nga ako. In your arms." parang wala sa sariling sambit niya.
"Hoy! Keiko Rhyiann naririnig ko ‘yang bisig bisig mo na ‘yan ha. Umayos ka. Sasaksakan ko ng pipe sa bibig ang lalaking mangangahas sa'yo, kahit boyfriend mo pa." sita ng kuya niya sa kanya kaya nawala ang kanyang kilig.
"Wow! React mo kuya exaggerated! Crush lang mangangahas kaagad? Minsan na nga lang magka crush, babasagin mo pa." kulang na lang pameywangan niya ang kapatid sa sobrang inis.
"Ang asikasuhin mo yang pagpasok mo bukas sa ESU! Baka mamaya makipag-sabunutan ka na naman doon. Sayang ang effort na pakiusap ko kay Lyeon na maihabol ka doon." galit-galitan nito sa kanya habang pasulyap-sulyap sa salamin para tingnan siya.
"Eh sabihin mo na lang do'n sa friend mo bantayan ako para ‘di ako makipag sabunutan." inis na saad niya. Pasira kasi ng moment.
"At gagawin mo pang baby sitter yung tao. Baka imbes na bantayan ka no’n, paluin ka pa no'n ng pamitpit sa kulit mo. Para kang hindi twenty-one."
Wow! Sumbat lang. Kasalanan ba niya na bini-baby siya?
Pero oo nga pala…
Napabuntong hininga siya. Pang ilang school na ba niya? Pero sabi, malaki ang assurance na hindi na sya mabu-bully ngayon dahil mahigpit naman daw sa ESU sa mga estudyante na may problema sa pag-uugali. Well, she hopes so, para tuluy-tuloy na ang pag graduate niya sa kursong Journalism.
Pero mas magiging masaya siya kung doon din nag-aaral si crush. Pero sa mukha ng lalaking nabangga niya, mukhang hindi na iyon estudyante. Daig pa niyon ang isang istriktong professor sa tigas ng salita—at sa tigas ng machong katawan. Napapiksi siya sa kinauupuan dahil sa sobrang kilig. Parang dumikit sa memorya niya kung gaano kamaskulado ang lalaki at kung gaano kabango.
Her brother looked at her but she doesn’t care. Kikiligin niya kung kailan niya gusto at walang makakapigil sa kanya.
Muntik pang ma-shock si Lyeon nang makita niya ang mukha ng bata na iyon kanina. Kung hindi lang siya nakabawi ay baka natulala rin siya. Ngayon parang gusto niyang magsisi sa ginawa niyang kaarogantehan kanina.
He's now driving his car but his damn mind was corrupted by that young lady’s innocent charm.
Ilang taon ba siya nang huli niyang makita iyon bago dalahin sa Amerika? He was seventeen and that young Keiko was nine. Ang maliit na batang babae na ang kulit-kulit na sabi sa kanya ay pakasalan niya kapag lumaki na iyon.
Sumilay sa labi niya ang isang ngiti. She grew up so fast and she's still so very admirable, at diretsong-diretso kung managalog. Parang hindi iyon laki sa ibang bansa. Kaya lang, still so careless. Gusto pa nga niyang mag -panic nang makita na nakaupo iyon sa sahig, dahil baka nabagok na naman ang ulo at magka-amnesia na naman.
Tutulungan sana niya kaya lang natigilan siya nang mapagsino talaga ang dalaga, and instead kinagalitan na lang niya para naman matuto sa buhay. Mukhang hindi na bumalik ang memorya ni Keiko dahil hindi na siya naalala, o baka ganoon lang ang itinanda niya para di na siya mapagsino.
The f**k! He's just 29 for Jesus’ sake.
That fancy promise...
“Marry me when I'm old.” Tila paulit-ulit na pakiusap sa kanya ng isang batang babae na naka ponytail wearing heels. So fashionista kahit ang bata bata pa. Walang duda dahil anak ito ng isang mayor na ninong niya.
“Fine. I'll marry you. Just strive hard to finish your studies.” Aniya sa bata para lang matigil na ang pangungulit pagkakatapos nilang maglaro ng basketball ni Macky.
Until that day na naaksidente ang bata at wala siyang nagawa dahil natuod siya sa kinatatayuan nang madulas iyon at bumagsak ang ulo sa sahig, na pwede sana niyang saluhin pero hindi niya nagawa.
Bumuntong hininga siya.
"It's been such a very long time Keiko Rhyiann." aniya sa hangin.